Chapter XXXIV

6.5K 114 28
                                        

XXXIV.


"Gusto na nga yata kita."

"Tapos?" tanong naman ni Matthew. Pagkatapos kong magtapat sa kanya, iyan lang ang sasabihin niya?!

Tumayo ako saka hinarap siya. "Anong tapos?"

Tinignan naman niya ako ng blangko. Mukhang wala siyang pakialam sa ginawa kong 'confession'. "Wala ka nang sasabihin?"

"Talaga bang iyan lang ang magiging reaksyon mo?" tanong ko pa.

"Anong bago do'n? Sanay na akong maraming babae ang nagkakagusto sa'kin kaya minsan naririndi na ako lalo na sa mga babaeng napakaarte pa kapag magsasabi ng nararamdaman nila. 'Yung iba, masyadong marami pang sinasabi kaya nababagot lang akong pakinggan."

Hay. Nakalimutan kong kay Matthew Chua pala ako nagtatapat. Ang isang halimaw na gaya niya malamang wala talagang pakialam sa kahit kaninong babae na may gusto sa kanya. Pero 'di bale na, basta nalabas ko na ang gusto kong sabihin. Ayos na sa'kin iyon. "Okay..." sabi ko na lang.

"At saka alam ko namang magkakagusto ka rin sa'kin," mayabang pang pahayag ni Matthew.

"Ewan ko sa'yo. Pfft." nauna na akong maglakad at sumunod naman si Matthew.

//


Monday.

Inaantok akong pumasok ng classroom. Puyat kasi ako kakareview para sa exams ngayong linggo. At dumagdag pa ang masinsinan kong pagrereview kay Matthew na wala namang ginawa kundi kumain at maglaro.

Umupo ako sa pwesto ko, nahihikab at inuunat ko pa ang mga braso ko. Natigilan lang ako nang mapansin kong nakatutok sa'kin ang mga mata ng mga kaklase ko. Nahiya ako bigla kaya umayos ako ng pagkakaupo pero hindi pa rin nawala ang titig nila sa'kin. Anong meron? Parang may ginawa akong kasalanan na ako lang ang hindi nakakaalam. Nilapitan ako ni Stacy, ang kaklase kong mayaman pero ubod ng maldita. Halos lumagpas na sa noo niya ang taas ng isa niyang kilay nang lapitan niya ako sa armchair ko.


"Hey ugly," tawag niya pero hindi ako sumagot o nagsalita, "Kayo na ba ni Matthew Chua?"

Pfft. Iyan lang naman pala ang itatanong niya pero kung tignan niya ako parang pumatay ako ng tao. "'Di naman porket halos araw-araw kaming magkasama eh may relasyon na kami."

"Don't lie!" sigaw niya sabay hampas ng dalawa niyang palad sa armdesk ko kaya bigla akong napasandal sa kinauupuan ko. Nagising nang tuluyan ang diwa ko sa ginawa ni Stacy. Balak niya yata akong patayin sa atake sa puso.

"H-Hindi a-ako nagsisinungaling," nauutal kong sagot.

"Really? Then what the heck is this?!" mataray niya pang sabi sabay pakita ng phone niya. Halos isupalpal na niya sa mukha ko ang hawak niyang phone kaya bahagya kong inatras ang ulo ko para makita ko iyon nang maayos at muntik pa akong malaglag sa upuan ko nang dahil sa nakita ko.

"A-Ano...Ano 'yan?!" hindi makapaniwala kong sabi.

"I should be the one asking. Pinatingin ko na rin 'to sa friend ko and he said that this isn't photoshopped. This only means that you and Matthew really kissed!"

"S-Sa'n naman galing 'yan?"

"That's not the issue here ugly!" bulyaw naman ni Stacy, "So what's the real score between you and Matthew Chua?"

Real score? Pfft. Eh wala nga! Gusto ko pang sabunutan ang sarili ko dahil sa sobrang inis. "Hindi ko alam ang sinasabi mo basta wala kaming relasyon ni Matthew."

//


Breaktime.

Tumambay muna ako sa likod ng Building C para takasan ang mga baliw na babaeng kanina pa nag-iinterrogate sa'kin. Sinabi ko namang wala pero pinagpipilitan pa rin na mayroon. Tss. Nakakaimbyerna na. Ni hindi ako makapunta ng cafeteria dahil nakaharang agad sila. Swerte pa nga ako dahil natakasan ko sila.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon