XVI.
" Ayan, naintindihan mo ba Matthew? " tanong ko. Narito kami sa living room ng mansyon. Dito kami nagugroup study dahil ayaw ni Matthew na doon na lang sa kwarto niya mag-aral.
" Oo na. Ayoko nang mag-aral. " masungit na sagot nito.
" Matthew.. " sambit ko.
" Matthew, huwag mong bastusin si Felicity, kakasimula pa lang natin. " saway naman sa kanya ni Skye.
" Natin? Hindi ka naman kasali dito, sinisiksik mo lang sarili mo. " pabalang na sagot ni Matthew sa kuya niya. " Umalis ka na lang at nang makapag-concentrate ako. Naiirita kasi ako kapag nakikita kita. "
" Matthew, huwag mo namang sagutin si Skye nang ganyan. " mahinahon kong sabi.
" Isa ka pa. " masungit pa nitong sabi sabay tingin sa'kin nang masama. Ano na naman bang ginawa ko sa kanya?
" Tama na 'yan, Matthew. Mag-aral na tayo. " sabi ni Skye, seryoso na ang tono ng boses niya.
Hindi na ulit kumibo si Matthew. Nagpatuloy na ako sa pagtuturo, tinutulungan naman ako ni Skye sa pagtuturo sa kapatid nito. Siya na rin ang nagpapaliwanag ng ibang lessons. Pansin ko naman na kapag si Skye ang nagtuturo, sumasama ang tingin ni Matthew at napapakunot na lang siya ng noo. Matapos naman ang pagtuturo, pinasagutan ko na kay Matthew 'yung mga activities sa libro niya. Ako naman sinagutan ko ang mga assignments ko.
//
[ Matthew's POV ]
" Sagutan mo na 'to, Matthew. " sabi ni panget. Ibinigay niya sa'kin ang libro ko at itinuro ang mga dapat kong sagutan. Kinuha ko na lang 'yun at nagsimula na akong magsagot. Habang bwisit na bwisit ako sa pagsasagot, rinig ko naman ang pag-uusap ng kumag kong kapatid at ni panget. Hindi ko tuluyan mapigilang mapalingon sa dalawa.
Kita ko namang tinuturuan ng kumag kong kapatid si panget. Abot tenga naman kung makangiti si panget. Psh. Nakakairita silang tignan. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa sinasagutan ko. Lintik naman, hirap sagutan nito. Tss.
*RIIING*
Napatingin ulit ako kina panget.
" Sandali lang, Felicity. " paalam ng kumag na si Skye sabay tayo at alis hawak ang phone niya. Sinundan lang siya ng tingin ni panget na abot tenga pa rin ang ngiti. Lakas din ng tama ng panget na 'to.
" Oy panget. "
Tumingin naman siya sa'kin na nakasimangot na. " Ano? "
" Wala, panget mo. " sabi ko at bumalik na ako sa pagsasagot. Di nagtagal, bumalik na ang magaling kong kapatid.
" Felicity, kailangan ko nang umalis. " narinig kong sabi nito. " Hatid na kita tutal mukhang tapos na tayo sa lessons. "
" Ha? O sige, tapos na rin naman ako rito eh. " pagpayag naman agad ni panget. Tss.
Nag-focus na lang ako sa libro at mabilis ko 'yung sinagutan.
" Tara na. " sabi ng kumag kong kapatid.
Patayo na sana si panget kaso bigla akong nagsalita. " Oy teka, check mo muna 'to. " sabi ko sabay bigay sa kanya ng libro.
Kinuha naman niya 'yun at binasa. Kita ko namang gulat na gulat siya. " Matthew, ano ba 'tong mga sagot mo?! Find x tapos binilugan mo lang 'yung x. Tapos ano ba 'to? "
" Bakit ba? Sabi lang naman 'Find x.' hindi naman 'Find the value of x' kaya binilugan ko. Psh. " Magkaiba naman ang dalawang iyon, ewan ko ba mga pahirap na mga prof na iyan. Find x lang tapos kailangan may solution pa, hindi naman sinabing find the value of x. Atsaka isa pa, wala namn akong naintindihan sa mga tinuro nila kaya bakit ko pa papahirapan ang sarili ko sa paghahanap ng lintik na X na 'yan? Naririndi lang talaga ako sa presensya ng kumag na Skye na 'yan kaya tumatango na lang ako sa mga tanong nila. Tss.
" Sagutan mo ulit 'yan. " utos ni panget sabay balik sa'kin ng libro.
" Tss. Kahit subukan kong sagutan 'yan nang paulit-ulit, hindi ko magagawa. Wala naman akong naintindihan sa mga tinuro niyo. " iritado kong sagot. " Buti pa, ituro mo na lang ulit. "
" Pero... "
" Felicity, I really need to go. " sabi naman ng kumag kong kapatid.
" Uhm.. sige Skye, mauna ka na. Tuturuan ko muna ulit si Matthew. "
" I see. Magkita na lang tayo sa school bukas. Bye. " paalam nito sabay alis. Buti naman, umayos na ang paligid.
" Oy, turuan mo na ako. " sabi ko kay panget.
//
[ Felicity's POV ]
" Oy, turuan mo na ako. " atat na sabi ni Matthew. Hays. Sayang, akala ko pa naman makakapag-usap pa kami nang matagal ni Skye. Si Matthew kasi eh. Pfft.
Tinuro ko ulit kay Matthew 'yung mga lesson. Pero ngayon, sa bawat lesson na matatapos namin, may binibigay muna akong sasagutan ni Matthew, quiz kumabaga. Kapag naperfect na niya 'yun saka na kami magpapatuloy sa bagong lesson. Mabuti nang makatiyak na nakuha na talaga niya ang mga tinuturo ko. Hanggang sa abutin kami ng humigit kumulang dalawang oras nang matapos namin ang lahat ng lessons. Grabe, sumakit ang leeg ko kakaturo sa pasaway na ito.
Pagkatapos na pagkatapos naman namin sa lesson, dumiretso agad si Matthew sa harap ng TV at in-on ang kanyang PS3. Agad siyang naglaro. Hays. Para talaga 'tong bata kahit kelan. Nag-aayos ako ng mga gamit nang dumating ang maid nila Matthew dala ang tray na may meryenda.
" Kumain na po muna kayo, ma'am. " sabi ng maid.
" Naku, wag na po. " tugon ko.
" Kumain ka na panget. " sabat naman ni Matthew habang naglalaro ng PS3 niya. " Sasayangin mo pa 'yung pagkain. "
Hays. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Nilapag naman ng maid ang tray sa mesa at umalis na. Kinuha ko naman ang platito na may slice ng Black Forest cake. Oo nga, sayang din 'to. Ahehe. Nagsimula na akong kumain habang pinapanuod maglaro si Matthew. Buti pa sa paglalaro niya, concentrate na concentrate siya.
" Matthew. " tawag ko rito.
" Ano? " tanong niya habang busy pa rin sa paglalaro.
" Pansin ko lang, ba't ba ang laki ng galit mo kay Skye? Ano bang nagawa niya sa'yong kasalanan? " tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot at nagpaka-busy lang sa paglalaro.
" Huy Matthew. " tawag ko ulit rito.
" Wala ka nang pakialam dun. " masugit na sagot nito.
" Hmm.. okay. Eh paano ka pala natutong mag-piano? " sunod na tanong ko.
" Syempre nag-aral ako kung pa'no. Tch. " sagot ni Matthew. Pfft. Oo na. Pasaway. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng cake. Sarap talaga nito. Ahehe.
" Teka nga... " sabi naman ni Matthew sabay lingon sa'kin. Dedma lang ako at patuloy sa pagkain. " Pa'no mo naman nalaman na marunong akong tumugtog ng piano? "
Bigla naman akong nasamid sa tanong ni Matthew. Oo nga pala, hindi niya alam na nakita ko siyang tumutugtog. Ano bang ipapalusot ko rito? Hays.
" Oy panget. " tawag ulit ni Matthew.
" Ah... ano.. kasi.. " nauutal kong sagot.
Nanliit naman ang mga mata ni Matthew habang nakatitig sa'kin.
" Oo na, aaminin ko na. Kasi..nakita kitang tumutugtog nun nung susunduin kita para sa photoshoot mo. " pagtatapat ko.
" Psh. Kahit naman malaman mo 'yun, wala akong pakialam. " sabi nito sabay balik sa paglalaro.
//
\\
Thursday.
Sabay kaming naglalakad ni Matthew papasok ng university nang makita namin sina Skye at Bullet na magkasama at papasok na rin.
" Matty! " masayang bati agad ni Bullet kay Matthew pagkakita niya agad dito. Nilapitan naman nila kami. " Kamusta na pala-- "
" Psh. Tumahimik ka na nga. Nakakarindi 'yang boses mo. " pagputol agad ni Matthew sa sasabihin niya.Nagwalk-out naman si Matthew at sinundan lang siya ni Bullet. Lalaking 'yun, ang aga-aga, init agad ng ulo.
" Hi Felicity. " nakangiti namang bati sa'kin ni Skye. Buti pa 'tong si Skye, good mood lagi. Mehehe~
" Hi Skye. " tugon ko.
" Kamusta ang pagtuturo kay Matthew? " tanong niya habang naglalakad na kami papasok.
" Okay lang naman. Natututo naman siya, pasaway lang minsan. " sagot ko.
" Pagpasensyahan mo na lang siya. " sabi pa ni Skye.
" Okay lang, sanay na rin naman ako sa kanya. " sabi ko.
" Nga pala, sigurado ka na sa Wednesday, ha? Susunduin kita sa inyo. " pag-iiba ni Skye sa usapan.
" Ha? " Pero.. wala pa nga akong susuotin para dun eh. Hays.
" Felicity, 'di ba sabi mo pupunta ka para panoorin kaming tumugtog. Basta, susunduin na lang kita sa inyo. " pagpupumilit ni Skye.
" O-O sige. " sabi ko na lang.
Hanggang sa klase, 'di maiwasang sumanggi sa isip ko kung ano ang mga mangyayari sa party next week. Nakakakaba, nakakaexcite at nakakatuwa. Problema ko lang talaga ay kung paano ako mag-aayos. Party 'yun kaya malamang sosyalan ang mga dating ng mga schoolmates ko. Ayoko namang mapahiya dun lalo na kay Skye. Kahit na hindi ako magmukhang maganda basta 'wag lang akong magmukhang out of place.
//
Breaktime.
Naglalakad ako papuntang cafeteria nang makasalubong ko si Bullet. Nginitian ko na lang siya. Medyo ngiwi pa nga ang pagkakangiti ko. Ngumiti rin naman siya sa'kin. Didiretso na sana ako ng lakad pero nilapitan niya ako.
" Hi Felicity. " bati niya sa'kin.
" Hi din.. Bullet. Ahehe. " tugon ko naman.
" Itatanong ko lang sana kung magaling na ba 'yung paa ni Matty? " tanong nito. Eh? Anong sinasabi nito?
" Eh? Paa? Anong paa? " nagtataka ko namang tanong.
" 'Yung paa ni Matty. You mean, you don't know na naaksidente siya? " sagot ni Bullet.
" Si Matthew, naaksidente? Paano? " tanong ko ulit.
" Kasi..sabi niya sa'kin..may kinuha daw siyang walang kwentang singsing kaya ayun, naaksidente tuloy siya. Kawawa naman si Matty. " paliwanag ni Bullet. Kung ganun..si Matthew talaga ang kumuhang singsing? Pero sabi niya...
" Ganun ba? Ah..sige, una na ako Bullet. " paalam ko at mabilis na naglakad papuntang cafeteria. Pagkabili ko ng pagkain, dumiretso na ako ng rooftop. Naabutan kong nakaupo si Matthew sa bench. Nilapit ko naman siya.
" Huy. " tawag ko.
Hindi naman siya tumingin. " Pagkain ko? "
" Bakit mo sinabing pinakuha mo 'yun sa iba? " sabi ko.
Tumingin naman siya sa'kin ngayon. " Ang ano? "
" 'Yung singsing. Bakit hindi mo sinabing ikaw pala ang kumuha nun. Bakit ka pa nagsinungaling? "
Iniwas lang ulit niya ang tingin niya sa'kin. " Bakit pa? Nakuha mo na nga 'yang walang kwenta mong singsing. Hindi mo naman kailangang magpasalamat. "
" Pero sana sinabi mong ikaw talaga ang kumuha nun. " apela ko. " Naaksidente pa daw 'yang paa mo. "
" Hayy..ang daldal talaga ni Bullet. " inis na sambit nito. Edi totoo nga 'yung sinabi ni Bullet? Naaksidente talaga ang paa ng pasaway na ito?
" Okay na 'to. Bilis, asan na pagkain ko? "
Inabot ko naman sa kanya 'yung binili kong pagkain at umupo na rin ako sa bench. " Sigurado ka na okay na talaga 'yang paa mo? Nagpatingin ka na sa doktor? "
" Okay na nga. " sagot ni Matthew. " Hindi naman nasira ang gwapo kong mukha kaya ayos lang. "
" Pfft..okay. " sabi ko. " Oo nga pala, pupunta ka ba sa party next week? "
" Hindi. " mabilis na sagot ni Matthew.
============================
About She's Ugly (Questions&Answers)
Q: Bakit 'She's Ugly' ang title?
A: Kasi hindi maganda ang bida. Para pagbasa pa lang ng readers, alam na nilang "Uy, pangit siguro bida nito.". Okay palusot ko lang talaga iyon, wala kasi akong maisip na ibang titulo. Mehehe.
Q: Saan mo napulot ang pangalan ng characters?
A: Kay Matthew- Favorite name ko kasi iyan. As in. Dahil sa Baker King. \m/, Felicity- Sobrang gusto ko lang ito. Hahaha!, Skye Cloud- Ang 'Skye', may binasa kasi akong libro, pangalan nung main character na babae is "Skylar Penelope" kaya para gawing lalaki, ginawa kong 'Skye'. 'Yung 'Cloud' naman, dinagdag ko lang para kyut. Langit at ulap, match 'di ba? Hahaha. , Si Bullet naman, Recognition day ko kasi nun tapos may nag-speech na kandidato, pangalan nung kandidato "Bullet" kaya ayan na. :))
Q: Saan mo napulot ugali characters?
A: Kay Matthew - Mahilig kasi ako sa masungit, 'yung pagka-childish niya, inspired 'yun sa character sa isang fave kong palabas. Hahaha!, Kay Felicity- Sabi ko nga, si Felicity ang pinakagusto kong character sa lahat, ang bias ko ba? Hahaha. Pero kasi, ang character ni Felicity ay hinango mula SA INYONG LINGKOD. Hahaha. Akala niyo, ha? Parehas kami niyan eh. Kung siya tutor/alalay/clown/tagahatid/tagabitbit ng Matthew Chua, ako naman 'dictionary/translator/tagagawa ng homeworks/tagabitbit' ng aking dakilang tito! Panget ba ako? HINDI. Bakit? Dahil ang dakila kong motto ay " Everyone is beautiful in their own ways. " *bow*, Si Skye - 'Yung gaya niya kasi ang gusto kong mangyari kapag nagka-kras ako. Kainggit si Felicity! :))
Q: Anong pinagkaiba ng story mo kumpara sa stories na pinagbibidahan din ng mga hindi kagandahang babae?
A: Dahil unlike other stories, si Felicity Natividad ay panget - mula umpisa, rising action, climax, falling action at hanggang ENDING! Hindi siya gaya ng ibang panget na gaganda sa kalagitnaan ng story. Ayoko nga! Stick lang siya sa mukha niya. HAHAHAHA. And uhm.. ang story ko ay hindi inspired sa "Diary ng Panget". May nagsabi kasi sa'kin na para daw DNP nung nabasa niya ang prologue. Uhm..hindi. Hindi po ito inspired sa DNP, hindi inspired si Matthew kay Cross at hindi rin inspired si Felicity kay Eya kaya please. Hahaha. Opo, favorite ko rin ang DNP at gusto ko si Miss Denny pero hindi naman porket idol ko siya at 'yung DNP at panget din ang bidang character ko, eh sasabihin nang inspired ito sa ganyan o ganun. Naisip ko lang ito kasi... wala lang! Hahahahaha. >:))
Q: Kelan lilitaw si Liberty?
A: Malapit na! Naka-enroll na siya eh. Hahaha. Don't worry, malapit na talaga.
Q: Bakit ang sungit ni Matthew?
A: In-born po. :)
Okay. Kung may tanong kayo, TANONG LANG! Sasagutan ko iyan! Go! HAHAHA. - Waffles♥
![](https://img.wattpad.com/cover/4498869-288-k862498.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Novela JuvenilMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...