Chapter XXVIII

5.6K 95 17
                                    

XXVIII.


[Matthew's POV]


"I'm so tired of acting too nice and gentle."


Tss.


"Huy Matthew!" biglang tawag ni panget.

"Ano?" irita kong sabi.

"Wala, ang sungit mo. Ito na pagkain mo," inabot niya sa'kin ang sandwich ko at tinabihan ako sa bench, "Oo nga pala, okay ka na ba?"

"Wala naman akong sakit. Tss."

"Ang ibig kong sabihin, okay na ba 'yang nararamdaman mo? Ang weird mo kasi kahapon, bigla ka na lang sumusulpot sa bahay namin tapos nagpabasa ka pa sa ulan. Ang emo mo rin eh."

//

[Felicity's POV]


Hindi naman ako sinagot ni Matthew. Mukhang 'di pa nga siya okay. Minabuti ko na lang na kumain imbes na usisain pa siya at baka awayin na naman niya 'ko.


"Panget," tawag ni Matthew kaya tinignan ko ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Kapag nalaman mong niloko ka ng isang taong mahalaga sa'yo, masasaktan ka ba?" seryosong tanong nito.

"A-Ano ba, syempre oo. Sobrang sakit kaya ng gano'n," tugon ko.

"Tch. 'Yon nga ang punto ko eh," usal nito.

"Anong punto?" maang kong tanong.

"Wala," sagot naman ni Matthew.


Pfft. Weird talaga ng lalaking 'to.


*RIIING*


Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at sinagot ang tawag, "Hello?"

"Felicity..," si Skye ang tumawag, "Pwede ba tayong mag-usap?"

"O sige, nasa'n ka ba ngayon?" tanong ko.

"Sa likod ng Building C. I'll see you, bye."

"Sige, bye," ibinaba ko na ang phone at nagmadaling iligpit ang pagkain ko.

"Oyy, sa'n ka pupunta?" tanong ni Matthew.

"Mag-uusap lang kami ni Skye," sagot ko.

"Tch. Ewan ko sa inyo."

Anong problema niya? Pfft. "Sige, alis na 'ko."


Akmang palabas na ako ng rooftop nang may pinahabol pa si Matthew.


"Panget," tawag nito sa'kin kaya nilingon ko siya, "Bukas may photoshoot ako kaya samahan mo 'ko."

"Okay," maikling sagot ko at saka mabilis na nilisan ang rooftop.


Pagdating ko ng mini-park, nakita ko si Skye na nakaupo sa bench habang hinihintay ako. Nginitian niya ako pagkakita niya sa'kin at agad ko naman siyang nilapitan.


"Skye, ano bang gusto mong pag-usapan?" bungad ko.


Nginitian lang niya 'ko saka hinila ako para yakapin.


"S-Skye...ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya at saka pabulong na nagsalita, "I'm sorry.."

"S-Sorry? Para saan? Wala ka namang dapat ipag-sorry sa'kin," sagot ko.

"I'm sorry for being so immature," dagdag pa ni Skye.

Naguguluhan man ako ng sandaling iyon, ginantihan ko ang mahigpit na yakap ni Skye para pagaanin ang loob niya, "Ayos lang, naiintindihan ko."

//

[Matthew's POV]


"Sige, sabihin mo sa kanya at nang masaktan siya."

"Tama nga ako, wala ka pa ring pinagbago. Masama ka pa rin," ngisi ko.

"Pareho lang tayo Matthew."

"Huwag mo 'kong itulad sa'yo na isang manloloko."


Tss. Kahit na gaano ko pa kagustong sabihin 'yon kay panget, natatakot ako na baka kagalitan niya lang ako dahil do'n at ayaw kong masaktan siya nang dahil sa mokong na'yon.

//

\\


*KRIIING*


Inayos ko na ang mga gamit ko at saka lumabas ng classroom.


"Felicity," tawag ng isang pamilyar na boses.


Nagulat ako nang paglingon ko ay si Mhira pala ang tumawag sa'kin. Nilapitan ako nito at saka tinignan mula ulo hanggang paa.


"A-Ano bang kailangan mo?" nai-intimidate kong tanong.

"Kayo na ba ni Skye Chua?" mataray nitong tanong.

"Hindi," agad kong sagot.

"Are you sure?" taas-kilay pa nitong tanong.

"Oo nga."

"K," sagot nito saka ako nilayasan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang lumayo na ito.


Papaakyat na sana ako ng second floor nang biglang tumunog ang phone ko.


"Hello?" sagot ko.

"Panget, hintayin mo na lang ako sa gate," sabi ni Matthew at agad na ibinaba ang phone.


Sinunod ko na lang ang bilin niya kaya dumiretso ako sa labas ng gate ng university. Umupo ako sa katabing waiting shed malapit sa gate habang naghihintay.

Hindi katagalan ay nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Anong ginagawa niya rito?

Agad ko siyang nilapitan bago pa man siya makapasok ng campus. Nasorpresa rin siya nang makita ako.


"Anong ginagawa mo rito?" kalmado kong tanong.

"Hindi ba ikaw ang kasama ni Skye kahapon?" paglilihis niya sa usapan.

"Ako nga," sagot ko, "Pero pwede ko bang malaman kung anong ginagawa mo rito...Liberty?"

"Kakausapin ko si Matthew," tugon niya at aktong lalakad na pero mabilis kong hinarangan ang dadaanan niya.

"Miss, ano bang ginagawa mo? Kailangan kong makausap si Matthew."

"Hindi ba sinabi na niya sa'yo na ayaw ka na niyang kausapin? Bakit ba pinagpipilitan mo pa ring makipag-usap sa kanya?" sabi ko.


Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, kita ko 'yon sa mga mata niya. Pero mas maganda na ang ganito kaysa pareho silang mas mahirapan."


"Hindi mo 'ko naiintindihan, I need to talk to him," pagpupumilit pa niya.

"Pasensya na pero 'di ko 'yon pahihintulutan."

"Sino ka ba? Bakit ba nakikialam ka sa'min ni Matthew? Hindi ba girlfriend ka ni Skye? Kung nagagalit ka sa'kin dahil sa nakaraan naming dalawa, I'm very sorry. Hindi ako nandito para kay Skye, gusto ko lang talagang makausap si Matthew."

"Hindi ako girlfriend ni Skye. Ang totoo niyan, tutor ako ni Matthew," sagot ko, "Concerned lang ako sa kanya dahil alam ko kung gaano mo siya nasaktan noon. Kaya kung pwede lang, huwag mo muna siyang guluhin."

//

[Matthew's POV]


"Oo, totoo lahat ng 'yon," pag-amin ng magaling kong kapatid. Tss. Gusto ko siyang bugbugin ngayong dahil sobrang naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring 'yon.

"Niloko mo siya. Ibang klase."

"Alam ko 'yon."

"Tch. Nakakatawa," usal ko, "Ang akala ng lahat, napakasama ko pero ang totoo, ikaw naman talaga ang masama sa'ting dalawa. Nagkukunwari ka lang na anghel sa harapan niya pero isa lang 'yong malaking kasinungalingan."


Hindi naman niya magawang tignan ako nang diretso. Tss. Sinungaling.


"Please, huwag na huwag mong sasabihin 'yon kay Felicity."

"Ha!" Nagpapatawa ba ang isang 'to? "At bakit hindi?"

"Dahil tiyak na masasaktan siya," tugon ni Skye.

"'Di ba 'yon naman talaga ang plano mo?" naiinis kong sabi.

"Hindi," mabilis nitong sagot, "Ayokong masaktan siya dahil sa bagay na 'yon."

"Anong gusto mo? Ang paniwalain siya na napakabuti mong tao, na isa kang anghel para sa kanya? Mas lalo lang siyang masasaktan," giit ko, "At hindi na ako papayag na saktan mo pa siya."

"A-Anong ibig mong sabihin?" maang nitong tanong.

"Akin lang si Felicity, hindi mo siya pwedeng agawin sa'kin. Akin lang siya."

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon