Chapter XXXV -- Part 2

6.6K 89 21
                                    

Chapter XXXV -- Part 2


"Pupunta o hindi pupunta? Pupunta, hindi pupunta?" paulit-ulit kong bigkas habang isa-isang tinatanggal ang mga talulot ng santang pinitas ko sa tabi. Panglimang santan ko na 'to pero hindi pa rin ako makapagpasya kung pupunta ba ako o hindi sa sinabi ni Matthew. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ang oras - 50 minutes pa bago kami magkita. Teka, magkita? Pfft. Hindi pa nga ako siguradong pupunta eh. Tinignan ko ulit ang phone - 49 minutes pa. Hays, ba't ba 'ko kinakabahan?!


Nalipat naman ang tingin ko sa suot kong singsing.


"Ano 'to?" napayuko ako at tinignan kung ano ba ang iniabot sa'kin ni Matthew. Isang singsing 'yon na may design na baby Daffy Duck. Iniangat kong muli ang ulo ko at binalingan ng tingin si Matthew, "Para sa'n naman 'to?"

"Wala. Wala lang akong magawa sa binigay ni Waffles. Kaysa naman isuot ko ang baduy na singsing na 'yan, isuot mo 'yan. Dapat suotin mo 'yan lagi. Kailangan araw-araw makita kong suot mo 'yan."


Wala naman talaga akong intensyong isuot 'to araw-araw pero nasanay na lang ako at saka ang cute kasi ni baby Daffy Duck, sayang naman kung itatapon ko lang.

//

[Skye's POV]


"Kuya Skye!" sinalubong agad ako ni Waffles pagdating ko ng mansyon. Hindi ko nakita si Matthew sa sala pero naiwan niya na nakasaksak ang PS3 niya sa LCD. Malamang nagkukulong na naman siya sa kwarto niya, "What are you doin' here?"

"I need to talk to dad." maikling sagot ko sabay lapag ng backpack ko sa sofa. Kakauwi ko pa lang kasi galing sa university.

"He's not here," sagot ni Waffles habang nakasunod pa rin sa'kin, "Nasa office pa rin siya. Ano bang pag-uusapan niyo kuya?"

"Nothing." I simply answered and went straight to the kitchen. Kumuha ako ng isang basong tubig at wuluy-tuloy iyong ininom 'til the last drop.


"Matthew Chua! Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan? Sinabi ko namang ayokong makipagkita sa'yo, 'di ba?"


"Kuya," tawag ni Waffles. Hindi ko napansing pumasok din siya ng kusina, "Something wrong?"

"N-Nothing." sagot ko habang mahigpit ang hawak sa baso.

Lumapit sa'kin si Waffles. "Is it about ate Felicity?" Hindi ako sumagot. "It's aobut her, right?"

"Mapapatawad niya pa kaya ako?" bigla kong naitanong.

"Yes, I know she will but it will take time kuya." sagot ni Waffles. Alam ko 'yon, I should give her the space and time that she needs para mapatawad ako. Pero kahit na patawarin niya pa 'ko, I don't think she would ever forget everything I've done to her. Nasaktan ko siya at hindi madaling malimutan iyon. Gusto ko man siyang bigyan ng space, hindi ko kaya. Hindi ko mapigilang lapitan siya sa tuwing nakikita ko siya, I want to talk to her and make her believe na totoo ang nararamdaman ko. Gusto kong marinig niya ang side ko. Sa tuwing nakikita ko siya na unti-unting napupunta kay Matthew, it kills me. Kapag nakikita ko silang magkasama, gusto kong hilahin palayo si Felicity at dalhin siya sa isang lugar kung sa'n wala si Matthew.

"Kuya?" napatingin ako sa kapatid ko, "Okay lang 'yan. Let ate Felicity recover from the pain and let her choose."

"Right, she needs to choos," I said, "Pero ayoko na rin siyang pahirapan."

"What do you mean kuya?" maang na tanong ni Waffles.

"I think it's time for me to give her up."

//

[Felicity's POV]


Pupunta? Hindi pupunta?


Hay. Pang-ilang santan ko na ba 'to? Nagkalat na ang mga maliliit na talulot sa kinauupuan kong bench dahil sa pinaggagagawa ko pero hindi pa rin ako makapagpasya. Nang huli kong tignan ang phone ko, 30 minutes pa ang natitirang oras.


Pupunta?

Kung pupunta ako, parang sinabi ko na ring pumapayag akong maging boyfriend si Matthew. Pero handa na ba 'ko sa ga'on? Handa na ba talaga akong mas maging malalim ang relasyon namin sa isa't isa?


Pero kung hindi naman ako pupunta...

"Ituturing na lang kita bilang tutor dahil iyon naman ang gusto mo."


Tutor? Hindi, hindi ko kaya. Ayokong mabalewala 'yung pagkakaibigang nabuo sa pagitan naming dalawa. Ayokong bumalik si Matthew sa dating pakikitungo niya sa'kin.


Hay...mababaliw na talaga ako nito.

//

[Waffles' POV]


"G-Give her up?" ulit ko.

"Ayoko nang mahirapan pa siya and besides..," natigilan si kuya Skye at nakita ko kung paanong mas humigpit ang hawak niya sa walang lamang baso. Nalungkot rin ang mukha niya, "Alam ko na kung sinong pipiliin niya."

"I know it's hard for you kuya," I'm trying to comfort kuya Skye pero I don't know how, "But I agree with your decision. I also think that this is the right thing to do kaysa tuluyan niyong pahirapan ang mga sarili niyo."

Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ni kuya Skye. "All I want is her happiness at sa tingin ko, may isang taong higit na makapagbibigay n'on kaysa sa'kin."


Sa sinabi ni kuya, malinaw na ipinapaubaya na niya si ate Felicity kay kuya Matthew. Bilib ako kay kuya Skye sa mga ikinikilos niya ngayon, he just proved to me that he really changed. Hindi na siya 'yong selfish at walang pakialam kong kapatid. Now, he had become a gentleman na handang magsakripisyo alang-alang sa taong minamahal niya.

Naputol naman ang conversation namin ni kuya Skye nang bigla na lang sumulpot si kuya Matthew sa kusina. He was wearing a very serious look. Mukhang hindi ko gusto ang mga susunod na mga mangyayari. Sana lang ay mali ako sa mga iniisip ko. Nagtinginan lang ang dalawa kong kuya pero walang ni isa sa kanila ang nagsalita.


"A-Ah...kuya Matthew, kakain ka?" tanong ko para mabawasan ang tensyong namumuo sa kusina.

Inalis ni kuya Matthew ang tingin niya kay kuya Skye at ako ang binalingan. "Iwan mo muna kami."

"Huh? Eh...pero--"

"Leave us." maawtoridad na utos ni kuya.

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay." Bagsak ang mga balikat na umalis ako ng kusina. I just wish that they won't quarrel again. Nakakasawa na kasi eh. They're brothers pero kung magturingan sila, daig pa nila ang mortal enemies. Kung noon dahil kay ate Liberty, ngayon naman dahil kay ate Felicity. Hindi ba pwedeng hindi iisang babae ang laging nagugustuhan nila? I wish magkabati na sila para na rin matahimik na kahit pa'no ang magulong pamilyang 'to.


I decided to go upstairs. Dumiretso ako ng balcony para makalanghap ng sariwang hangin. Masyado nang nakakasakal ang mga problema rito. Kung titignan mo sa panglabas, kami ang pamilyang kinaiinggitan ng karamihan. Namumuhay kami sa karangyaan, sa luho, sa pera pero kung uungkatin mong mabuti, hindi naman talaga kami masaya. I can't even call this a 'family'. Bata pa lang ako hanggang ngayon na matured na ang isip ko, alam kong ni minsan hindi kami naging isang totoong pamilya.

Sina mama't papa, para lang silang mga estranghero. Minsan ko lang sila nakikita at nakakasama. Ni minsan, hindi ko pa naranasang maging buo kami at 'yong walang problema.


"Are you okay?" napalingon agad ako nang marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang taong nasa harapan ko ngayon, "May problema ba?"

I shook my head and immediately rushed to give him a hug. "You just came at the right time."

Naramdaman ko ang mga palad niyang humaplos sa likuran ko. "I'm sorry kung ngayon lang ako nakarating. Belated happy birthday."

"It doesn't matter. Basta nandito ka na ngayon," sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko, "I'm relieved."

Umalis siya sa yakap at hinawakan ako sa mga balikat ko. Pumantay siya sa tangkad ko at tinitigan ako. Those dark eyes, na-miss ko iyon nang sobra. Namiss ko siya nang sobra. "I want to give you something." Inilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya at binuksan iyon. Tumambad naman sa'kin ang isang silver necklace with a waffle pendant. Waffle, just like my name. Kinuha niya iyon mula sa box at isinuot sa leeg ko.

"Wow..." ang tanging nasabi ko. Alam talaga ni Nate kung ano ang bagay na ikakatuwa ko and I thank him for that. Kinapa ko ang waffle pendant na nakasuot sa'kin.

"You like it?" he smiled.

"Definitely." I smiled back and suddenly, everything became perfect. Nawala na bigla ang mga worries ko and it's because of him.

//

[Matthew's POV]


"Are you sure?"

"I'm more than serious." sagot ko. Buo na ang desisyon ko tungkol dito.

"But you can't just--"

"Kuya Matthew!" tawag ni Waffles habang nagmamadaling lumapit sa'kin. Mukhang may hindi maganda itong ibabalita, "Kuya Matthew...si ate Libby..."

"I don't want to hear anything about her." pagmamatigas ko.

"No!" pagtataas ng boses ni Waffles, "T-This is emergency."

"Emergency?" napakunot ako ng noo.

"Ate Libby's in the hospital."

//


"Matty!" sinalubong agad ako ni Bullet pagpasok ko ng kwarto. Namumugto ang mga mata niya at alalang-alala ang itsura.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko at saka lumapit sa kama kung saan walang malay na nakahiga si Liberty.

"She almost killed herself," napakuyom ako ng kamay sa narinig, "Pagkapasok ko ng kwarto niya, I saw her lying on the floor at nakakalat sa sahig 'yung mga sleeping pills. I-It really scared me to death. Akala ko...akala ko iiwan na 'ko ni ate. I don't want that to happen, Matty."

Bahagya kong nilingon si Bullet. "Ayos na ba siya?"

"Yes, the doctor said she just needs to rest and she'll be fine." That's a relief.

"I need to go." paalam ko at akmang aalis na ngunit hinarangan ako ni Bullet.

"You just can't leave ate," may halong pagsumbat ang pananalita ni Bullet pero hindi ko siya masisisi dahil alam kong sa tingin niya, ako ang dahilan kung bakit 'to ginawa ni Liberty, "She tried to killed herself because of you. Because she love you very much, can't you see that Matthew? Hindi kakayanin ni ateng mawala ka."

I tried to calm myself. "Two years ago, nang mawala siya sa'kin, ganyan din ang naramdaman ko. Pakiramdam ko nawala sa'kin ang lahat. She was the most important person in my heart, she was my everything, the only person I truly loved pero binigo niya 'ko."

"Pinagsisihan na niya 'yon. Alam mo ba kung ga'no nasaktan si ate nang mawala ka? It hurts me to see her cry every single day. She loves you a lot." Biglang bumigat ang dibdib ko. Loves me? F*ck. Bakit sa tagal ng panahong pinagsamahan namin, ngayon niya lang 'yan narealize? Bakit ngayon pa kung kailan sinisimulan ko na siyang kalimutan? Now that I'm still trying to heal myself.

"I'm leaving." sabi ko na lang. Lalakad na ulit ako nang bigla kong marinig na tinawag ng isang pamilyar na boses ang pangalan ko.

"A-Ate!" nagmadaling lumapit ng kama si Bullet para tignan ang kapatid niya but I stood still, hindi ko siya nilingon. It still hurts to see her. Nasasaktan pa rin pala ako.

"Matthew..," he called pero hindi ako sumagot. Ang boses niya, I like it whenever she calls my name. I feel loved. Pero ngayon, sa tuwing naririnig ko ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko, parang saksak sa dibdib iyon para sa'kin, "M-Matthew."

"Huwag mong tawagin ang pangalan ko."

"Matthew..." nagmamakaawa ang boses niya. I suddenly felt like something hit my chest.

"Tama na, tumigil ka na."

"P-Pero...Matthew..."

Pagalit ko siyang hinarap. "Stop calling my name!"

Nakita ko ang luhaan niyang mga mata at bigla na lang akong nanlambot. Sh*t. Bakit ganito pa rin ang epekto ng pag-iyak niya sa'kin? Bakit apektado pa rin ako? "I-I just need to tell you something."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan nang diretso. Pilit kong tinigasan ang boses ko. "Alright, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin."


Napatingin siya kay Bullet at naintindihan naman nito ang gusto niyang iparating. Tahimik na lumabas ng kwarto si Bullet at kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwarto.


"I'm sorry..," panimula nito, "I'm sorry for everything. Pakiramdam ko tinraydor kita dahil sa ginawa ko. Hinayaan kitang umalis nang hindi man lang ako nakakahingi sa'yo ng tawag. Pakiramdam ko napakasama ko, binalewala ko ang feelings mo. I'm very sorry..."

"Stop it," putol ko saka siya tinignan nang diretso, "Sorry? Kahit ilang beses ko pang marinig iyan mula sa'yo, hindi ko pa rin magawang patawarin ka. Dahil sa tuwing nakikita ko kayo ni Skye, biglang bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin iyon tuluyang makalimutan. Para na 'kong mababaliw, alam mo ba 'yon? Gusto ko mang iuntog ang ulo ko para kalimutan ka, para kalimutan ang ginawa mo, hindi iyon mangyayari dahil nakatatak na 'yon sa utak ko."

"I'm so sorry..." I can hear her sobs pero kinontrol ko ang sarili ko dahil kahit gaano pa siya umiyak ngayon sa harapan ko, walang-wala iyon kumpara sa sakit na naramdaman ko. Walang luha ang katumbas ng sugat na na sa'kin nang dahil sa kanya.

"Gusto kong maramdaman niyo ring dalawa kung anong naramdaman ko. Gusto kong maranasan niyo kung anong hirap ang dinanas ko. 'Yung sakit na parang ayaw mo nang mabuhay dahil sa tingin mo wala nang dahilan pa para mabuhay ka." Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko pero kinokontrol ko pa rin ang sarili ko.

"Naiintindihan ko," sabi niya kasabay ang pagpunas niya sa mga luhang nasa pisngi niya, "Walang kapatawaran ang ginawa namin sa'yo pero sana kahit hindi mo 'ko patawarin, gusto kong maaman mong mahal kita, Matthew. At alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa'kin. Alam kong nandyan pa rin ang pagmamahal mo para sa'kin kaya pakiusap..."


Tinignan ko siya nang diretso. I can't feel anything anymore. Apektado pa rin ako pero hindi gaya dati na kapag nakikita ko siyang umiyak, nagmamadali akong yakapin siya at punasan ang mga luha niya. I can't feel the urge to hug her, I can't feel anything special. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko gaya ng dati. It was more of guilt than love.


"You still love me, right? Please, tell the truth." pakiusap niya. Noon, isang pakiusap lang niya, nagkukumahog na 'kong tuparin kahit ano pang hiling niya. Lahat ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, ginawa ko nang walang pagdadalawang-isip. Wala akong pakialam kahit magmukha akong asong nakasunod lagi sa kanya, ganoon ko siya kamahal dati.


"Matthew!"

"O, ba't nandito ka?"

"Nalulungkot ako eh..."

"Ano bang nangyari?"

"Si mommy..."

"Naglasing na naman?"

"Mm, she's always like that. Lagi niya kaming pinagbubuntunan ng galit niya. At lagi niya ring sinasabi na wala kaming kwentang anak and that just hurts."

"Huwag ka nang malungkot. Hindi naman siguro sinasadya ng mama mo 'yon."

"Hindi sinasadya? She's always mad kahit hindi siya lasing. Simula nang umalis si daddy, hindi na niya kami tinuring na anak."

"Shh, don't say that. She's hurt and I think she's trying to move on. Huwag ka nang mag-alala, okay? Kumain na lang tayo para mawala na 'yang simangot sa bibig mo."

"Matthew..."

"Hmm?"

"Thank you."

"Para saan?"

"For being by my side everytime I need you. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nawala ka sa tabi ko at ayoko nang isipin pa. Promise me, you'll stay by my side until the end, okay?"

"I promise..."


"Matthew..," nakikiusap ang boses niya, "You still love me, right?"

Nag-iba na siya. Hindi na siya ang Liberty na minahal ko nang sobra. Ang nakikita ko na lang ngayon ay isang makasariling babae. "Itigil mo na 'to."

"But Matthew..."

"Tumigil ka na!" hindi ko na naawat ang sarili ko't napasigaw na 'ko. Humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko, nanginginig na rin ang mga kamao ko, "Masyado nang pagod ang katawan at puso ko para masaktan pa kaya please, tumigil ka na..."

"I'm very sorry..." napayuko siya ng ulo at mas lumakas ang paghikbi niya. Somehow, I feel guilty. Hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon, siya rin nahihirapan.

"Tigilan na nating lahat ang kalokohang 'to. Mas mabuti pang bumalik ka na kay Skye tutal siya naman talaga ang gusto mo, 'di ba?"

Napaangat siya ng ulo sa sinabi ko. Binaling niya ang mga luhaan niyang mata sa'kin. "No, I was wrong. A-Akala ko pagmamahal 'yon pero hindi pala. Ikaw ang mahal ko, Matthew."

"Stop being so selfish Liberty!" napagtaasan ko ulit ito ng boses dahilan para mapatanga siya, "Hindi mo 'ko mahal, you're just too selfish to let me go. Sabihin mo nga, mahal mo ba ako dahil iyan ang totoo mong nararamdaman o dahil natatakot kang mawala ang nag-iisang taong laging nasa tabi mo kapag kailangan mo ng tulong?"

"M-Matthew."

"All these years, ni minsan hindi ko nagawang umalis sa tabi mo dahil hindi ko kaya. Alam kong masasaktan ako nang sobra kapag nawala ka sa'kin. Handa akong magpaalipin at gawin ang lahat, manatili lang ako no'n sa tabi mo. Alam mo kung gaano kita minahal. Kaya sabihin mo sa'kin, mahal mo ba talaga ako o natatakot ka lang para sa sarili mo?" Hindi ko namalayan na nang sandaling iyon ay may luha nang tumulo sa pisngi ko. Agad kong pinunasan iyon.

"Mahal kita," usal niya. Halos pumiyok na ang boses niya dahil sa pagluha niya, "Dahil iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. I need you, hindi dahil natatakot akong mawalan ng taong nagmamahal sa'kin kundi dahil ikaw ang taong mahal ko. Nagkamali nga ako noon dahil nagpadala ako sa emosyon ko pero ngayon, sigurado na talaga akong mahal kita..."

Hindi ko napigilang ngumitinang mapait. "Kung noon mo pa sinabi 'yan, walang pagdadalawang-isip na tinanggap na kita. Baka nagtatatalon pa 'ko sa sobrang tuwa pero it's too late, Liberty. Everything has changed. I'm sorry, alam kong nasaktan ka rin nang dahil sa'kin pero para sa ikabubuti nating lahat, kalimutan na lang natin ang isa't isa."

Tumalikod na ako at lumakad palayo sa kanya pero nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ay nagsalita ulit siya. "Mahal mo ba si Felicity?"

Natigilan ako sa tanong niya.

"Kaya ba bigla ka na lang nag-iba, siya ba ang dahilan?"


Si Felicity...


"Matthew..."

"Tapos ka nang umiyak?"

"Mm. Maraming salamat. Salamat."


"Dali na, pumasan ka na sa'kin."

"H-Ha? Sa'n ba tayo pupunta?"

"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung saan tayo pupunta."


"Oo, alam kong tutor mo lang ako pero kahit na madalas mo akong inaaway at inaasar, tinuturing pa rin kitang kaibigan."


"Gusto na nga yata kita..."


"Sagutin mo 'ko Matthew, siya ba ang dahilan kaya hindi mo na 'ko mahal? Dahil siya na ang mahal mo, ha?" tanong pa niya.

Hinarap ko ulit siya. "Yun ba ang sa tingin mong dahilan?"

"May iba pa ba?" balik na tanong niya, "Kung hindi siya, sino? Ano? Anong dahilan at nagbago ka Matthew?"

"Si Felicity..," napaiwas ako ng tingin sa kanya, "Isa siyang napakaespesyal na babae at nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Kahit ano pang pagtataboy ang gawin mo sa kanya, hahanap pa rin siya ng paraan para manatili sa tabi mo. Kahit saktan mo siya, hindi ka niya magagawang iwanan. Kahit pa hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya noon, itinuring niya pa rin akong mahalaga. At kahit pa saktan mo siya, alam kong hindi niya magagawang manakit ng damdamin ng iba. Gano'n siyang klase ng tao. Mas matindi pa siya sa linta na kahit anong pilit mo, napakahirap niyang alisin. At kung maalis mo man siya, mag-iiwan pa rin siya ng marka..."

"Mahal mo siya." sambit ni Liberty na para bang naubusan na ito ng lakas na magsalita.

"Ganoon na nga siguro." Mahal ko na nga yata talaga siya, "Aalis na 'ko."


Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Liberty at nagmadali na akong umalis ng kwarto. Napatayo pa si Bullet nang makita niya 'kong lumabas pero hindi na ako nagpaalam sa kanya. Mabilis kong nilisan ang ospital at sumakay ng bus.


"Kapag pumunta ka, ibig sabihin, tinatanggap mo 'ko. Pero kung hindi ka pumunta, ibig sabihin na kailangan ko nang tapusin ang kalokohang 'to. Tatapusin ko na ang lahat. Hindi na kita ituturing na espesyal. Ituturing na lang kita bilang isang tutor dahil iyon naman ang gusto mo."


Napatingin ako sa relo ko - 6:33 PM. Ilang oras na akong late sa usapan namin pero umaasa pa rin akong hihintayin niya 'ko. Sana pumunta ka, Felicity. Ayokong ituring ka bilang isang simpleng tutor dahil higit pa do'n ang gusto kong ituring sa'yo. Espesyal ka, napakaespesyal.

Ilang minuto pa lang ang biyahe pero parang ilang oras na ang nagdaan. Sinabayan pa ng lintik ng traffic kaya usad pagong ang bus. Baka hindi ko na siya maabutan.


"Manong, pwede po bang pakibilisan niyo?" pakiusap ko pa sa drayber ng bus.

"'Toy, kita mo ba 'yung traffic? Kung gusto mong mapabilis, sana nag-eroplano ka na lang." pilosopong sagot naman sa'kin ng drayber.


Hindi ko na lang 'yon pinansin at sumilip ako ng bintana para tignan kung malapit na ba ako sa park. Mukhang hindi yata talaga nakikisama sa'kin ang panahon.

I cursed nang marinig ko ang malakas na kulog at ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Nakakainis! Pa'no na langkung kanina niya pa 'ko hinihintay do'n tapos wala siyang dalang payong? Matalino nga siya pero tatanga-tanga rin ang isang 'yon minsan. Pa'no na lang kung mabasa siya ng ulan? Baka magkasakit siya at kung ano pang mangyari. Tsk. 'Di ko maalis ang kaba ko.


"Manong, para." sabi ko sa drayber. Ipinarada nito sa tabi ang bus at sa sandaling bumukas ang pinto no'n ay tumakbo na ako. Kahit na napakalakas ng ulan at kahit pagtinginan pa ako ng mga dumaraang tao, wala akong pakialam dahil kailangan kong makarating ng park. Kailangan kong puntahan ang panget na 'yon. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.


'Di nagtagal ay narating ko na ang park pero halos manlumo ako nang makita kong wala ni isang tao ang naroon. Napatigil ako sa pagtakbo at nilingon ang paligid. Wala akong makita kahit sino. H-Hindi siya pumunta?


"Felicity!" sigaw ko sa gitna ng ulan, "Felicity, nasa'n ka?!"


Pero walang sumagot sa'kin. Mukha lang akong tanga na naghahanap ng taong wala.


"Hindi siya pumunta," sumuko na ako at umupo sa malapit na bench. Basang-basa na ako ng ulan. Wala akong pakialam kung magkasakit pa ako kinabukasan, mas masakit na malamang hindi siya pumunta. Binuhos ko lahat ng kaya ko at nagpaba pa ako sa lintik na ulan para sa wala. Bwisit!

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa pero ayaw niyong gumana nang subukan ko. Nasira na dahil na rin sa ulan.


"Lintik!" singhal ko kasabay ang malakas kong pagbato ng phone.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon