XII.
"Bagay sa'yo," sabi naman ni Skye. Napayuko tuloy ako sa hiya at kilig.
"S-Salamat talaga dito Skye."
"Wala 'yon," sagot naman niya, "Mukhang hindi ka pa kumakain. Tara, sabay na tayo."
"Sige tara," nakangiti kong sagot.
Dumaan muna kami sa cafeteria at bumili si Skye ng pagkain. Pagkatapos, dumiretso na kami sa mini-park sa likod ng Building C. Umupo kami nang magkaharap sa picnic table. Parang date lang. Hehehe~
Nagkukuwentuhan lang kami habang kumakain.
"Patay na ang mga magulang ko. May isa akong kapatid. Lalaki pero pusong babae, alam mo na, lumihis ng landas. Hehe. Mas bata sa'kin 'yon, " pagkukwento ko kay Skye.
"Sorry to hear that. Siguro mahirap na kayong dalawa na lang ng kapatid mo," sabi naman ni Skye.
"Noong una, sobrang hirap kasi hindi ko alam kung paano kami mabubuhay ni Trevor... pero nang tumagal na... nasanay na rin akong wala na sila."
"Bilib na 'ko sa'yo," nakangiting sabi naman ni Skye. Ayiee. Kinilig ako do’n. Hehe.
Matapos ang ilang minuto pang kwentuhan tungkol sa sari-sarili naming buhay at pati na rin pagpapalitan namin ng number, napagpasiyahan namin ni Skye na bumalik na sa kanya-kanya naming classroom. Hinatid pa nga ako ni Skye sa room ko, sweet talaga. Hehe. Pumasok na ako ng room matapos makapag-paalam kay Skye at naupo sa pwesto ko. Hindi ko mapigilang mapatitig at mapahawak sa singsing na suot ko na syempre bigay ni Skye. Bigay ng crush ko. Hindi nga siguro ako swerte sa mukha pero maswerte ako sa crush ko. Ang sweet masyado eh, nakakakilig.
Skye Cloud Chua, hindi ka talaga nabibigo sa pagpapakilig sa'kin nang sobra. I crush you na talaga. Hayy... kung alam mo lang talaga.
//
\\
Naging masaya naman ang mood ko buong araw, hindi pa rin maka-get over sa kilig dahil kay Skye.
Natapos na ang klase ko at umalis na ako ng room para sunduin si Matthew. Sakto namang pagdating ko sa room nila ay nagsisilabasan na sila Matthew at mga classmates nito. Agad kong nilapitan si Matthew, ngiting-ngiti pa nga ako kasi good mood ako ngayon pero sinimangutan lang ako nito. Mukhang siya naman ang may problema ngayon. Palakad na sana kami ni Matthew nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Felicity!" si Skye. Agad naman itong lumapit sa'min ni Matthew.
"Skye," bungad ko.
"Tara na nga, panget," inip na sabi ni Matthew.
"Hatid na kita sa inyo Felicity.," sabi naman ni Skye.
"Ha? K-Kasi...ihahatid ko pa 'tong si Matthew."
"Okay lang, sabay na ako," nakangiting sagot ni Skye.
"O sige," pagpayag ko.
"Ewan ko sa inyo." sambit ni Matthew at nauna na itong maglakad,
Magkasabay kami ni Skye na naglalakad sa hallway habang nangunguna naman si Matthew. Paglabas naming ng university ay agad din kaming nakasakay sa bus. Mabilis na nauna sa pag-upo si Matthew sa bakanteng upuan. Pero isa na lang ang bakante kaya hindi kami parehong makakaupo ni Skye.
"Sige Felicity, upo ka na." sabi ni Skye.
"Pa'no ka Skye?" alalang tanong ko rito.
"Tatayo na lang ako rito sa tabi mo, " nakangiting sagot niya.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
