II.
" Gawa mo ko ng sandwich. "
" Gawa mo ko ng sandwich. "
Sandwich.
Sandwich.
Sandwich.
"A-Ano?" nauutal kong tanong kay Matthew. Parang hindi nag-proseso sa utak ko ang sinabi niya.
"Ang sabi ko, GAWAN MO AKO NG SANDWICH." pag-uulit nito habang komportableng naka-upo sa sofa.
"Sandwich. Sandwich?! " inis kong sabi, "Pinapunta mo 'ko dito nang nagmamadali para sa isang bwisit na sandwich?!"
"Oo. So go to the kitchen now and make me one."
Hindi naman ako kumilos. Nakatayo lang ako sa may harapan niya. Malalim at mabibigat ang paghinga ko. At tinitigan ko si Matthew nang masama, napakasama. 'Yung tipong mangangain na ako ng tao."A-Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ni Matthew. Halata namang kinabahan siya.
"Sandwich? Gusto mo ng sandwich?" tanong ko.
Tumayo naman siya at lumapit sa'kin.
"Yes, gusto ko ng sandwich kaya igawa mo na ako NGAYON NA," walang kurap-kurap nitong utos at tinapatan pa ang aking "deathly stare".
“ Hmp! Ayoko!"
*BLAG*
Sinipa ko siya sa maselang bahagi ng katawan niya. Kaya naman agad siyang napahawak doon at napabaluktot sa sakit. Napahiga pa siya sa sahig habang nakahawak pa rin sa maselang parte niya.
" Aray! Walanghiya kang panget ka!" inis nitong sabi. "Humanda ka lang talaga sa'kin kapag nawala 'yung sakit, uupakan talaga kita!"
“ HAHAHAHA. Sige lang, upakan mo kung kaya mo, sipa lang pala ang katapat mo eh," maangas kong sabi na nakapamewang pa, " HAHAHAHAHA. "
***
"Hahahaha--"
"Hoy panget," bigla naman akong nabalik sa realidad. Sayang, akala ko pa man totoo na, "Anong nangyari sa'yo? Pumunta ka na nga ng kusina at igawa mo ko ng sandwich."
Pfft.
Tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana papunta ng kusina.
"Oy teka," pahabol nito. Huminto lang ako sa paglakad pero hindi ko siya nilingon. Nakakabanas kasi ang mukha niya. "Siguraduhin mong walang lason ang ipapakain mo sa'kin ah."
Lason? Oo nga ano. Bakit 'di ko 'yun naisip dati pa?
Nilingon ko si Matthew at nginitian ko siya, ngiting aso kumbaga. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong masarap ang sandwich na gagawin ko para sa'yo."
"Dapat lang, kundi ipapalamon ko sa'yo 'yun nang buong-buo."
Hays. Bwisit talaga.
Lumakad na 'ko papuntang kusina. Sa kusina, naghanap ako ng mga ingredients na pwedeng gawing sandwich. Nang makumpleto ko na yun, nagsimula na akong gumawa ng sandwich. Kinuha ko ang table knife at mayonnaise at simulang palamanan ang tinapay.
" Pinagbakasyon ko sila. "
Teka, kung pinagbakasyon niya ang mga maids at butler nila at nasa business trip naman ang mama't papa niya for a week,ibig sabihin siya lang mag-isa dito nang isang linggo? At kung ganun, kami lang dalawa ang nandito habang tinututor ko siya?!
Hindi kaya...
***
"Ayoko nang mag-aral, napapagod na ako," padabog na sabi ni Matthew at tumayo na mula sa study table. Dumiretso siya sa dulo ng kama niya at naupo rito.
"Eh ano namang gagawin mo? Kailangan mong mag-aral.” sabi ko.
"Mamaya na. Pagod na ako. Kwentuhan na lang tayo, upo ka rito." aya naman niya at sinenyasan pa ako na maupo din sa dulo ng kama. Ang weird niya ah. Good mood yata siya ngayon?
Dahil pagod na rin naman ako kakatutor sa kanya na ni hindi ko alam kung talagang natututo siya o hindi, pumayag na rin ako. Tumayo na ako mula sa study table at umupo sa may kama niya at tinabihan siya. Aaminin ko, kinakabahan akong katabi ko si Matthew. Hanggang sa napalingon ako sa kanya at ganun din siya sa'kin. Nag-tama ang paningin naming dalawa pero agad din naming iniwas ang tingin naman sa isa't isa. Tapos...
Bigla na lang hinawakan ni Matthew ang mga balikat ko at itinulak niya ako pahiga sa kama.
"WAAAAHHH! ANO BA MATTHEW!"
"Shh! Huwag kang mag-alala, gusto ko lang maglaro. Saglit lang 'to," sabi niya sa isang nakapang-aakit na boses at unti-unti niyang iginapang ang kamay niya papunta sa butones ng blouse ko.
"WAAAAAAHHH!" itinulak ko siya nang buong lakas hanggang makawala ako. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto.
***
"AAHHH!"
"Oy, problema mo dyan?", tanong ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako at nakitang nakatayo si Matthew sa pinto ng kusina. Kanina pa kaya siya nandyan?
"A-Ahh.. W-Wala," sagot ko.
"Nasan na 'yung sandwich ko? Gutom na 'ko."
"Teka, hindi ko pa tapos eh." sabi ko naman. Ni hindi ko pa pala nailalagay ang palaman sa tinapay. Tss. Ang lawak naman kasi ng imahinasyon ko masyado. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.
“Iakyat mo na lang 'yan dun sa kwarto ko." utos nito at umalis na.
Itinuloy ko na ang paggawa ng sandwich. Nang matapos na ako, iniakyat ko 'yun sa kwarto ni Matthew. Hindi na ako kumatok at diretsong pumasok sa loob ng kwarto niya. Naroon si Matthew sa may terrace, nakatulala na parang may malalim na iniisip.Hindi ko muna siya inistorbo dahil naninibago ako sa nakikita kong Matthew ngayon. Pero matapos ang ilang saglit nang pagtitig ko sa kanya, nilapitan ko na siya.
"Huy, anong iniisip mo dyan Matthew?" tanong ko.
Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sa malayo, mukha siyang malungkot. Pero nang mapatingin siya sa'kin, biglang nagbago ang mukha niya. "Iniisip ko kung paano ka gaganda."
"A-Ano?"
"Iniisip ko kung may pag-asa ka pang gumanda pero habang iniisip ko 'yun, na-realize ko, wala na talaga," sagot nito at tumayo na at pumasok sa loob ng kwarto niya.
Walang pag-asa? Argh.
Sumunod naman ako sa kanya at iniabot ang sandwich. "O eto nang sandwich mo."
Kinuha naman niya 'yun at inilapag sa study table at umupo na siya.
Umupo rin ako sa may tabi niya.
"Bilisan mo nang ubusin 'yan at nang maturuan na kita at nang maaga rin akong makauwi," sabi ko.
Kumagat naman siya sa sandwich at napatingin sa'kin. "Umuwi?" tanong niya.
"Oo, para maaga akong makauwi ngayon tutal maaga mo naman akong pinapunta dito." sagot ko habang inilalabas mula sa bag ko ang libro na gagamitin namin.
Hindi na siya sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Habang ako naman, hinahanda ko na ang mga gamit namin para sa lesson namin ngayong araw. Since malapit na ang exams namin, dapat doble ang pagsisipag ko at ni Matthew para makapasa.
*****
Halos dalawang oras na akong nagtuturo dito pero kahit "oo" o imik man lang eh wala akong nakuha mula kay Matthew. Kapag tinatanong ko siya kung naintindihan niya ba 'yung tinuturo ko, tango lang ang sagot niya.
"O tapos na 'yung lesson natin ngayon." sabi ko.
Hindi naman umimik si Matthew. Nakasimangot lang siya at kita naman sa mga mata niya ang pagiging matamlay.
"Uhm.. Matthew, okay ka lang ba?" nag-alalang tanong ko.
Tumingin lang siya sa'kin nang saglit at tumayo na mula sa study table. Sinundan ko lang siya ng tingin. Dumiretso siya sa kama niya at humiga, kumuha pa siya ng unan at itinakip sa mukha niya.
Nakakapanibago naman si Matthew. Tahimik lang siya habang nag-aaral kami. Ano naman kayang problema niya? Usually kasi kapag nagtututor ako sa kanya, ganito ang nangyayari...
“So 'yung sagot ay 10." sabi ko matapos ma-explain 'yung solution. "Naintindihan mo ba?"
Nakasimangot lang siya at napa-cross arms. "Wala akong naintindihan ni isa. Ulitin mo "
Hanggang sa umabot ng ilang oras na paulit-ulit na lang ang tinuturo ko sa kanya pero hindi niya pa rin makuha. Ewan ko ba kung totoong hindi niya makuha ang solution o sadyang pinagti-tripan niya lang ako.
O hindi kaya ganito...
"Naintindihan mo na ba?" tanong ko kay Matthew.
“Oo, naintindihan ko na. Pwede na ba akong magpahinga ngayon?" sagot naman ni Matthew sa'kin na halatang tamad na tamad sa lesson.
"Pero wala pa nga tayo sa kalahati ng lesson eh," apela ko naman. Actually, introduction pa lang ang natuturo ko sa kanya.
"Tinatamad na 'ko eh," walang ganang sagot niyo sabay tayo mula sa study table. "PoPo, halika nga rito."
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Novela JuvenilMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...