Chapter XXVII

6K 87 14
                                        

XXVII.


"Tara na Felicity," tuluyan na akong hinila ni Skye palabas ng rooftop.


Bakit Matthew Chua? Bakit ka bumitaw? Wala ba talagang pag-asang magugustuhan mo 'ko?


Gusto ko iyong tanungin sa kanya pero alam ko naman na malabo ngang magustuhan niya ang isang gaya ko. At isa pa, 'di ko rin naman siya gusto. Pfft.

Pababa na kami ni Skye ng hagdan nang maramdaman kong may humila sa isa kong kamay kaya napatigil kaming dalawa. Paglingon ko ay nasorpresa ako nang makita ko si Matthew.


"Matthew, bitawan mo siya," utos ni Skye.

"Ayoko," sagot naman ni Matthew.


Hinila ako ni Skye pero mabilis din akong nahila ni Matthew. Para akong candy na pinag-aagawan nilang dalawa.


"Ikaw ang bumitaw sa kanya," matatalim ang tingin ni Matthew sa kuya nito.

"Hindi ko bibitawan si Felicity kaya bitawan mo na siya Matthew."

"Bitawan mo siya," giit ni Matthew.

"Bakit Matthew, gusto mo rin ba siya?" tanong naman ni Skye.

"Rin? Ha!" sagot ni Matthew kasabay ang isang sarkastikong tawa, "Talaga lang? Gusto mo 'tong panget na 'to? Ikaw?"

"Oo, gusto ko siya kaya bitawan mo na siya Matthew," tugon ni Skye.


Hay naku, naiipit na ako sa dalawang 'to. Ano na bang gagawin ko?


"Paano naman mangyayari 'yon?" ngisi pa ni Matthew.

Bago pa sila tuluyang magkagulo ay pumagitna na ako, "Teka, tama na."

"Felicity, umalis na tayo," aya ni Skye.

"Hindi," pagtutol agad ni Matthew, "Sasama sa'kin si panget."

"May pag-uusapan pa kaming dalawa," sagot ni Skye.

"Kami rin naman eh."

"T-Teka, tama na nga sabi," pamagitan ko.

"Panget, pagsabihan mo nga 'yan, 'di ba kailangan mo pa 'kong ihatid?" sabi ni Matthew.

"You're old enough to go home on your own," sabat naman ni Skye.

"It's her responsibility to take me home!" giit ni Matthew.

"Don't treat her as a slave."

Napupuno na talaga ako sa dalawang 'to. "Kung ayaw niyong tumigil, sige, alis na 'ko," sabi ko sabay banat ng alis.

"Dito ka lang!" sabay pa nilang sabi kaya nilingon ko ulit silang dalawa.

"Kung mag-aaway lang naman kayong magkapatid nang dahil sa'kin, uuwi na lang ako mag-isa," sabi ko sabay alis na.


Pagdating ko sa bahay ay agad akong napahiga sa sofa dahil sa pagod. Pagpikit ng mga mata ko ay biglang sumagi sa alaala ko ang ginawang pagyakap ni Matthew sa'kin kanina.


//

[Matthew's POV]


"Dang it!" singhal ko, "Tignan mo'ng ginawa mo. Uuwi tuloy akong mag-isa ngayon. Tss."

"Kung hindi mo kami pinigilan ni Felicity, nakapag-usap sana kaming dalawa ngayon," sagot naman ng mokong na si Skye.

"You don't have any right to just drag her away from me."

"At wala ka ring karapatang ituring siyang alipin. She's not your slave and she will never be."


Ha! Ako pa talaga ang sinabihan niya ng ganyan? Tch.


"Pwede ba? Don't act like you care too much about her," ngisi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" pagmamaang-maangan pa niya.

"Niloloko mo lang naman siya, 'di ba?" sagot ko.

"Hindi ko siya niloloko."

"Tss. Ewan ko sa'yo," nilayasan ko na ang mokong at mag-isa na lang akong nag-bus pauwi.


"Ano pa bang pag-uusapan natin?"

"Matthew, I'm sorry."

"Sorry? What for? The damage you caused me will never be fixed by your apology."

"Alam ko 'yon pero sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko," sabi pa niya saka hawak sa kamay ko pero agad ko rin iyong inalis.

"Dahil nandito ka na rin, mas maganda kung magsama na lang kayo ng mokong na 'yan tutal pareho lang naman kayo," sagot ko.

"Matthew," saway pa sa'kin ng magaling kong kuya.

Tinignan ko siya nang masama, "Bakit? May nasabi ba 'kong masama? Pareho lang naman kayong dalawa ng babaeng 'to, pareho kayong manloloko. Mga manloloko."


*PAK*


Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Sampal mula sa babaeng siya pang nanloko sa'kin two years ago.


Napahawak ako sa panga ko saka napangisi, "Pareho nga kayo ng magaling kong kapatid. Ngayon alam ko na na bagay nga kayo."

"I-I'm sorry Matthew," paumanhin pa ni Liberty, "I didn't mean to hurt you."

"You didn't mean to hurt me? Ha! But you still did."


Hindi man niya sinasadya ang ginawa niya kanina, nasaktan pa rin niya ako. Gano'n din ang ginawa niya sa'kin two years ago. Tss. Pareho lang sila ng Skye na 'yon. Mga manloloko sila. Hinding-hindi na ako magpapaloko pa sa kanila.


"Para po."


//

[Felicity's POV]


"Sisteret...sisteret," minulat ko ang mga mata ko at nakita si Trevor na nakatayo sa tabi at may hawak na payong.

Bumangon na ako mula sa sofa, "O bakit?"

"Do'n ka na sa kwarto mo saka magpalit ka na rin ng damit mo. Bibili lang akechiwa ng mantika dyan sa kanto para makapagluto na akech," sagot ni Trevor.

"Sige," tumayo na ako at akmang aakyat ng hagdan nang bigla kong marinig ang bulalas ng kapatid ko.

"Oh em gee!" bulalas ni Trevor kaya bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung ano bang nakita nitong nakakagulat pagbukas niya ng pintuan.

"Ano bang meron?" maang kong tanong sabay lapit sa kanya pero ako rin nagulat nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng pinto, "M-Matthew!"


Nakatayo siya sa tapat ng bahay. Basang basa at namumutla dahil sa lakas ng ulan. Nakauniform pa ito at nakasukbit sa balikat ang backpack niya.


Agad ko naman siyang nilapitan, "Ano bang ginagawa mo rito?"


Pero hindi niya ako sinagot at tinitigan lang niya 'ko.


"Hay, tara na nga at baka magkasakit ka pa. Tara na," inalalayan ko siya hanggang makapasok na kami ng bahay. Iniupo ko siya sa sofa at kinuha ang backpack niya at tinabi ko iyon. Inutusan ko si Trevor na kumuha ng tuwalya para kay Matthew.


"Matthew, ba't ka ba kasi nagpabasa sa ulan?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot.

"O itech na sister," abot sa'kin ni Trevor ng tuwalya at agad ko iyong binigay kay Matthew.

"Buti pa magluluto na akechiwa para kay bebe Matthew. Sige, bili muna akech sisteret, ha?" paalam ni Trevor. Tumango na lang ako.

Pag-alis ng kapatid ko ay sinubukan ko ulit kausapin si Matthew. Hindi niya pa rin ginagamit ang tuwalyang binigay ko. "Ayos ka lang ba Matthew? Nagugutom ka ba?"


Pero bigo pa rin akong makakuha ng sagot mula sa kanya. Tinitigan lang ako nito at napansin ko naman ang mga namumugto niyang mata. Umiyak ba siya? Umiyak siya nang dahil sa Liberty na 'yon? Pfft. Ano ba kasing meron sa babaeng 'yon at nagagawa pa niyang paiyakin si Matthew?


"Si Liberty...manloloko siya," parang batang sambit ni Matthew, "Niloko niya 'ko..."

"Tama na 'yan, kalimutan mo na siya. Buti pa, ikukuha na lang kita ng maiinom para mainitan ang katawan mo," patayo na ako sa sofa nang biglang hawakan ni Matthew ang kamay ko.

"Dito ka lang..."

Umupo ulit ako saka tinignan si Matthew, "Sige, dito lang ako."


//


"Sisteret, kayo na ba ni bebe Matthew?" tanong sa'kin ni Trevor habang naghuhugas kami ng mga plato. Nasa taas naman si Matthew at natutulog na, himala nga't hindi siya kumain. Nagpalit lang ito ng damit at saka natulog na agad.

"Hindi ah," sagot ko.

"Weh? Ba't ang sweet mo sa kanya?" sunod nitong tanong.

"Anong sweet do'n? Concerned lang naman ako eh," sabi ko.

"Concerned? Sus," asar pa ni Trevor.

"Ewan. Basta, nakakaawa lang kasi siya."

"Bet mo siya 'no?"

"Ha? Hindi ah!" pagtanggi ko.

"Okay fine. May papa Skye ka na nga pala." asar pa ng kapatid ko.

"Talaga," usal ko.


Pagkatapos naming maghugas ay dumiretso na ako sa kwarto ko para i-check si Matthew. Naabutan ko naman itong nakaupo sa tabi ng study table ko, yakap ang mga binti niya. Nilapitan ko naman siya at umupo sa tabi niya.


"Akala ko ba matutulog ka na," bungad ko.

"'Di pa 'ko inaantok," sagot nito.

"Tatawag ako sa inyo, sasabihin kong nandito ka para hindi na sila mag-alala," sabi ko pero agad akong pinigilan ni Matthew.

"Hayaan mo sila, wala naman silang pakialam sa'kin kahit hindi ako umuwi ng bahay."

"Ano bang sinasabi mo dyan? Syempre mag-aalala sila sa'yo," giit ko.

"Hindi mo sila kilala kaya nasasabi mo 'yan," sagot ni Matthew, "Kahit ano pang mangyari sa'kin, wala naman silang pakialam."

"Hindi totoo 'yan. Si Waffles, si ma'am Anastacia maging si Skye, lahat sila concerned sa'yo kaya huwag mong sabihin 'yan."

"Si Skye? Ang mokong na 'yon? Tch. Manloloko ang lalaking 'yon. Pareho lang sila ni Liberty." pagmamatigas ni Matthew.

"Bakit ba ang laki pa rin ng galit mo sa kanilang dalawa. Dalawang taon na ang nakalipas, 'di mo pa rin ba sila napapatawad? At isa pa, humihingi na sila sa'yo ng sorry."

Tinignan ako nang diretso ni Matthew, "Sorry? Akala mo ba gano'n kadali ang magpatawad? Akala ko mo ba gano'n lang kadaling makalimot? Anong silbi ng sorry nila kung buong pagkatao ko nasaktan nang dahil sa kanila?"

"Paano ka makakalimot kung hindi ka magpapatawad? At pa'no ka magpapatawad kung pilit mong sinasara 'yang puso't isip mo para sa kanila. Sa ginagawa mong 'to, hindi lang sila ang pinapahirapan mo Matthew, pati sarili mo pinapahirapan mo."

"Ano bang pakialam mo?!" singhal sa'kin ni Matthew, "Lagi mo namang kinakampihan ang mokong na 'yon. Edi magsama kayo! Lagi mo na lang pinagpipilitan ang sarili mo sa manlolokong 'yon."

"Ano bang sinasabi mong manloloko? Matthew, kuya mo siya at hindi siya manloloko," sagot ko. Pfft. Hindi naman niya kailangang siraan ang kapatid niya ng ganyan.

"Tss," singhal ulit niya, "Umalis ka na nga! Matutulog na 'ko!"

Pfft. At ako pa pinaalis niya dito sa kwarto ko? Nakuuuu, "Kwarto ko 'to."

"Alis na," pagtatabuyan pa ni Matthew, "Matutulog na 'ko."

"Ayoko."

"Tss," tumayo na siya at saka humiga sa kama ko. Tinakluban pa niya ng kumot ang ulo niya, "Alis na panget."


Wala na akong nagawa at lumabas na ako ng kwarto.


//

[Matthew's POV]


"Alis na panget," sabi ko at narinig ko naman ang pagsara ng pinto kaya malamang umalis na nga siya.


Tch. Ba't ba kasi ayaw niyang maniwala na niloloko lang siya ng Skye na 'yon? Bahala siya, masasaktan lang siya sa ginagawa niya.

Wala pa rin talagang pinagbago ang lalaking 'yon kaya bakit ko siya papatawarin? Ang isang manlolokong gaya niya ay 'di pinapatawad. Tch.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon