Chapter XIII

7.5K 129 17
                                    

XIII.


"’Y-‘Yong...’yong singsing," halos hindi ako makapagsalita. Parang nanghina ang buong katawan ko. Agad kong nilusot ang ulo ko sa bintana pero hindi ko naman makita kung saan banda nalaglag 'yong singsing. Malawak na bakanteng lote pa naman ang nasa likod bahay at bawal iyon pasukin. Pa’no na?!


Inalis ko ang ulo ko sa bintana at tumingin kay Matthew. Sa reaksyon niya, parang wala lang nangyari, patay malisya lang siya. Nakakainis! Nakakainis talaga siya!


"Nakakainis! Bakit mo nilaglag 'yong singsing ko?!" sabi ko na halos maiyak na sa nangyari.

"Nadulas sa kamay ko eh," parang balewala lang kay Matthew kung sabihin niya iyon.

"Hays!" 'Yan na lang ang nasabi ko kasi talagang naiiyak na 'ko. Gusto kong hampas-hampasin si Matthew ngayon pero 'di ko magawa, nakakainis!

"'Di naman siguro mawawala 'yon kung saan 'yon nalaglag."


Hay. Kung alam niya lang na bawal pasukin ang bakanteng lotengiyoun sa likod bahay. Paano ko na kukunin ang singsing ko nito? Kainis!

Tinignan ko naman nang masama si Matthew kahit ang totoo, sobrang gusto ko nang maiyak. Buti sana kung binili ko lang ang singsing na 'yon kung saan pero hindi eh. Bigay sa'kin iyon ni Skye.

Hindi naman makatingin sa'kin nang diretso si Matthew. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Mabilis akong lumabas ng bahay at dumiretso sa likod bahay at sa tapat ng bakanteng lote. At matataas na bakod ang humarang sa'kin. Ang tataas ng bakod kaya mahirap akyatin. Halos maiyak na talaga ako. Ang singsing ko!


"Panget," narinig kong tawag ni Matthew pero hindi ko siya pinansin. Letse siya! Nilaglag niya 'yong singsing ko. Ano na lang sasabihin ko kay Skye? Kakabigay niya lang no’n sa'kin tapos nawala ko agad. Kasalanan lahat ni Matthew Chua.

"Ano bang meron sa walang kwentang singsing na 'yon? Pwede namang bumili ka na lang ng bago. Panget naman ng singsing na 'yon," sabi pa ni Matthew. Sa tono ng boses niya, para talagang wala siya pakialam o 'di man lang siya nakokonsensya sa ginawa niya. Wala na talaga siyang pinagbago. Mas lalo lang akong naiinis sa kanya.

"Oyy panget. Huwag mo na ngang iyakan ang singsing na 'yon." dagdag pa ni Matthew. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. Naiiyak ako at naiinis ng sobra. "Oy panget."

Hinarap ko na si Matthew. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kanina pero 'di ko na kaya. "Panget,panget,panget!" inis kong sabi. Pilit kong tinitigasan ang boses ko at pinipigil ang luha ko. Nakita kong nabigla si Matthew pero agad din niyang inayos ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ano bang problema mo?" At talagang siya pa ang may ganang magtanong sa'kin niyan?

"Problema? Marami akong problema... at dinagdagan mo lang ang mga iyon dahil sa ginawa mo." naiinis kong sagot dito kahit sa kaloob-looban ko, kaunti na lang at bibigay na ang mga luha ko.

"Do’n sa singsing? Pch. Wala naman iyong kwenta," sabi ni Matthew. Walang bakas ng pagsisisi o pagka-guilty sa mukha niya, parang normal lang 'to sa kanya.

"Walang kwenta?" 'di makapaniwalang sambit ko.

"Oo, WALANG KWENTA." giit nito.

"Bakit? Kailan ba nagkaroon ng kwenta ang mga bagay para sa'yo?" sagot ko rito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Pabagsak na ang mga luha ko. Pansin ko rin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Matthew, "Tama naman ako, ‘di ba? Wala ka namang ibang pinapahalagahan kung hindi ang sarili mo. Puro na lang ikaw, puro na lang sarili mo. Lahat na lang ng bagay para sa'yo walang kwenta pwera lang sa sarili mo. Makasarili ka. Ang sama mo, nakakainis ka."

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon