Chapter XXV

6.1K 97 11
                                    

XXV.


"Liberty."



Nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Matthew, napahakbang ako paatras mula sa kanya. Iminulat naman niya ang mga mata niya at para bang nagulat din ito sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa paghalik niya sa'kin o ang bigla niyang pagsambit sa pangalan ng babaeng sinasabi niyang kinamumuhian niya pero kabaliktaran naman sa mga ikinikilos niya.


Walang salitang lumabas sa bibig ko. Tinalikuran ko na lang si Matthew at umalis na ako ng kusina. Umakyat ako at pumunta ng kwarto ni Matthew para lang kunin ang mga gamit ko na naroon pa. Pagkakuha ko sa mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng kwarto at umalis ng mansyon. Walang lingon-likod akong naglakad palayo roon.



"Liberty."



Bakit Matthew Chua? Totoo ngang mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Siya pa rin ang tinitibok ng puso mo. Kahit ano pang gawin mong pagtatanggi, masyado namang halata na mahal mo pa rin siya. Nakakatawa nga kasi marunong palang magmahal iyang puso mo. Akala ko kasi noon, isa ka lang manhid at matakaw na halimaw. Sino nga bang mag-aakalang ganyan ka pala kawagas magmahal?


//


Monday.


Maaga akong nakapunta ng school dahil tinext ako ni Matthew na huwag na raw siyang sunduin pa. Dahil mahigit one hour pa bago ang first subject ko, nagdesisyon muna akong tumambay sa likod ng Building C. Naupo ako sa isa sa mga picnic tables doon at ipinatong nang patagilid ang ulo ko sa mesa. Napahinga pa ako nang malalim.


First kiss ko, kinuha ni Matthew Chua. Tiyak kung ibang babae lang ako, nagtatatalon na ako sa tuwa ngayon pero hindi. Iba ang pakiramdam ko, idagdag pa na ibang pangalan ang nasambit ni Matthew no'n. Hayy.



*BEEP*



Napaangat naman ako ng ulo. Hindi ko pa pala nasa-silent ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng palda ko.


1 unread message.



Binasa ko naman ang text.


From: Skye<3
Message:
     May problema ka ba?


Ha? Bakit naman kaya niya ako natanong bigla ng ganito?


To: Skye<3
Message:
     Ha? Wala ah.



Tsaka ko ulit ipinatong ang ulo ko sa mesa pero ilang saglit pa'y tumunog ulit ang phone ko.



From: Skye<3
Message:
     Bakit mukha kang malungkot?


Mukha akong malungkot? Pa'no naman niya nalaman?


To: Skye<3
Message:
     Malungkot? Ang saya ko kaya. Ahehe. :)


Hindi naman talaga ako malungkot. Medyo lang. Hayy. O sige, 50% malungkot, 50% naguguluhan. Pero... ba't nga ba ako nalulungkot? Ang gulo ko rin talaga minsan. Hay.



*BEEP*


From: Skye<3
Message:
     Hindi matatago ng smiley ang lungkot mo kaya huwag ka nang magpanggap pa.


Manghuhula ba 'tong si Skye? O sadyang malakas ang radar niya? Pa'no naman niya nalamang hindi nga ako okay?


To: Skye<3
Message:
     Manghuhula ka ba?


*BEEP*


From: Skye<3
Message:
     Hindi. Sabihin na lang nating ako ang Guardian Angel mo na laging nakabantay sa'yo. ;)


Guardian Angel? Pfft. Ang sweet ah. Hehe.


To: Skye<3
Message:
     Ang gwapo naman ng Guardian Angel ko. <3


Hay mali, mali. Baka kung ano pang isipin ni Skye kung ganito ang i-reply ko sa kanya. Delete, delete.


Diniinan ko naman ang pagpindot sa keypad tapos biglang may lumabas na "Sending message...". Kainis! 'Yong send pala ang napindot ko imbes na delete. Akmang pipindutin ko na 'yong 'Cancel' pero biglang "Message sent." na. WAAAA. Pa'no na?!



