Goodbye.
Martes.
Hindi pumasok si Matthew. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko kanina bago ako pumasok. Nang pumunta ako sa room nila no'ng breaktime, wala rin daw si Skye. Iba ang pakiramdam ko tungkol dito, parang may mali. Hindi matanggal ang kaba ko at pakiramdam ko talaga may hindi magandang mangyayari.
Pagkatapos ng last subject ko, nagmadali akong umalis ng university at pumunta kina Matthew. Pagkatapak ko pa lang sa village nila, mas lalo akong kinabahan. Ayoko ng ganitong pakiramdam, para talagang may mali eh.
Binilisan ko ang lakad ko at nang makarating na ako sa tapat ng mansyon nina Matthew, natigilan ako at napakuyom ng mga kamay. Sana ayos lang siya, sana mali lang ang kutob ko na may hindi magandang nag-aabang. Pinindot ko ang doorbell at agad akong pinagbuksan ng maid nila.
"Nandyan ba si Matthew?" agad kong tanong.
"Kakaalis niya lang po." sagot naman nito.
"Sa'n po siya pumunta?"
"Manang!" napatingin kami pareho kay Waffles na biglang tinawag ang maid, "Ako nang bahala kay ate Felicity. Pumasok na kayo sa loob."
"Sige po ma'am." umalis na ang maid at naiwan kaming dalawa ni Waffles. Nilapitan niya ako at nginitian pero iba pa rin ang pakiramdam ko. Parang may tinatago ito sa'kin pero ano?
"Waffles, nandyan ba si Matthew?" nag-aalala kong tanong.
"Wala siya rito, ate." tugon niya.
"Nasa'n siya? Nag-aalala ako kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag ko."
"He...he j-just, okay. Ate, listen, I need to tell you something." mas lalong lumakas ang kaba ko sa sinabi ni Waffles. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako nang diretso.
"Ano ba 'yon? May nangyari bang masama sa kuya mo, ha?" kabado kong sabi. Ito na nga ba'ng sinasabi ko, may mali ngayong araw pero hindi ko pa lang alam kung ano 'yon.
"Waffles, I'm leaving." pareho kaming napatingin sa nagsalita. Nakita ko ang pagsarado ng malaking pinto ng mansyon at niluwa n'on si Skye na may dala-dalang malaking maleta. Natigilan ito nang makita niya kami ni Waffles na nakatayo sa gate.
"Kuya..." sambit ni Waffles.
"Felicity, anong ginagawa mo rito?" Hindi nito pinansin ang kapatid at tinitigan lang ako.
"S...Si Matthew, gusto ko sana siyang kausapin." sagot ko.
"He already left." sabi naman ni Skye.
"Ikaw na ang pangatlong nasabi niya pero gusto kong malaman kung sa'n ba talaga siya nagpunta."
"Sa China." aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Kuya..." sabat ni Waffles pero hindi pa rin siya pinansin ng kanyang kuya.
"Sa'n ba talaga siya pupunta?" tanong ko habang nakatuon pa rin ang tingin kay Skye.
"He's leaving...for China." tugon nito na siyang nagpalambot sa mga tuhod ko. Mabuti na lang at nasuportahan ko pa ang katawan ko kaya hindi ako natumba. Ilang beses akong napakurap ng mga mata dahil sa pagkabigla.
Sana nabingi lang ako o 'di kaya sana nananaginip lang ako.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...