XVIII.
Monday.
Iika-ika akong pumasok ng school kasabay si Matthew.
" Ano bang nangyari sa'yo? " tanong ni Matthew habang papasok kami ng university.
" Eh kasi kahapon, nagsasanay akong mag-heels para dun nga sa party. Maghapon akong naka-heels tsaka palakad-lakad sa bahay, napaltos tuloy 'yung paa ko. Medyo masakit nga eh. " paliwanag ko.
" Psh. Hindi pa nga umaabot ng party, may paltos ka na. "
" Gagaling din 'to bukas. At least sanay na akong mag-heels. " sagot ko.
Hindi na kumibo pa si Matthew at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad sa hallway.
" Matthew. " tawag ng isang pamilyar na boses. Sabay naman kaming napahinto sa paglalakad ni Matthew at napalingon - si Skye. Agad naman niya kaming nilapitan.
" Ano? " asiwang tanong ni Matthew sa kuya nito.
" Tinawagan ako kagabi ni... " bigla namang napatigil si Skye sa sasabihin niya.
" Nino? " inip na tanong ni Matthew.
" Si-- "
" Matty! " naputol na naman ang sasabihin ni Skye dahil sa sigaw ng isang pamilyar na babae. Agad naman nitong nilapitan si Matthew na mas lalong nagpaasiwa dito. " Good morning Matty! "
" Ang ingay mo. " inis na sagot ni Matthew kay Bullet sabay bira ng alis. Pfft. Pansin ko, lagi na lang yatang ganito ang eksena sa tuwing pumapasok kami.
Binaling ko naman ang paningin ko kay Skye at kita kong nakasunod lang ang tingin niya kay Matthew at Bullet. Hindi ko mawari kung ano bang iniisip niya.
" Skye. " tawag ko rito.
Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti. " Good morning, Felicity. "
" Good morning din. " tugon ko.
Sabay na kaming naglakad ni Skye sa hallway. Tinanong pa nito kung anong nangyari sa paa ko pero sabi ko wala lang 'to, di naman ganun kasakit eh. Tapos nun, hindi na ulit nagsalita pa si Skye. Nakakapanibago. Sino kaya 'yung tinutukoy ni Skye kanina na tumawag daw sa kanya kagabi?
" Skye. "
Sabay kaming napahinto ng lakad at tumingin naman siya sa'kin pero hindi pa rin ito kumikibo.
" Itatanong ko lang sana kung..sino ba 'yung tinutukoy mo kanina, 'yung s-sasabihin mo kay Matthew. " sabi ko
" Wala Felicity, sigurado akong makikilala mo rin siya. " tugon ni Skye . Eh? Hindi ko maintindihan ang sagot niya.
" Eh? "
" Tara na. " aya ni Skye at nauna na siyang maglakad at sumunod na rin ako.
Parang ang weird ni Skye ngayon. Ano kayang nangyari? At sino naman ang makikilala ko raw? Naguguluhan talaga ako.
//
\\
" Okay class, let me remind all of you na sa Friday na ang deadline ng submission of projects. I won't be accepting late ones so be sure to pass it on time. " bilin ng prof bago tuluyang lumabas ng classroom.
Konti na lang, matatapos ko na 'rin 'yun. Nakaka-75 na tanong ako bali 3/4 na ang nagagawa kong questions. Tanungin ko na nga si Skye ngayon kung pwede siya na lang interviewhin ko..kaso...mukhang wala yata siya sa mood ngayon, bukas na lang kaya?
" Sinong in-interview mo sis? "
" Si Clyde Mercado. "
" Clyde Mercado? You mean 'yung hottie na 4th year student? "
" Yes, buti nga pumayag siya. How 'bout you, sis? "
" Wala pa nga eh. I tried to ask Matthew pero he just ignored me so I'm planning to ask Skye instead. "
HINDI! Hindi pwede! Ako dapat mag-iinterview kay Skye.
Mabilis kong niligpit ang gamit ko at tumayo mula sa armchair ko at lumabas ng room. Tatanungin ko na si Skye ngayon bago pa ako maunahan ng iba.
Dali-dali akong dumiretso ng cafeteria at bumili ng pagkain. Pagkahatid ko ng pagkain ni Matthew, pupuntahan ko na talaga si Skye. Mabilis akong naglakad mula Building A pabalik ng Building B. Patakbo naman akong umakyat ng hagdan kaya pagdating ko sa tapat ng pinto ng rooftop, hingal na hingal ako.
" Ano?! " si Matthew. " Kelan? "
" Next week. " sagot naman ng isang pamilyar na boses - si Skye! 'Di ako pwedeng magkamali, boses talaga 'yun ni Skye. Ano kayang pinag-uusapan nila?
Tinapat ko naman ang tenga ko sa may pinto at tahimik na nakinig sa usapan nila.
" Bakit daw siya babalik ? tanong ni Matthew.
" Hindi ko rin alam, she just said na babalik na siya next week. "
Tapos bigla nang tumahimik. Wala na 'kong narinig pa. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbukas ng pinto at halos mangudngod ako papasok pero buti na lang nagawa ko pang balansihin ang sarili ko at nahawakan kong mabuti ang dala kong pagkain.
" Felicity. " si Skye.
Agad kong inayos ang tayo ko. Kita ko namang pareho silang nagulat nang makita ako pero agad ding iniwas ni Matthew ang tingin niya sa'kin.
" Bai mu. " narinig ko pang sabi ng pasaway. Pfft. Ano ba kasing ibig sabihin ng buy mo, bay mu ewan na iyan?
" Felicity, anong ginagawa mo dito? " tanong ni Skye.
" Ah..ano..kasi.. " napatingin naman ako sa hawak kong pagkain. " Ah oo! Ito, ihahatid ko 'to kay Matthew. Ahehe. "
Ngumiti naman siya. " Sige, kailangan ko nang umalis, magpapractice pa kasi kami. Bye Felicity. "
" G-Ganun ba? " Pero hindi pa kita natatanong Skye. " S-Sige bye. "
Mabilis na umalis ng rooftop si Skye at sinundan ko lang ito ng tingin. 'Di ko naman mapigilang sumimangot, hindi ko na naman kasi siya nagawang tanungin. Lagi na lang napupurnada ang plano ko. Hays.
" Oy panget. " tawag naman ni Matthew kaya napalingon ako sa kanya. Nakaupo na ito sa bench. Nilapitan ko siya at inabot na ang pagkain niya. " Nakikinig ka kanina? "
" Ha? "
" Psh. "
" Oo na. " pag-amin ko. " Eh ano ba kasing pinag-uusapan niyo kanina? Hindi ko naman narinig lahat. "
Tumingin naman ito sa'kin nang masama. " Buti nang wala kang alam, 'di mo naman kailangang malaman 'yun. "
" Pfft. " naupo na rin ako sa bench. " Pero... hindi ka ba talaga pupunta ng party? "
" Hindi nga. " sagot ni Matthew.
" Bakit naman? "
" Kasi ayoko. "
//
\\
Wednesday.
5:45 PM na. 15 minutes na lang at susunduin na ako ni Skye. 6:00 PM niya daw kasi ako susunduin sabi niya kahapon, 7 PM naman ang start ng party. Nakabihis na ako, hindi na ako nag-atubiling mag-make up pa, pulbo langang nilagay ko sa mukha ko, hindi rin naman kasi ako marunong mag-apply ng make-up eh. Ang suot ko lang na accessory ay 'yung singsing ni Skye. Tapos ang buhok ko, half updo lang ang style. Tapos dala ko rin itong blac purse na binili rin ni Matthew para sa'kin. Simpleng-simple lang talaga.
Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko mapigilang mamangha at magulat. Mamangha dahil sa suot ko ngayon na si Matthew pa ang bumili at magulat, magulat dahil sa itsura ko ngayon. Pakiramdam ko, ANG GANDA-GANDA KO NGAYON. Mukhang tama nga si Matthew, nasa pagdadala 'yan ng damit.
Palakad-lakad ako sa loob ng kuwarto ko habang naghihintay. Medyo kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari sa party mamaya? Ilang saglit pa, narinig kong may kumatok kasabay ang pagpasok ng kapatid ko. Gulat na gulat ito nang makita ako.
" Oh em to the gee! Sisteret, you look beautiful! " bulalas nito.
" 'Wag mo 'kong lokohin, 'yung damit ko ang maganda. Pero sige, tatanggapin ko na 'rin 'yang papuri mo, ayos ba? "
" Bet na bet! "
" Si Skye, wala pa rin ba? " tanong ko.
" Ay, oo nga pala! Si papa Skye, 'yung Prince Charming mo, naghihintay na sa baba. Sige babush! " sagot ni Trevor at lumabas na ito ng kuwarto.
Napahinga muna ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko at bumaba sa sala. Kita ko naman si Skye na nakaupo sa sofa kasama ang kapatid ko. Agad ko itong nilapitan.
Tumayo naman siya agad pagkakita niya sa'kin at ngitian ako. " You look lovely. "
Hindi ko naman mapigilan ang pagpula at pag-init ng mga pisngi ko. Nginitian ko rin siya pabalik. Siya naman, ang gwapo niyang tignan. Naka -white long sleeves polo ito na may kasama pang black vest at black pants. Bagay na bagay sa kanya. Nakakainlove.
" Shall we go? " aya nito at inilahad pa ang kamay niya.
Tumango naman ako at ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng palad niya. Mahigpit naman niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako palabas ng bahay.
Nagtaxi kami papunta ng university. Sabi kasi ni Skye hindi daw magandang tignan kung nakaganito kami tapos magba-bus lang kam. Gusto man daw niyang dalhin ang kotse nila sa bahay, hindi naman daw siya marunong mag-drive.
Ilang saglit pa at nakarating na kami ng university. Marami-rami na rin ang tao. Dumiretso na agad kami ni Skye sa gymnasium, kung saan magaganap ang party. Nasa tabi lang iyon ng Building C. Halos malaglag naman ang panga ko pagkapasok namin ng gymnasium. Ang ganda kasi. Ang sosyal.
May malaki at malawak na stage sa unahan tapos maraming tables na pabilog ang pagkakapuwesto kaya merong malaking space sa gitna na nagsisilbing parang dance floor. May kanya-kanya pang flower arrangements sa bawat table. Tapos sa magkabilang gilid naman ay parehong may mahabang mesa na nakapuwesto kung saan nakalatag ang pagkain na binabantayan pa ng mga waiters. Tapos 'yung mga designs at lightings, ang ganda talaga.Marami na rin ang tao sa loob.
Hinatid naman ako ni Skye sa table namin, medyo malapit lang 'yun sa stage. Inalalayan pa ako nito sa pag-upo. Ahehe.
" Felicity, iwan muna kita rito. Kailangan ko pa kasing tumulong sa pagse-setup ng mga instruments na gagamitin. " paalam ni Skye.
" Sige lang Skye. "
" I'll be back. " sabi pa nito sabay kindat at alis.
Naku...biglang kumabog 'yung dibdib ko sa ginawa niya. Kinindatan ako ni Skye. Kinindatahan niya talaga ako. Enebeyeen. Ahihi.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti, si Skye kasi eh! Naputol naman ang pagpapantasya ko nang biglang may umupo sa harapan ko na isang lalaki. Nakasimangot ito at naka-cross arms pa.
" O Matthew! " gulat kong sabi. " Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka pupunta? "
" Psh. Kakain sana ako kaso 'di pa daw pwede. Nakakainis! " singhal nito na parang bata.
" Eh? Hindi pa nga nagsisimula 'yung party, kakain ka na agad. 'Wag mo sabihiing pumunta ka lang para kumain? " sabi ko.
Tinignan naman ako nito nang masama at lalo pang sumimangot. " 'Yun lang naman ang masayang gawin sa party. "
" Akala ko ba hindi ka pupunta? "
" Nagbago isip ko. "
" Bakit? " curious kong tanong.
" Wala lang. "
Pfft. 'Di na ako sumagot. Padami nang padami na ang dumadating na tao. Napalingon naman ako sa stage at nakita ko si Skye na sini-setup ang keyboard. Ang pogi niya talaga. Mehehe~
" Panget. " tawag ni Matthew.
Nilingon ko naman siya. " Ano? "
" 'Yung kumag, kasabay mo ba siyang pumunta dito? " nakasimangot na tanong nito.
" Skye. " pagtatama ko. " Kumag ka nang kumag dyan. Pfft. "
" Skye, kumag, pareho lang 'yun. " sagot ni Matthew. " 'Di mo pa sinasagot ang tanong ko. "
" Oo, sinundo niya 'ko eh. "
" Psh. "
Problema nito?
Hindi nagtagal, dumating na si Skye sa table namin.
" Matthew, you're here. " bungad nito.
" Obviously. "
" I thought you're not coming. "
" Pakialam ko sa thoughts mo. " pabalang na sagot ni Matthew. Hays. Pasaway.
Ngumiti na lang si Skye at hindi na sinagot pa ang pasaway na kapatid. Binaling naman niya ang tingin niya sa'kin. " Ayos ka lang ba rito Felicity? Komportable ka ba? "
" Oo naman. " nakangiting sagot ko.
" That's good. Pasensya na, kailangan ko na ulit umalis. Magsisimula na kasi ang party. I'll see you later, bye. "
Nginitian ko na lang ito habang sinusundan ng tingin. Umalis na ito at umakyat ng stage kasunod ang mga kabanda niya. Tumayo na siya sa gitna sa tapat ng microphone stand at hawak ang isang electric guitar. Pagkatapos, umakyat na rin si Professor Mendez, ang host ng party.
" Okay ladies and gentlemen, good evening. I'm glad that all of you came to celebrate this farewell party para sa ating pinakamamahal na dean na si Mr. rustico. I hope everyone of you will enjoy this evening. And to start with that, let me introduce to you, my students from the third year class. Sila na ang bahala sa tugtugan natin ngayon. So everyone, let's just enjoy this night. "
" Whooo! " hiyawan ng lahat.
At nagsimula nang tumugtog ang banda nina Skye. Nakaupo lang ako sa table namin at masaya itong pinapanood na tumugtog. Samantalang 'yung ibang estudyante at bisita, nagsasayaw sa gitna. Upbeat kasi ang tugtog at talagang mapapasayaw ka. Kahit na hindi ko alam 'yung kanta, masarap talagang sayawan ng tugtog pero mas masarap pa ring panoorin si Skye na tumugtog kaya dito na lang ako sa upuan ko.
//
\\
Ganito pala sa party, nakakabagot. Pero buti na lang nawawala ang bagot ko habang pinapanood kong tumugtog si Skye. 'Di kasi siya nakakasawang panoorin.
Isang oras na mula nang mag-umpisa ang party, ang taas pa rin ng energy ng mga tao. Ahehe. Nakakailang kanta na rin ang banda ni Skye. Tapos 'yung iba kumakain pa, 'yung iba nagkukwentuhan. Ako, tapos na akong kumain at wala naman akong makausap dito na kahit sino. Si Matthew naman parang ewan. Nakasimangot lang at cross arms, tumayo lang siya nung kumuha siya ng pagkain. Hindi rin siya nakikipagkuwentuhan kahit kanino. Kapag naman may lumalapit sa kanyang babae, tinataboy niya agad. Parang galit na galit siya sa presensyang mga babae. Bakit kaya? 'Di kaya bakla talaga siya? Pfft.
" Ehem. May I have your attentions please. " sabi ng isang pamilyar na boses.
Napalingon naman ako sa stage at tama nga, si Skye nga ang nagsalita sa mic.
" Uhm... I don't really know what to say but..this next song is for a very special girl. " simula ni Skye. " That girl who has been always there by myside, the girl who always makes me smile and the girl who has a special place here - IN MY HEART. "
Para naman akong nanigas sa kinauupuan ko. Para ko ring nalunok ang boses ko. May naririnig pa akong bulung-bulungan sapaligid pero hindi ko na 'yun pinansin dahil na kay Skye ang atensyon ko. Huwag niyong sabihing...
" Lagi mong sinasabing hindi ka maganda pero nagkakamali ka, you are very beautiful. Inside and out. And.. I like you that way. "
*BADUMP*
*BADUMP*
Inalis ko na ang tingin ko kay Skye. At ilang ulit akong huminga nang malalim. Hindi pa kasi nakukumpleto ang pagproseso ng mga sinabi ni Skye sa utak ko. Hindi ako makapaniwala.
♫♪ Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her everyday
Yeahh~ ♫♪
♪♫ I know, I know
When I compliment her she won't believe me
And it's so, it's so
Sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me "Do I look okay? "
I say~ ♪♫
*BADUMP*
*BADUMP*
Kainis na heartbeat naman ito oh.
♫♪ When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl you're amazing
Just the way you are
Yeah~ ♫♪
Skye...
====================================
Sa mga may FACEBOOK po dyan, i-click niyo po ang EXTERNAL LINK at paki-add si Matthew Chua. Nagmamakaawa daw po siya. Joke! Hahaha. MAHAL KO KAYO. - Waffles♥
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Fiksi RemajaMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
