IV.
♪ But I can only write this song
And tell you that I'm not that strong
'Cause I'm no superman
I hope you like me as I am~ ♫
P-Paano nangyari 'yun? Schoolmate ko pala siya. Kaya pala napansin kong parang pamilyar 'yung suot niya nung sumusulyap ako sa kanya. Uniform pala namin 'yun.
Inalis ko 'yung pagkakasilip sa nakauwang na pinto at bahagya akong napasandal sa pinto. Dinama ko ang magandang tinig ng isang gwapong nilalang na hindi ko inaakalang makikita ko sa pangalawang pagkakataon. Napapikit pa ako ng mga mata habang nakikinig.
♪ But I can only write this song
And tell you that I'm not that strong
'Cause I'm no superman
I hope you like me as I am~ ♫♪
Hindi nagtagal, natapos na 'yun kanta. Pero nakasandal pa rin ako sa may pinto at nakapikit pa rin. Ninanamnam ko pa 'yung mala-anghel niyang boses eh. Kaso 'di nagtagal, naramdaman kong parang may gumalaw sa may likuran ko, sa may pinto. Tapos bigla na lang akong nakaramdam na puwersang tumulak sa'kin kaya muntik na akong masubsob pero buti na lang may humawak sa kamay ko.
Si gwapong nilalang.
Napaayos ako ng tayo at hawak pa rin niya ang kamay ko.
Shizz. Napahiya ako dun ah. Akala ko paloob ang pagbukas ng pinto kaso palabas pala.
Mabuti na lang at nasagip ako ng gwapong nilalang na nakatayo sa harap ko ngayon at hawak ko pa ang kanyang kamay. Huwag sanang pagpawisan ang kamay ko sa kaba kasi madodoble ang kahihiyan ko ngayon araw.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Ahh.. ako?" Hays. Malamang ako 'yun, sino pa ba? "Ahh.. hehe. Okay lang ako."
"Mabuti naman. Akala ko kasi nasaktan ka," magalang pa nitong sabi. Pogi - check! Magalang - check!
"Ah.. wala 'yun, okay lang talaga."
"Sorry, hindi ko alam na nakasandal ka pala sa may pinto kaya naitulak ko nang malakas," paumanhin pa nito at binitawan na ang kamay ko. Maalalahanin - Check!
"W-Wala 'yun. Ahehe," nasalo naman niya ako kaya hindi ako nasaktan eh. Tsaka pogi naman siya kaya wala na 'yun.
"Teka, ikaw 'yung babae sa bus kanina ‘di ba?"
WAAAAH.
Naalala niya ako!
"Ahh. Oo, ako nga 'iyon," sagot ko.
"Dito ka rin pala nag-aaral, kaka-transfer ko lang dito. Ako nga pala si Skye.," pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay niya para makipagkamay.
"Sky, as in langit?" tanong ko at inabot din ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya, "Ako si Felicity."
Hindi naman nagtagal ang pakikipagkamay na 'yon kasi binawi ko agad ang kamay ko. Hindi ako maarte. Baka kasi pagpawisan kamay ko, nakakahiya.
"Uhm. Oo parang gano’n na nga. May 'E' lang sa dulo," sagot nito na nakangiti. Hihi. Ang pogi talaga.
"Ahh.. Sky with letter 'E'. Skye. Ang ganda naman ng pangalan mo. Hehe." bagay sa poging gaya mo. Opo, malandi na kung malandi.
"Salamat. Ikaw din maganda ang pangalan mo – Felicity," compliment pa nito. Siya lang yata ang unang taong nagsabi niyan. Nakakatouch at nakakakilig.
"S-Salamat. Ahehe. Transferee ka pala. Anong year mo na?" tanong ko. Feeling close na kung feeling close. Gusto ko siyang maging kaibigan eh.
"3rd year," nakangiting tugon naman niya.
"Talaga? Pareho pala tayo.," natutuwang sabi ko.
"Ganun ba? Nakakatuwa naman kung gano’n. Do’n sa building B ang classroom ko."
"Talaga?" nangislap naman ang mga mata ko sa narinig. "Doon din kasi ang building ko.”
" Talaga? Kung gano’n, lagi pala kitang makikita,” nakangiti ulit nitong sabi. “Nga pala, sorry kung pumasok ako dito sa music room, nakabukas kasi kaya pumasok ako tsaka tumugtog saglit."
"Okay lang, hindi naman bawal eh kaya pwede mong gamitin 'yan anytime. "
"Talaga? Mabuti naman pala kung ganun. Uhm. Babalik ka na ba ng classroom mo?"
"Ahh.. oo," mahinhin kong sagot.
"Tara sabay na tayo," aya naman ni Skye.WAAAAAAAA.
Wag na kayong magtaka kung bakit ganito ang reaksyon ko. First time lang kasing may nag-aya sa'kin na makisabay.
"Ahh. Ahehe. Kung okay lang," sagot ko.
"Syempre naman. Tara na."
Sabay kaming naglakad pabalik ng Building B. Ayan na naman ang mapangmatang titig sa'kin ng mga estudyante palibhasa may kasama na naman akong gwapo. Pero kahit gano’n, parang balewala lang 'yon kay Skye. Ang bait niya talaga. Naghiwalay na kami pagdating sa may hagdan, nasa second floor daw kasi ang classroom niya. Dumiretso na ako sa classroom ko. Medyo maaga pa dahil mga 1:30 PM pa lang. Nakita kong may nag-iisang tao lang sa classroom. Lalaki at nakayuko siya sa may armchair niya, tulog. Doon siya nakapuwesto sa kabilang dulo kung saan ako nakaupo. Umupo na ako sa pwesto ko at tumulala sa bintana.
" Ako nga pala si Skye. "
"Skye. Skye. Ahihi. Ang ganda talaga ng pangalan niya. Ahihi." sambit ko na may halo pang kilig at malanding tawa.
“Hoy panget," narinig kong may tumawag sa'kin. Alam kong ako 'yun, sino pa bang panget dito?
Napatingin naman ako sa gilid. At nakita ko si Mathhew dun na nakaupo. Siya pala 'yung nakayukong lalaki. Pero anong ginagawa niya dito? Mga trip talaga ng lalaking 'to.
"O anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Natutulog. Manahimik ka na nga, ang ingay-ingay mo eh," masungit namang sagot nito.
"Bakit dito ka pa natutulog? Hindi mo na lang gawin 'yan sa classroom niyo." sabi ko naman.
"Ayoko nga. Ang iingay ng mga babae do’n, nakakainis. Tch."
Edi ikaw na ang habulin ng chics. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo ka naman talaga. Pero kakabwisit lang ang ugali minsan. Hindi pala minsan, lagi pala.
"Malapit nang magklase o. Bumalik ka na kaya sa classroom mo," sambit ko.
Tumayo naman si Matthew at aktong lalabas na ng classroom.
"Teka Matthew," pigil ko sa kanya.
Lumingon naman siya sa'kin, "Ano?"
"Hindi ba may bagong transferee sa klase niyo?" tanong ko. Malamang kasi kaklase niya si Skye. Nahalata ko naman ang pagbabago ng mukha ni Matthew. Para bang nairita ito sa itinanong ko.
"Oo meron nga. Bakit?" walang ganang sagot nito sabay suksok ng kamay sa mga bulsa.
"'Yung.. 'Yung pangalan ba ng transferee eh 'Skye'?"
"Oo, Skye nga. Bakit mo naman natanong?" tanong pa ni Matthew.
"Ah.. Wala lang," pagkakaila ko, "Ano kasi..napansin ko kasi kanina siya sa music room."
Napatango-tango naman siya. "Skye Cloud Chua ang pangalan niya. 20 years old na siya."
"Chua?" nagtaka naman ako sa sinabi ni Matthew.
"Oo, Chua. Kuya ko siya." Shemay. Ano daw?! K-Kuya siya ni Matthew? As in, ni Matthew Chua?
"K-K-Kuya?!"
"Oo, sige bye na baka dumugin ako dito ng classmates mo," paalam ni Matthew sabay alis.
Sakto naman nang papalabas siya eh ang pagdagsa ng mga classmates ko lalo na ng mga babae kong classmates sa loob. Ayun, dinumog na naman si Matthew. Let's get ready to rumble na naman ito. Pero agad din namang tumakbo si Matthew paalis kaya nakaiwas siya sa mga 'fans' niya.
"Hoy," nakapamewang na tawag sa’kin ng babae kong kaklase sa’kin. Antalim pa ng tingin niya.
"Bakit?"
"Kayo na ba ni Matthew? Bakit kayo lang dalawa ang nandito kanina?" mataray nitong tanong sa'kin na nakapamewang pa rin. Porket magkasama ditto, may relasyon na agad? Hay.
"Wala la--"
"Tama na 'yan.," biglang pasok ni prof. Ligtas na ako sa wakas. Siguradong mahabang negosasyon na naman kasi ang mangyayari kung nagkataon.
Umupo na ang mga classmates ko at nagturo na si prof. Pero kahit na nagdi-discuss si prof eh hindi ko maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Matthew.
" Oo, Chua. Kuya ko siya. "
" Kuya ko siya. "
" Kuya ko siya. "
Paano niya magiging kapatid ang ganung klaseng nilalang? Ang isang Skye? Paano?! Bakit naging 'Chua' pa siya? Ang hirap isipin kung bakit magkaibang magkaiba ang ugali nila ni Matthew. At kung kuya nga talaga siya ni Matthew, edi napakayaman talaga niya. Pero bakit naka-bus lang siya kanina? Pareho sila ng trip ni Matthew? Hay ewan.
Utak, ang gulo mo. Hayyy.
Skye Cloud Chua.
Skye Cloud Chua.
Skye Cloud Chua.
Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Parang langit. Mukha kasi siyang anghel.
"Skye Cloud Chua. Hayyy..," sabi ko na napaalumbaba pa sa armchair at parang nananaginip ng gising.
"Miss Natividad!" sigaw ng prof.
"Ay PRESENT!" sigaw ko sabay tayo sa upuan na nakataas pa ang kamay.
Sunod na ang malakas na halakhakan ng mga classmates ko. Pahiya na naman ako.
Lumapit naman sa'kin ang prof. Napayuko na lang ako nang nasa harapan ko na siya.
"Miss Natividad, why aren't you listening?" galit na tanong ng prof.
"I'm really sorry sir," paumanhin ko.
"Sit down and listen." utos nito. Agad akong umupo nang maayos.
**********
Tapos na rin sa wakas ang lahat ng klase ko. Lumabas na ang prof at ang iba ko naman kaklase eh nag-ayos ng mga sarili nila.
"Uy, nakita mo na ba 'yung bagong transferee sa second floor?" narinig kong tanong ng isang classmate kong babae sa isa ko pang classmate.
"Hindi pa. Ang narinig ko Skye daw ang pangalan niya," sagot naman ng classmate ko.
"Gosh. You should go see him. He's so handsome palibhasa kuya siya ni Matthew," maarte naman tugon nung isa kong classmate.
"Matthew? As in Matthew Chua?"
"Yeah. He's so handsome. My gosh. Another perfect creature in T University!" kinikilig-kilig pang sabi ng classmate ko. Walang masamang makisagap ng tsismisan eh kilala ko naman ang pinag-uusapan nila. Talagang malakas lang talaga minsan ang signal ko pagdating sa mga kwentuhan ng classmates ko.
“Oh-em-gee! I wanna see him!"
See him? Ngudngod ko kayo sa imburnal, ako una nakakilala sa kanya 'no! Hmp.Agad na akong tumayo at isinukbit sa balikat ang bag ko. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa second floor. Nasalubong ko naman ang ibang classmates ni Matthew na pababa na. Nang makarating na ako sa tapat ng classroom ni Matthew, napahinto ako dahil narinig ko siyang may kausap.
"Matuwa? Bakit naman ako matutuwang makita ka?" tanong ni Matthew.
"Matthew..," sambit ng boses ng isang lalaki - si Skye.
"Sana sa ibang university ka na lang pumasok, at talagang classmate pa kita," dagdag pa ni Matthew. Hah. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Ginaganyan niya ang kuya niya? Ang sama.
"Huwag mong isiping kaya dito ako nag-enroll ay dahil gusto kitang inisin. Talagang dito ko gustong mag-aral," sagot naman ni Skye.
"Ewan ko sa'yo. Bumalik ka na lang ng China." masungit na sabi ni Matthew.
Nakatayo ako sa may gilid ng pinto at nakita ko na lang na bumukas iyon at lumabas si Matthew. Napahinto naman siya nang makita niya ako, nakatitig lang siya sa'kin at gano’n din ako sa kanya. Maya-maya ay lumabas na sa room si Skye.
"O Felicity," bungad ni Skye na halatang nabigla nang makita ako.
"Ahehe. H-Hello Skye!" kunyaring Masaya ko pang bati kahit pa nakakailang ang sitwasyon naming tatlo ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Skye.
" Ah.."
"Sinusundo ako," sagot naman ni Matthew.
Halatang nagtaka si Skye sa sinabi ni Matthew. "Sinusundo?"
"Oo. Ito nga pala si Felicity, private tutor ko."
"Private tutor?" takang tanong ni Skye.
"Oo, sige aalis na kami," paalam ni Matthew at biglang hinigit ang braso ko.
Nagtataka pa rin si Skye sa narinig, kita sa mukha niya. Nilingon ko siya tsaka kumaway ako at ngumiti naman siya.
Pagkalabas namin ng university ni Matthew, binitawan na niya ang braso ko.
"Ansakit no’n ah." sabi ko na napahawak pa sa braso kong hinawakan ni Matthew.
"Umuwi ka na," utos ni Matthew saka lumakad paalis.
"H-Huy, hindi ka sasabay sa'kin?" pahabol kong tanong.
Huminto naman siya sa paglalakad. " Hindi. Uuwi ako mag-isa."

BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Novela JuvenilMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...