Chapter XXXVII
"Ibig mong sabihin, nagpapanggap lang siyang bakla dahil sa pangako niya sa mama at papa niyo?" tanong ni Matthew habang nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Nakaupo namana ko sa tabi niya.
Tumango ako. "Kaya kung pwede, huwag mo na siyang tawaging 'bakla'."
"Psh. Bakla."
"Bakit? Disappointed ka?" nakangisi kong tanong.
"Ano?! Syempre hindi!" tanggi ni Matthew, "Mabuti naman at wala nang baklang mangungulit at tatawag sa'kin ng kung ano."
"Sige, sabi mo eh," sagot ko, "Magpahinga ka na."
Tatayo na sana ako upang hayaan itong makatulog ngunit nagsalita ulit siya. "Sandali..."
"Bakit?" lingon ko.
"May dapat pa tayong pag-usapan." nakasimangot na saad nito.
"Eh? Tungkol saan?" kunot-noo kong tanong.
"Tu...tu..." nauutal nitong sagot.
"Tu?"
"Tungkol sa'ting dalawa."
"Anong tungkol sa'tin?" maang kong tanong.
"Psh," singhal niya, "Nakalimutan mo na ba ang usapan natin?"
"Ano ba kasi 'yon, Matthew?"
"Dahil pumunta ka kahapon, ibig sabihin..," napaiwas ito ng tingin, "Ibig sabihin, tinatanggap mo na 'yung..."
Ha? Ah...eh...pero... "Pero hindi ka naman pumunta eh!" pagdadahilan ko.
"Bingi ka ba talaga?" iritadong saad niya, "Ang sabi ko kanina nahuli lang ako ng dating pero pumunta pa rin ako. 'Yun nga ang dahilan kung bakit may lintik na sakit ako ngayon."
"Kahit na," pagmamatigas ko, "Hindi naman tayo nagkita."
Napabuntong-hininga ito. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihing ayaw mo sa'kin?"
"A-Ano?"
Binalik niya ang tingin niya sa'kin. Nangungusap ang mga mata niya. "Bakit ba kailangan pang pahirapan mo 'ko? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin at sabihing ayaw mo sa'kin? Bakit ba pinapaasa mo lang ako, Felicity? Hirap na hirap na 'ko."
Nabigla ako. "A...Ano bang pinapaasa? Hindi kita pinapaasa sa kahit ano, Matthew."
"Kung gano'n, sabihin mo 'yung totoo."
"Bakit ikaw?" saad ko, "Bakit ayaw mong sabihin sa'kin ang totoo? Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung bakit ba gusto mong pumasok tayong dalawa sa isang hindi siguradong relasyon? Hindi ba pagiging unfair 'yon para sa'kin?"
"Dahil mahal kita..."
Nabigla ako sa isinagot niya. Napatingin ako sa kanya nang diretso at kinumpirma ng mga tingin niya na seryoso siya, hindi siya nagloloko. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ako magrereact sa sinabi niya.
Magkukunwari ba 'kong galit? Magkukunwaring akala eh biro lang ang sinabi niya? Aaktong manhid?
Pero hindi! Ayokong magkunwari, ayokong lokohin ang ibang tao maging ang sarili ko. Dahil alam kong sa puso ko, may espesyal akong nararamdaman para kay Matthew pero...pero...pagmamahal na ba talagang maituturing iyon? Alam kong higit ito sa paghanga pero kasinglalim na ba 'to ng salitang "pag-ibig"? Ayokong magpadalus-dalos ng mga desisyon. Ayokong pangunahan ang damdamin ko.
"Tititigan mo na lang ba ako?" tanong ni Matthew. Bigla akong natauhan at naputol ang pag-iisip ko.
"Ahh..eh..." nangangapa pa ako ng mga salitang sasabihin.
"Felicity, kailangan ko ng sagot mo." muli niyang ibinaling ang mga nangungusap niyang mata sa'kin. Isang malaking tukso ang 'yon para sa'kin dahil...dahil...ngayong tinititigan ko ang mga 'yon, para bang may kung anong puwersa ang nagtutulak sa'kin para pumayag sa gusto niya.
"Saka na lang tayo mag-usap.," sagot ko at madaling iniwas ang tingin ko. Mahirap na dahil baka hindi na naman ako sundin ng mga labi ko sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko rin alam kung bakit pagdating sa lalaking ito, nagagawa akong traydurin ng sarili kong katawan, "K...Kapag magaling ka na, okay?"
"Hindi," tutol niya, "Gusto ko nang malaman ang sagot mo."
"Please..," halos pumiyok na ang mahinang boses ko, "Huwag muna ngayon, okay?"
Tumayo na ako at tinungo ang pinto ngunit bago ako lumabas ay nilingon ko si Matthew. "Magpagaling ka."
//
[Waffles' POV]
"Ticket? China?!" napalingon ako kay kuya Skye, "Are you serious, kuya?"
"Of course." matipid niyang sagot.
"Pero it's only been a few months, w-why so sudden?"
"I need to. Gusto ko munang lumayo." kalmado niyang sagot at saka lumagok mula sa hawak nitong wine glass.
"Alam na ba nila papa?" tanong ko pa, "That's the thing that you want to discuss with him, right?"
"Alam na nila," sagot ni kuya saka isinandal ang likod nito sa tansparent slide door papuntang balcony para harapin ako, "Next week na ang flight ko."
"What?!" I stood up from the sofa and went to him, "Agad?"
He stared at the wine glass he's holding. "The sooner, the better."
I rolled my eyes. "Kuya..."
"You can come with me if you want," alok pa niya and he took another sip of wine, "But I'm sure you can't leave Nathan behind.
Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni kuya. "Kuya Skye, it's not about me coming with you, this is about you leaving!"
"Ano bang masama kung umalis ako?" tanong niya.
I sighed. "Para ka nang si kuya Matthew ngayon. You're leaving because you can't have the girl you like, just like kuya Matt."
"Right," pagsang-ayon naman niya, "I thought I can suppress my feelings for her but I can't. I can't bear to see them together."
I just shook my head.
"I just hope she can endure the pain in the future." narinig kong sambit ni kuya Skye.
"Anong ibig mong sabihin, kuya?" I curiously asked.
"Nothing." tumagilid siya ng sandal sa sliding door at tumingin sa view sa labas. Endure the pain of what? Hmm...
//
[Felicity's POV]
"Ate, ba't 'di ka pa nagpapahinga?" nilapitan agad ako ni Trevor pagbaba ko ng hagdan.
"Okay lang ako," sabi ko, "Hayaan mo munang makapagpahinga si Matthew, kailangan bukas wala na ang lagnat niya."
"Doon ka na lang sa kwarto ko magpahinga, ate." alok ni Trevor.
"Sige, pero tatawag muna ako kina Matthew."
Tumango si Trevor at bumalik sa sala. Kinuha ko ang phone ko na nasa sala saka tinawagan si Waffles.
"Hello?" boses iyon ng lalaki. Siguradong hindi iyon si Waffles.
"S..Si Waffles?"
"Felicity?" sagot ng lalaki sa kabilang linya. Napagtanto kong si Skye iyon.
"N-Nasa'n si Waffles?" bigla akong nailang.
"Bumaba si Waffles," sagot niya, "May gusto ka bang sabihin? Ako na lang ang magsasabi sa kanya."
"Ano kasi...si Matthew, nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi pa rin kasi siya magaling kaya baka hindi muna siya makauwi dyan, pakisabi na lang kay Waffles at ma'am Anastacia para hindi na sila mag-alala."
"N-Naintindihan ko, sasabihin ko na rin sa driver ni mama na padalhan siya dyan ng damit."
"Sige, salamat. B...Bye." binaba ko na agad ang phone pagkatapos kong makapagpaalam.
"Ate, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Trevor na noo'y nakaupo sa sofa.
Tinabihan ko ito at saka napabuntong-hininga bago magsalita. "Trevor, kung ikaw ba ang papipiliin, papasok ka ba sa isang relasyong alam mong alanganin?"
"Alanganin?" aniya.
"Mm," tango ko, "Hindi sigurado."
"Ano ba ang hindi sigurado, ate? Ang nararamdaman mo para sa taong 'yon?" tanong niya.
"Mm." tatangu-tangong tugon ko.
Saglit itong napaisip. "Kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa isang tao, sa tingin ko kailangan mo munang pag-isipang mabuti kung ano ba talaga ang halaga niya para sa'yo. Tanungin mo ang sarili mo, "Mahal mo ba talaga siya?", "Kaya mo bang tiisin na manatili na lang kayo sa estado niyong dalawa ngayon o gusto mo pang lumalim iyon?". Wala naman talagang masama sa pagsubok, ate. Malay mo, kapag nasa isang relasyon na kayo, saka mo lang malalaman ang mga sagot sa mga bumabagabag sa'yo."
"Pero ayokong sumugal. Baka masaktan siya, baka masaktan lang kami pareho."
"Si kuya Matthew?"
"Huh? Hindi ah!" kaila ko.
"Ate, hindi ka naman matatakot na masaktan siya kung hindi siya mahalaga para sa'yo at kung wala kang nararamdaman para sa kanya," dagdag pa ni Trevor, "Tsaka mabuti nang sumugal kahit minsan kaysa tuluyang mawalan ng minamahal."
//
[Waffles' POV]
"Sinong tumawag kuya?" tanong ko dahil pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong hawak ni kuya Skye ang phone ko.
Binalik niya 'yon sa'kin at sumandal ulit sa sliding door habang hawak pa rin ang wine glass na kalahati na lang ang laman. "Felicity."
Uupo na sana ako ng sofa but kuya's answer took my attention. "Anong sabi?"
"Nasa kanila si Matthew." I can sense bitterness in his words.
"Hmm, susunduin ko na lang siya mamaya." umupo ako ng sofa at kumuha ng isang mababasang manhwa.
"Don't," sabi naman ni kuya, "Hayaan mo na siya ro'n. May sakit siya."
"Okay." ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa binabasang manhwa.
"Waffles." tawag ulit ni kuya.
"Hmm?" I looked at him.
"Please take care of Felicity. She seems to be very strong but she's very fragile." bilin niya.
"Kuya, kahit naman hindi ko siya alagaan, you know there's someone who's willing to take care of her."
"Right," he answered and took another sip of wine, "If only I could be there for her."
I sighed. Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot si kuya. He might not show it but I know he's deeply hurt. I could feel the pain through his words. Kahit pa nasasaktan siya, he still cares for ate Felicity. Naaawa tuloy ako kay kuya. I wish someone out there is willing to fix his broken heart right now. He changed a lot and dahil iyon kay ate. Si ate Felicity lang ang siniryeso niya sa dami ng babaeng dumating sa buhay niya kaya I know it hurts a lot. Playboy siya dati kaya hindi siya sanay na nasasaktan dahil sa mga babae.
"Sorry kuya..."
Saglit niyang ipinukol ang tingin sa'kin pero agad ding ibinalik ang tingin sa labas. "For what?"
"I can't do anything to make you feel better," nakasimangot kong sagot, "How I wish may lumitaw na isang babaeng mamahalin mo at mamahalin ka rin in return para hindi ka na malungkot."
He smiled...bitterly. The pain is clearly seen on his eyes. "Of course, makakahanap ako ng isang taong mamahalin ko but I think I still need to find that special girl."
//
[Felicity's POV]
Tahimik akong pumasok ng kwarto para hindi magising si Matthew. Himbing na himbing ito sa pagtulog nang datnan ko. Dumiretso ako ng study table at umupo. Magrereview muna ako dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko at nakainom na rin ako ng gamot.
Kinuha ko ang libro ko sa gilid ng mesa at nagsimulang mag-aral. Pagbuklat ko ng libro, nasagi ng paningin ko ang suot kong singsing. Napalingon ako kay Matthew at mahimbing pa rin itong natutulog. Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ko. Ang cute niyang matulog, napakaamong tignan. Hehe.
Binalik ko ang atensyon ko sa libro at nag-focus sa pagbabasa.
Ilang oras ang lumipas at malapit ko nang matapos ang pangatlong subject na inaaral ko. Naisip kong magpahinga muna at magmeryenda. Napahikab ako at napaunat ng mga braso. Lumingon ako para dungawin ang bintana, papalubog na pala ang araw. Mula sa bintana, nalipat ang tingin ko sa natutulog na si Matthew. Tulog pa rin siya, mabuti na 'yon para mas mabilis siyang gumaling.
Tumayo ako mula sa upuan at tinungo ang pintuan. Pipihitin ko na sana ang door knob nang marinig kong umungol si Matthew. Agad akong tumungo sa tabi niya at tinignan ang kalagayan nito. Minulat niya ang mga mata niya at napatitig sa'kin.
"Felicity..." halos paungol nitong sabi.
"Bakit?" May sinabi siya pero hindi ko gaanong naintindihan, "Ha? Ano ulit iyon?"
Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa'kin. SAglit akong napatitig roon pero pinili kong ibigay sa kanya ang kamay ko. Paghawak niya roon ay hinigit niya ako kaya napahiga ako sa bandang dibdib niya. Kinulong niya ang mas maliit kong katawan gamit ang kanyang mga braso. Hindi agad ako nakapag-react sa nangyari, napatanga ako. Nakatagilid ang ulo ko sa dibdib niya kaya ang tenga ko, rinig na rinig ang pagtibok ng kanyang puso. Ang lakas ng kabog niyon.
Dub dub...dub dub...dub dub...dub dub...
Hindi na kami nakapagsalita pareho. Inilipat ko ang isa kong kamay sa tapat ng puso ko at pinakiramdaman ang pagtibok no'n kasabay ng kay Matthew.
Dub dub...dub dub...dub dub...
Bakit gano'n? Bakit tila iisa lang ang ritmo ng mga puso naming dalawa? Bakit pakiramdam ko isang napakagandang musika ang tibok ng puso niya na sinasabayan ang akin? Bakit komportable ako ngayon sa posisyon ko sa tapat ng dibdib niya at yakap niya?
"Mahal kita..."
"M-M...Ma..."
Napabalik ako sa realidad nang marinig kong bumukas ang pinto. Aalis na sana ako sa pagkakahiga ngunit pilit pa rin akong ikinulong ni Matthew sa mga bisig niya. Napunta ang tingin ko sa pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo ro'n si Waffles at gulat din ang itsura habang tinititigan kami.
"Uhm...I should really need to learn how to knock first, right?" naiilang nitong sabi.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Matthew. Dismayado ang tono nito.
Itinaas ni Waffles ang kamay niya upang ipakita ang dala niyang paper bag. "Dinalhan kita ng damit kuya."
"Pa'no mo nalamang nandito ako?" sunod na tanong ni Matthew.
"Uhm..," napatingin muna sa'kin si Waffles bago sumagot, "Ate called me. I also brought your uniform."
"Tss."
"Okay, fine," suko ni Waffles, "Sorry for interrupting your very...intimate moment. I'll better get going. So, just continue on what you're doing and ignore me. Bye!"
Ipinatong ni Waffles ang paper bag sa study table at mabilis pa sa alas-kwatrong nilisan ang kwarto. Phew, buti na lang at umalis ito agad. Nakakahiya naman sa kanyang makitang ganito ang posisyon namin ng kuya niya. Si Matthew kasi!
Sinubukan ko muling bumangon pero hinigpitan ni Matthew ang yakap niya. "Dito ka lang..."
"Matthew."
"Nakapag-isip ka na ba?" malumanay nitong tanong, malayo sa pagiging masungit niya kanina nang biglang pumasok ng kwarto si Waffles.
"Ah...a..." naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga braso ni Matthew hanggang tuluyan na akong pakawalan no'n at makabangon. Nang tingnan ko siya at napaiwas lang siya ng tingin.
"Sige na, alis na." matamlay nitong sambit.
"Matthew."
"Sorry," sumunod nitong nasabi, "Nahihirapan ka na bang mag-desisyon dahil sa'kin?"
"Hindi sa gano'n." tugon ko.
Bumangon siya sa kama at napaupo. "Bakit kasi hindi mo na lang ako diretsuhin at sabihing ayaw mo sa'kin at nang hindi na ako umasa. Para matapos na 'to."
"Ka...Kasi natatakot lang ako."
"Bakit? Ganoon ba kahirap na mahalin ako?"
"Hindi gano'n, Matthew," napayuko ako ng ulo, "Natatakot lang akong masaktan. Alam kong napakababaw ng dahilan ko pero sana intindihin mo 'yon. Ngayon lang may naglakas-loob na lalaking magkagusto sa isang tulad ko. Hindi ko pa nararanasan kung paano magkaroon ng isang ka-relasyon at marami akong mga alinlangan at kinatatakutan. Hindi sa nahihirapan akong mahalin ka, 'yun nga lang, nahihirapan akong pantayan ang lebel mo para naman masabing karapat-dapat ako para sa'yo. Ikaw si Matthew Chua, sa tingin ng marami, isa kang napaka-espesyal na tao dahil hinahangaan ka ng lahat samantalang ako si Felicity Natividad na hindi kagandahan at isang ordinaryong babae lang. Alam mo ba kung gaano kahirap na maabot ang isang gaya mo ng isang tulad ko? Halos imposible."
"Akala ko ba malakas ka?" tanong niya, "Bakit natatakot kang magmahal? Kahit pa hindi maganda ang turing ko sa'yo noon, hindi ibig sabihin no'n hindi na kita pwedeng mahalin. Kahit ako pa ang pinakamasamang tao para sa'yo, tao pa rin ako at kaya ko ring magmahal ng katulad mo. Ano namang pakialam ko sa sasabihin ng iba? Wala akong pakialam kahit na ano pang tinatakbo ng isip nila basta ang nararamdaman ko para sa'yo ang pinakamahalaga."
Tinignan ko siya. "Alam ko, hindi dapat ako magpaapekto sa iba. Saka, kahit kailan hindi ko inisip na masama kang tao. Oo, minsan medyo naiinis at nagtatampo ako sa'yo pero alam kong isa kang mabuting tao."
Hinawakan ni Matthew ang kamay ko at tiningnan ako nang diretso. "Gusto kong magbago. Gusto ko nang iwan 'yung pagiging isip-bata 'ko , 'yung Matthew na walang pakialam sa iba at walang pakialam kahit makasakit pa 'ko. Gusto kong magbago para sa'yo at para makalimutan ko na ang mga nangyari noon. Ayokong ikulong ang sarili ko sa nakaraan."
"Matthew," saad ko, "Alam kong sa huli baka...hindi rin 'to magwork-out pero ayokong pagsisihan na masyado akong naging duwag kaya nawalan ako ng isang taong minamahal ko. Salamat, salamat dahil kahit pa napakachildish mo no'n, ngayon naman, nakikita ko ang isang matured at gentle na lalaki sa katauhan mo. Dahil doon, dahil sa'yo, unti-unting nawawala 'yung takot ko. Gusto kong subukan, wala namang masama, 'di ba?"
Gumuhit ang matipid na ngiti sa mga labi niya at napanatag ang kalooban ko. Hinigit niya ang kamay ko at niyakap ako nang mahigpit na siya ring ginantihan ko.
Dub dub...dub dub...dub dub...
Ngayon, rinig na rinig ko kung paano sabay na tumitibok nang malakas ang mga puso namin. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Oras na nga talaga siguro para palayain ko ang puso ko at hayaan 'tong magmahal ng kung sinumang tinitibok niya at iyon si Matthew. Ang pasaway na halimaw na lagi akong inaasar noon, matatawag ko na siyang boyfriend ko ngayon. Akin na si Matthew Chua. Akin lang...
//
[Waffles' POV]
"Oh my!" halos pabulong kong at pigil ang kilig na saad ko.
"Shh!" suway naman ni Trevor. Hindi kami pwedeng mag-ingay dahil baka mahalata kami nina ate at kuya sa loob na kanina pa kami nakikinig sa usapan nila.
Pero grabe lang, sila na! Hihihi. Sabi na eh, magiging sila rin in the end.
"Eehhh, kinikilig ako eh." bulong ko kay Trevor.
"Pigilan mo." sabi naman niya.
Nakarinig kami ng ingay sa loob kaya bigla kaming nataranta.
=========================================
Author's Note:
Akala niyo 'THE END' na? Nagkakamali kayo! HAHAHAHA! Nangungulit kasi si kuya Matthew, extend daw. Extend-extend eh may book 2 naman. Sus, if I know... HAHAHA. Anyway, sa SU muna ako magfofocus kaya ididelete ko ang iba kong stories. Sana ma-repost ko ang mga 'yon sa future. 'Yon lang. - Wapols ♥
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