"Shunga mo talaga, Felicity! Nakakahiya!" naiinis ko pang sabi sa sarili ko. Nakakahiya kapag nabasa 'yon ni Skye! May heart pa man din akong nilagay, kainis!



Hindi naman nag-reply si Skye. Nakuuu! Baka kung anong isipin niya. Kasi naman eh! Nakakahiya talaga, sobra!


♫♪♫~


I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul~


~♫♪♫


Nabigla naman ako nang makarinig ako ng magandang tugtog. Pamilyar ang boses ng kumakanta. Napatayo ako mula sa picnic table at inilibot ang paningin ko sa paligid pero wala naman akong makitang ibang tao. Nagha-hallucinate lang ba ako?


♫♪♫~


I know that you are something special
To you I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me~


~♫♪♫


Pinakinggan ko pang maigi ang kanta tsaka sinuyod ang paligid. Hanggang sa mapagtanto kong mula pala iyon sa likod ng puno malapit sa picnic table kung saan ako nakaupo kanina. Mabilis ko naman iyong pinuntahan at tumambad naman sa'kin si Skye. Nakaupo ito sa damuhan at tumutugtog ng gitara habang kumakanta.


Grabe, ang galing talaga ni Skye. Ang ganda ng boses. Kinikilig tuloy ako. Hehe.


Tuloy lang sa pagkanta si Skye habang ako nama'y tahimik na nakikinig sa tabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naririnig ko ang lyrics ng kanta. Nakakakilig nang sobra. Hehe.



Matapos naman ang kanta, nakangiti niya akong tinignan at nginitian ko rin siya pabalik. "Mukhang effective 'yong plano ko," sabi pa ni Skye.


"Plano?" maang kong tanong.


"Na pangitian ka. Mukhang kanina ka pa problemado," nakangiting tugon ni Skye.


"Ah..'yon ba?" napakamot naman ako sa batok ko. "Wala 'yon. May pumasok lang sa isip ko."


"Tungkol ba 'yan kay Matthew?" tanong ni Skye at sabay lapag sa gitara niya.


"Ha?! H-Hindi ah," pagkakaila ko.


"Ba't 'di ako naniniwala sa sagot mo?" sabi naman ni Skye. "Alam kong tungkol 'yan kay Matthew."


"Pa'no mo naman nasabing tungkol nga kay Matthew ang iniisip ko?" naka-simangot kong tanong sa kanya.


"Bakit? May iba ka pa bang pinoproblema?" balik na tanong niya.


"Wala," maikling sagot ko.


"Edi tungkol nga kay Matthew ang iniisip mo," sabi pa niya.


"Okay," matipid ko ulit na sagot.


"Kung gano'n, ano bang problema? Iniisip mo pa rin 'yong sinabi niya sa'yo nung nakaraan?"


"Hindi naman. Wala na sa'kin 'yon, alam ko naman kung ba't niya 'yon nasabi."


Tumayo naman siya mula sa damuhan at humakbang palapit sa'kin. "Alam mo ang dahilan kung ba't niya 'yon nasabi?" maang na tanong ni Skye.


Naku po. Dumulas na naman 'tong nakakainis kong bibig. Hayy. Sasabihin ko na ba kay Skye na alam ko na ang tungkol sa Liberty na 'yon? "Ahh..ano..."



Mas lalo naman akong na-pressure nang makita ko ang itsura ni Skye na tila ba naghihintay ng sagot ko. Kainis talaga 'tong bibig ko. Lagi na lang, hayy.



"Ano kasi...tama naman siya. Tutor lang ako kaya wala ako sa posisyong mangialam sa personal niyong buhay. Hehe," palgsisinungaling ko.


Napatango naman si Skye. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. Buti naman. Hayy. "'Wag mo na lang damdamin 'yon. Kilala mo naman si Matthew."


"Oo. Hehe. Uhm..hindi ka pa ba papasok?" paglilihis ko sa usapan.


"Wala ang prof namin sa first two subjects kaya nagpapalipas-oras muna ako rito," nakangiting tugon ni Skye. "Ikaw?"


"After one hour pa ang first subject ko eh," sagot ko.


"Kung gano'n, samahan mo muna ako rito," alok ni Skye.


"Eh? Baka makaistorbo ako sa pagmumuni-muni mo. Hehe," nahihiya kong sabi.


"Kahit kailan, hindi ka naging istorbo sa'kin, Felicity. Sige na, malungkot ding mag-isa rito."


"Ah..sige," pagpayag ko.



Sabay naman kaming umupo sa damuhan ni Skye. Kinuha niya ulit at kinalong ang gitara niya habang napasandal naman ako sa puno.



Tinignan ako ni Skye, "Anong favorite song mo?"


"Uhm..hindi naman ako mahilig makinig sa music eh pero... favorite ko talaga 'yung "Perfect" ni Pink. Nakakarelate kasi ako sa kanta na 'yon. Hehe," sagot ko.


"Okay," nakangiting sabi ni Skye tsaka inayos ang pagkakakalong niya sa gitara.



♫♪♫~


Made a wrong turn, Once or twice
Dug my way out, Blood and fire
Bad decisions, That's alright
Welcome to my silly life

Mistreated, misplaced, misunderstood
Miss "no way, it's all good", It didn't slow me down
Mistaken, Always second guessing
Under estimated, Look, I'm still around~


~♫♪♫


Pretty, pretty please
Don't you ever, ever feel
Like you're less than, less than perfect.
Pretty, pretty please
If you ever, ever feel
Like you're nothing
You are perfect to me.~


♫♪♫~



*BADUMP*

*BADUMP*


Hayy. Naiiyak ako. Ano ba 'to, nakakainis! Ngayong naririnig ko si Skye na kinakanta ang favorite song ko, naiiyak talaga ako. Sapul na sapul kasi ako sa lyrics ng kantang 'yan tapos si Skye pa ang kumakanta.


Pinigilan ko naman ang mga luha ko. Ayokong umiyak. Pero kahit anong pagpipigil ang gawin ko, unti-unti nang bumabalong ang luha sa mga mata ko.



"Sorry, pinaiyak ba kita?" alalang tanong ni Skye matapos ang kanta. Nilapag niya pa ang gitara niya sa damuhan tsaka ako tinignan.


"Oo, okay lang ako. Hehe." sabi ko sabay punas sa mga luhang muntik nang bumagsak mula sa mga mata ko.


"Okay lang naman na umiyak ka sa harapan ko. Handa naman akong punasan ang mga 'yan para sa'yo," nakangiti pang sabi ni Skye.


Napatingin naman ako kay Skye. Namimilog pa ang mga mata ko. Pero hindi ko iyon tinagal at iniwas ko rin agad ang paningin ko. Skye naman... "A-Ayos lang ako, Skye."


"Felicity, naalala mo ba ang sinabi ko no'n sa party?" tanong ni Skye.


"Ha? Ano 'yon?" maang kong tanong habang iwas pa rin ang tingin kay Skye.


"Na I like you. Totoo 'yon, Felicity. I like you. I really do."


//


[Waffles' POV]



Nagising naman ako dahil sa patuloy na pag-ring ng phone ko. Minulat ko ang mga mata ko at kinapa ang phone ko na nasa sidetable. Hindi ko na tinignan pa kung sino ang tumatawag at sinagot ko na lang iyon.



"Hello?" inaantok ko pang bungad.


"Waffles, pupuntahan ko si Matthew," boses iyon ni ate Libby. Napadilat naman ako bigla ng mga mata sa narinig.


"What?! Ate Libby!"


"Kailangan ko siyang makita. Hindi ko na talaga matiis, Waffles. I need to see him," iyan lang ang huling sinabi ni ate Libby at pinatay na niya ang linya.



Damn! Hindi ito maganda.

=====================================

Pagpasensyahan niyo na lang si Waffles kung medyo matagal na ang pag-update. Medyo busy rin kasi sa school eh. Anyway, sa mga estudyanteng gaya ko, goodluck sa pag-aaral! At saka 'yong video ng "Beatiful Soul" na kinanta ni Skye, nasa EXTERNAL LINK kung gusto niyong pakinggan. Mahal ko kayo.♥ -Waffles♥

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon