SU Special: "SkyFe"

8.9K 136 12
                                        

 

SU Special: "SkyFe"


[Matthew's POV]


"Oyy," tawag ko kay panget pero dire-diretso lang siyang lumabas.


Pch. Skye, Skye. Mukha siyang Skye. Bakit naman sa lahat ng lalaki, do’n pa siya sa nakakairitang 'yon nagkagusto? At mukhang malakas pa ang tama niya do’n. Bwisit. Ilang araw pa lang siya dito, andami na niyang binibigay sa'king sakit ng ulo.


//

[Felicity's POV]


Umalis na ako ng rooftop at nakita ko naman si Skye na nakaupo sa may hagdanan at hinihintay ako, "Skye..."

Lumingon naman siya at tumayo, "Uhm.. Tara. Saan mo ba gustong kumain?"

"Ah... Ikaw, sa'n mo ba gusto?" nahihiya kong sabi. Kalma lang, Felicity. KALMAAA.

Napaisip naman si Skye, "Alam ko na."

"Huh?"


Kinuha naman niya ang kamay ko at hinatak ako papunta kung saan. Sabay kaming naglalakad at magkahawak pa ang kamay. Dahil halos lahat ng estudyante ay nasa cafeteria, wala namang nakakita sa'min. Pangalawang beses ko na palang nahawakan ang kamay ni Skye. WAAAA.
Nakarating naman kami sa likod ng Building C. Parang mini-forest ang itsura, mapuno pero may mga picnic tables at bench. Parang park na forest, ganoon ang itsura niya. Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito sa campus. Hindi siguro 'to masyadong pinupuntahan, walang ngang katao-tao ngayon dito maliban sa'min ni Skye. Naupo naman kami sa isang picnic table.


"Ayos ba?" tanong ni Skye pagkaupo namin.

Hindi ko naman maiwasang ilibot ang mga mata ko sa paligid. Nakakamangha kasi ang ganda at pagiging tahimik nito. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Skye, "Sobrang ganda dito. Paano mo naman nalamang may ganito dito sa likod ng building? Ako nga na matagal nang nag-aaral ditto, hindi ko alam na may ganito pala rito."

"Hmm.. wala naman. Naglibot-libot kasi ako dito nang nag-enroll ako tapos nakita ko na lang 'to," sagot niya.

"Parang nasa park lang tayo. Hehe," sambit ko.
"'Yon nga lang, tayo lang ang tao," sabi naman ni Skye.

"At least masosolo kita," pabulong kong sabi.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Skye.

"Ahh. Sabi ko atleast masosolo natin 'to. Hehehe," palusot ko.

Ngumiti naman siya, "Oo nga. Kain na tayo."


Tumango naman ako tsaka kinuha ang sandwich ko. Binuksan ko na 'yun at saka kumagat ako ng isa. Habang ngumunguya ako, bigla namang nagtanong si Skye.


"Gaano katagal na pala kayong magkakilala ni Matthew?"

Binilisan ko naman ang pagnguya at saka lumunok, "Mga ilang buwan na rin."

"Gano’n ba? Paano ka naman niya naging tutor?" sunod na tanong ni Skye.

"Ah.. Kasi naghahanap ang papa niyo no’n ng pwedeng mag-tutor kay Matthew, pasaway daw kasi siya masyado. Alam mo, andami ngang nag-volunteer eh, kahit wala na daw sweldo. Pero ewan ko ba, 'di ko alam kung paanong ako 'yong napili, tinry ko lang naman na mag-apply kasi kailangan ko ng trabaho para sa’min ng kapatid ko," kwento ko sabay kagat ulit sa sandwich.

"Siguro nahirapan ka no’ng una kay Matthew," sabi naman ni Skye. Ewan ko ba kung nandito kami para kumain o para interviewhin niya ‘ko. Teka... speaking of interview, si Skye kaya ang interview-hin ko? Papayag kaya siya? Hmmm...

"Hindi ka ba niya masyadong pinahirapan no’ng first day mo bilang tutor niya?" tanong ulit ni Skye.

"Uhm... 'Yung first day ko? Hindi naman. Hehe."


Iyon lang naman ang araw na pinahabol niya ako kay PoPo. Pfft. Tapos wala siyang ginawa kundi maglaro ng PSP niya habang nagtuturo ako ng lessons. Letse talaga ang araw na 'yon. 


"Ahh... oo nga pala, may itatanong sana ako," 'Yong tungkol sa interview ko. Pumayag kaya siya?

"Ano 'yon?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa'kin. Huwag kang ganyan Skye. Please lang~

"Ahh... Ano kasi.." Wait lang. Iipon lang ako ng lakas ng loob para tanungin ka Skye, "Uhm..."

"Ano 'yon? Sige itanong mo lang, Felicity," nakangiting sabi naman ni Skye.

O sige na nga, heto na, "Pwede ba kitang main-- "


"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
One less lonely girl (One less lonely girl)
There's gonna be one less lonely girl~


Tsk. Kainis na phone, biglang epal.
Kinuha ko naman ang phone sa bulsa ng palda ko at sinagot ang tawag.


"Hello?" bwisit kong sagot.

"Hello? Nasan ka? Kasama mo ba ang nakakainis kong kapatid?" si Matthew. Kung makapagsalit 'to, parang hindi niya kuya si Skye. Napatingin naman ako kay Skye. Nakangiti lang siya sa'kin, "Hoy panget!"

Bahagya akong yumuko tinakpan ko pa ang bibig ko habang nagsasalita para hindi marinig ni Skye ang mga sasabihin ko, "Oo narinig ko. Nandito ako sa Bikini Bottom kaya huwag mo na akong hanapin, okay? Kasama ko si Patrick, ‘wag kang mag-alala. Tsaka ka na tumawag, mahal underwater call, okay? Bye," sabi ko sabay in-end ang call. Pfft. Istorbo pa eh, matatanong ko na sana si Skye.

Umayos na ako ng upo tsaka binalik ang phone ko sa bulsa, "Hehe, may epal lang."

"Okay lang," sagot ni Skye at napatingin siya sa wristwatch niya, "1:35 na pala, siguro kailangan na nating bumalik sa mga room natin."


Huh? Pero hindi pa kita natatanong eh. Ayy...
Sabay kaming naglakad pabalik ng building namin. Tsk. Sayang ang pagkakataon kanina. Epal kasi si Matthew.


Nakarating na kami sa tapat ng classroom ko, "O dito na ako. Sige bye, salamat."

"Ako dapat magpasalamat. Salamat Felicity," sagot naman ni Skye.

"Hehe, wala 'yon."


Sakto namang napadaan ang grupo ni Mhira, ang certified mga bratinella at bullies ng T University. Nakakainsulto ang mga tingin nila tapos nag-halukipkip pa ng braso nang lumapit sa'kin.


"How sweeet~" asar nito pero halatang plastik lang siya sa pagsabi no’n.


Hindi ko naman sila sinagot kahit kating-kati akong banatan sila. Mahirap na, ayokong bisitahin ang dean's office.


Lumapit naman ang isang alipores ni Mhira at gumaya rin sa ginawa ni Mhira, "Oo nga, nakakainggit naman."

"Isang feelingerang panget at isang oh-so-handsome transferee. Napakaperfect naman. Perfect sa kaumayan. Hahaha," pang-insulto ni Mhira sabay tawa nang nakakaloka. Nakisabay pa ang kanyang mga alipores. Gusto ko na talagang awayin ang babaeng 'to. Konti na lang talaga.

Lumapit naman si Mhira kay Skye. "Skye, baby..."

Anong Skye baby?! Baby ka dyan? Gusto mong ibalik kita sa pinanggalingan mo?


"Ang gwapo mo tapos sa isang ambisyosang panget ka lang sumasama. Nakakasira lang sa image mo ang ganun. Ang dapat, sa mga gaya lang natin ikaw sumasama," dagdag pa ni Mhira.

Hays! Hindi ko na talaga 'to kakayanin pa, "Mhi--"

"Mhira Valderrama," usal naman bigla ni Skye sabay tingin nang diretso kay Mhira, "'Yon ang pangalan mo, 'di ba?"

Napahagikgik naman nang malandi si Mhira. Kinilig pa ang loka. Pfft, "Gano’n ba ako ka-popular sa campus kaya walang hindi nakakakilala sa'kin dito?"

"Sino nga namang hindi makakakilala sa'yo sa T University?" nakangising sabi ni Skye kaya lalong napangiti nang malandi si Mhira, "You're the school's number one bully and spoiled brat."


Bigla namang nangasim 'yung mukha ni Mhira. Hindi niya siguro inaasahang sasabihin iyon ni Skye. Buti nga sa kanya.


"So what?" maarteng sabi ni Mhira kahit halata naman sa mukha niyang nainis siya.

"Don't mess up with Felicity," sagot ni Skye.

"I will mess up with her whenever and wherever I want," inis namang sabi ni Mhira. Napansin ko namang pinagtitinginan na kami ng mangilan-ngilang estudyanteng napapadaan. Buti na lang at wala pa ang prof.

"Then I will never allow you to mess up with her again. And if you ever do it again..," tumingin naman si Skye sa mga alipores ni Mhira at binalik niya rin ang tingin niya ditto, "Then wala akong magagawa kundi pumatol sa babae."

Mas lalo pang nangasim ang mukha ni Mhira. "How dare you!"

"How dare you mess up with my friend," ganti naman ni Skye kay Mhira.


Hahahaha. Kung makikita niyo lang ang itsura ni Mhira, talagang nakakatawa. First time lang may nagtangkang sumagot-sagot sa kanya ng gano’n dahil halos lahat ay knatatakutan siya dahil sa pagiging bully niya.
Padabog namang nag-walk out si Mhira kasunod ang mga alipores niya. Inirapan pa nga ako bago umalis.


"Wait," pahabol naman ni Skye kay Mhira. Lumingon pa ang bruha. "Don't think that I would ever try to hang out with girls like you, magmumukha lang akong CHEAP."


At dahil dun, nangasim pa lalo ang mukha ni Mhira. Hahaha. Buti nga.


"Skye.," sambit ko. "Grabe 'yong ginawa mo."
"Dapat lang iyon sa kanya Felicity. 'Di ko matitiis na may nang-aaway sa'yo," sagot sa'kin ni Skye. Nakakatouch. Hehe.

"Kaso ang inaalala ko lang eh baka balikan ka ni Mhira. Alam mo namang number one bully 'yon, siguradong hindi 'yon papatalo nang ganoon na lang," nag-aalala ko namang sabi. Paano na lang kung awayin niya si Skye? Siguradong yari sa'kin ang Mhira na 'yan.

Bigla naman akong hinawakan ni Skye sa balikat. Waaaa. Baka mag-blush ako dito. Nakakahiyaaa. "Huwag mo na akong alalahanin. Basta kapag inaway ka niya, isumbong mo sa'kin, okay?"


Feelingerang panget nga yata talaga ako gaya ng sabi ni Mhira kanina. Bakit nararamdaman kong masyadong nag-aalala sa'kin si Skye? Ako lang ba 'to o talagang concern siya sa'kin?


"Felicity," tawag ni Skye. Pfft. Nawala na naman ako sa sarili. Masyado akong na-touch kay Skye.

"Ah..Oo sige. Uhmm... pasok na ako ah?" sabi ko. 


Inalis na niya ang kamay niya sa mga balikat ko. Pheww. Buti naman kundi baka sumabog na ako sa kilig.


"O sige, bye Felicity," nakangiting paalam ni Skye.

 "Bye bye," paalam ko naman sa kanya at kumaway pa ako bago ako tuluyang pumasok ng classroom. Buti na lang late ang prof. Hehe.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon