XXIX.
[Felicity's POV]
"Panget," paglingon ko ay nakatayo na sa harapan ko si Matthew, "Anong nangyari sa'yo? Bakit sobrang gulat ka?"
"Ah..w-wala lang," pagsisinungaling ko. Pero ang totoo niyan, kakaalis pa lang ni Liberty at tinatanaw ko ito nang bigla namang sumulpot 'tong si Matthew, "Tara na nga para maaga akong makauwi."
"Panget, pwede ba 'kong matulog sa inyo?" tanong ni Matthew.
"Eh? Ayoko nga!" pagtutol ko, "Ginagawa mo namang hotel ang bahay namin."
"Tss. Ayokong umuwi sa bahay, nando'n si papa," sabi pa niya.
"Dapat nga matuwa ka kasi minsan lang umuwi ng mansyon ang papa niyo."
"Mas nakakairitang manatili sa bahay kapag nando'n siya," iritadong sabi ni Matthew, "Pakiramdam mo parang may isang halimaw na nakabantay sa lahat ng kilos mo at handang lumamon sa'yo."
"Halimaw?" pag-uulit ko, "Eh 'di ba ikaw lang naman ang halimaw na mahilig kumain?"
"Psh."
"Edi matulog ka sa bahay ni Skye," suhestyon ko pero mas lalo lang yatang nainis si Matthew.
"Hindi na," sagot agad niya, "Uuwi na lang ako."
"Bakit? Wala namang masama do'n, kuya mo naman siya," katwiran ko.
Pero nauna na itong maglakad, "Uuwi na lang ako, bilisan mo na panget."
Sinundan ko si Matthew na maglakad hanggang sa makaalis na kami ng campus at makarating ng bus stop. Pagdating naman ng bus na papunta kina Matthew, hinarangan niya ako sa pagsakay.
"Ano bang ginagawa mo?" maang kong tanong.
"Huwag mo na 'kong ihatid, uuwi ako mag-isa," sagot nito saka walang lingon-likod na sumakay ng bus nang hindi man lang nagpapaalam.
//
[Matthew's POV]
"Kuya!" bungad sa'kin ni Waffles pagkarating ko ng bahay. Nilapitna niya 'ko, "Kamusta? Nagkausap ba kayo ni ate Libby?"
Napasapo ako sa noo ko nang marinig ang binanggit niyang pangalan. Hindi ko pinansin si Waffles at humiga na lang ako sa sofa dahil sa pagod.
"Kuya, nagkita kayo, 'no? Kaya ganyan ang reaksyon mo," sabi pa ni Waffles, "Sabi ko naman kasi kay ate Libby na huwag ka muna niyang kausapin."
"Ayoko nang makarinig ng bagay na tungkol sa kanya," kinuha ko ang throwpillow sa tabi ko at itinakip iyon sa mukha ko, "Magpapahinga na 'ko."
"Kuya, sana naman huwag kang masyadong maging harsh kay ate Liberty. Kahit paano, nasaktan din naman siya."
"Mas nasaktan ako," giit ko habang nakabaon ang mukha ko sa unan.
"Then at least huwag mo naman siyang pagsalitaan nang masakit," dagdag pa ni Waffles.
Inalis ko ang unan sa mukha ko at tumayo na mula sa sofa, "Kakain na lang ako," dumiretso ako sa kusina pero sinundan pa rin ako ni Waffles.
"You're not even listening to me," labi niya.
Nilapitan ko naman siya at saka ginulo ang buhok niya. Para siyang matanda kung makapagsermon sa'kin.
"Kuya!" protesta ni Waffles.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Matagal na mula nang huli ko 'tong magawa sa bunso kong kapatid.
"Kuya..," sambit ni Waffles, "I'm sorry.."
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
JugendliteraturMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
