XX.
*BADUMP*
*BADUMP*
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang yakap ni Matthew. Kaso 'di nagtagal, unti-unting lumuwag ang yakap niya hanggang sa naramdaman kong tuluyan na siyang kumalas sa yakap. Naramdaman ko pa ang paggalaw niya sa kama kaya napamulat na ako ng mga mata. Nakatalikod na si Matthew sa'kin. Nakahiga lang siya at nakatalikod sa'kin.
Hindi ko alam pero may parte ko ang nanghihinayang dahil gusto ko pa rin siyang yakapin.Hindi. Hindi, hindi, hindi, hindi.
Pero..'di ko malaman pero 'di ko maiwasang mapatitig kay Matthew kahit nakatalikod ito sa'kin. Parang napako na ang titig ko sa kanya. Hindi pa rin ito kumikibo o gumagalaw." Labas na. " nagulat naman ako nang bigla itong magsalita. Napakurap muna ako nang ilang beses bago rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Matthew.
Bumangon na ako at naupo sa kama pero hindi ko napigilang lingunin muli si Matthew bago ako tumayo ng kama. Hindi na ito kumibo ulit. Dumiretso ako sa drawer sa tabi ng mesa ko para kumuha ng damit na pamalit. Agad akong lumabas ng kwarto nang makuha ko iyon at pumasok ng banyo na katabi lang ng kwarto ko. Nagdesisyon akong maligo. Baka sakaling matanggal ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Kailangan ko lang mag-focus ngayon sa project ko.
Matapos ang halos isang oras sa loob ng banyo, lumabas na ako. Nakabihis na rin ako at basa ang buhok ko. Kahit medyo nag-aalangan, pumasok ako ng kwarto para kunin ang suklay. Wala na roon si Matthew. Siguro bumaba na siya. Kinuha ko ang suklay at sinimulang suklayin ang magulo at basa kong buhok.*BADUMP*
*BADUMP*
Kanino nga kayang heartbeat 'yon? Akin o kay Matthew? Ang lakas ng kabog. Parang tumigil ang mundo ko kanina sa ginawa ni Matthew.
Napatigil naman ako sa pagsusuklay at nailapat ang isang kamay ko sa dibdib ko.Akin ba talaga 'yung heartbeat na naririnig ko kanina? Pero..kung akin nga, anong ibig sabihin nun? Ano?
Napasulyap naman ako sa singsing na nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Gulung-gulo ang isip ko. O baka puso. Hays.
Bumaba na ako at pumunta ng kusina. Nadatnan ko naman roon si Matthew na nakaupo sa may mesa habang si Trevor ay abala sa pagluluto ng hapunan. Napatingin sa'kin si Matthew pero blangko ang mukha nito, agad din naman siyang umiwas ng tingin." Ay sisteret, upo ka na, dali! Maluluto na itechiwa. Wait lang. " lingon sa'kin ni Trevor.
Dumiretso ako at naupo sa may parisukat na mesa, sa tapat ni Matthew. May nakahain nang kanin at ayos na rin ang mga plato at kubyertos sa mesa, ulam na lang ang kulang.
Walang kumikibo sa'min ni Matthew. Ilang minuto lang ang nakalipas pero parang oras ang paghihintay dahil sa namumuong katahimikan sa hapag-kainan. Ilang beses pa akong napapalunok habang manaka-nakang sumusulyap kay Matthew pero parang normal naman siya. 'Yung ekspresyon ng mukha niya, normal naman. Ako lang yata ang nakakaramdam ng kaba. Teka...kaba? Bakit? Bakit ako kinakabahan sa harap ni Matthew?" Ah...pa'no ka pala mag-p-palit ng d-damit? M-May dala ka b-bang pamalit? " pagbasag ko sa katahimikan.
" Tatawagan ko mamaya ang driver ni papa at sasabihin kong dalhan ako ng damit at uniform. " sagot ni Matthew. Normal naman ang tono ng pananalita nito. Walang halong kaba o anuman. Hays. Overthinking lang iyan Felicity. Overthinking.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...