Chapter VI

10.3K 139 28
                                        

VI.


"Hindi mo ba ako tutulungan dito?" tanong ko kay Matthew. Nakatayo lang ito at nakasandal sa may ref at tinitignan lang ako habang nagluluto.

"Tinutulungan naman kita eh," sagot nito sabay nag-halukipkip ng mga braso.

"Talaga? Grabe, ramdam na ramdam ko ang pagtulong mo," pilosopo kong sabi.

"It's called "moral support", stupid. Bilisan mo na dyan, nagugutom na ako," inip nitong sabi.

"Kasalanan ko ba kung may alaga kang dragon dyan sa loob ng tyan mo? Bini-baby mo kasi masyado." asar ko.

"Dragon? Ano naman?" sabi nito. "Basta ba hindi mo kamukha, okay lang, nakakaumay kasi alagaan ang isang pet na kamukha mo."

"Pet." tumigil ako sa pagluluto at hinarap si Matthew, nakapamewang pa ako. "Mukha ba akong pet?"

"Oo, actually, mukha nga kayong mag-ate ni PoPo. Kaso ang malas lang niya kung sakaling ikaw ang ate niya," asar nito.

"Kakasabi mo lang na nakakaumay alagaan ang pet na kamukha ko tapos ngayon kamukha ko si PoPo, ang pinakamamahal mong aso."

"Ewan." singhal nito. "Dalian mo na dyan, gutom na ‘ko eh."


Dumiretso na siya sa may dining table at umupo. Ilang saglit pa natapos na akong magluto at inihain ko na ang masarap na special fried rice ko. Kita ko naman na takam na takam siya.


"Enjoy your meal, sir." sabi ko at kinuha ko na ang bag kong nakapatong sa upuan ng dining table.

"Oy, teka, samahan mo ako dito," pigil sa'kin ni Matthew.

"Seryoso ka? Huwag na, alam kong kahit bigyan kita ng isang baldeng fried rice eh kaya mo 'yong ubusin." Oo, napakatakaw ng nilalang na ito. Kulang na lang pati si PoPo, lamunin niya. Kawawang aso kung sakali.

“Bakit sinabi ko bang samahan mo akong kumain? Sabi ko samahan mo lang ako dito, nakakainip eh. Wala akong makausap," tugon nito. Hayy. Okay.

"Eh ginusto mo 'yan eh," sasabihin ko pa sanang "Magdusa ka!" kaso huwag na baka lalo lang mainis at ako na naman pag-initan. At baka mamaya kung ano pang ipagawa sa'kin.

"Tss. Samahan mo na nga ako." inis nitong sabi.


Dahil mabait ako, umupo ako sa upuang katabi nung kay Matthew. Medyo napagod din ako sa pagluluto. Hehe.


"O ayan. Ano namang pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko.

"Gusto mo si Skye?" agad naman niyang tanong sabay subo ng fried rice.

"Haaaa?!" gulat kong sabi. Nawindang naman ako sa tanong niya.


Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Ba't kasi ganito ang epekto sa'kin ni Skye? Bakit?! Ang kalandian hormones ko tuloy kumakalat na sa buong sistema ko. Ahihi.


"Tss. Ang obvious mo masyado," inis na sambit ni Matthew, "Hindi ka man lang mag-deny."


Eh? Anong problema nito ni Matthew? Bakit ko ide-deny eh totoo namang may crush ako kay Skye.


"Alam mo ang gulo mo," sabi ko naman sa kanya. "Bakit gusto mong itanggi ko na may gusto ako kay Skye?”

"So meron nga?" balik na tanong nito.


Oo meron nga kaso baka asarin ako nito kapag sinabi kong oo.


"’Wala ka nang paki do’n," sabi ko na lang.

"’Wag mo siyang gugustuhin. ‘Wag na ‘wag." bigla namang naging seryoso ang tono ng boses ni Matthew. Totoo ba 'to?

"A-At bakit naman hindi?" tanong ko.

"Basta." matipid nitong sagot. Basta? Anong ibig sabihin niya sa 'basta'?

"Pero paano nga kung may gusto ako sa kanya?" sunod kong tanong.


Tumigil sa pagkain si Matthew. Tinignan niya ako, mata sa mata. Ewan ko, ang weird tuloy ng pakiramdam ko. Basta nakatitig lang siya at hindi ko maiwasang tumitig din sa kanya. Ba't gano’n?


"Pakamatay ka na," sagot ni Matthew sabay tayo at kuha ng plato niya at alis ng kusina.

"H-Huy!" pigil ko sa kanya pero nakalabas na agad siya ng kusina.


Hala. Anong problema no’n? Daig pa niya may dalaw. O sadyang malaki lang talaga ang galit niya kay Skye? Hmp. Insekyur siguro 'yong mokong na 'yon sa kuya niya.
Tumayo na ako at lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa malawak na sala ng mansyon pero wala doon si Matthew. Malamang nando’n siya sa kwarto niya.


"Huy Matthew, alis na ‘ko, ha?!" sigaw ko. Malamang marinig niya 'yon. Tahimik lang kasi ang mansyon at napakalawak. Kapag sumigaw ka, mage-echo lang ang sinabi mo kaya malamang maririnig 'yun ng lahat ng nasa mansyon. Lumabas na ako.



//


*KRIIIIIIIIIIIIING!*


Tsk. Ano ba 'yan?! Ang ingaaaaay!
Nakapikit pa ang mga mata ko at yakap-yakap ko pa ang unan ko, kinapa-kapa ko ang sidetable hanggang sa mahawakan ko 'yong alarm clock. Madiin kong pinindot ang alarm clock gamit ang kamao ko para manahimik na iyon.

Wala naman kaming pasok ngayon pero bakit nagwawala ang lintik kong alarm clock?
May topak? Badtrip lang kay aga-aga pa.
Napagdesisyunan kong matulog ulit. Ibinaon ko ang mukha ko sa malambot kong unan.


*TOK!* *TOK!*


Lintik naman eh!


"O ANO BA 'YON?!" inis kong tanong.

"Sisteret! Bangon naaa!" sabi ni Trevor na nasa labas ng kwarto.


Letse. Wala ngang pasok, ba't ako babangon? "Walang pasok. Letse, layas!"

"’Di ba you said na gisingin kita. Shunga ka talaga sisteret. 'Yang forgetfulness mo na naman!"


Eh? Sinabi ko bang gisingin niya ako? Talaga? Kelaaaan?!


"Letse, hindi ko matandaan!" sigaw ko.

"Eh, ‘di ba may photoshoot achuchu si bebe Matthew today?"


Bigla naman akong napabangon nang wala sa oras. Letse. Oo nga pala!


*TOK!* *TOK!*


"Hoy sister!" sigaw ulit ni Trevor.

"Oo eto na nga!" sagot ko naman.

"O sige, nagluto na akechiwa ng breakfast ah?" paalala nito.


Tumayo na ako mula sa kama at tatamad-tamad na dumiretso ng banyo. Naligo ako tsaka nagbihis. Pagkatapos kong makapag-ayos, bumaba na ako para kumain, nando’n si Trevor nakaupo at halatang kanina pa naiinip.


"O, hinintay mo pa ‘ko?" tanong ko dito.

"Oo," matipid nitong sagot na mukhang nagtatampo.

"Ayee. Answeet naman ng kapatid ko," sabi ko dito.

"Hmp. Antagal mo kaya sisteret," inis nitong sabi.

"Sorry naman, buti pinaalala mo 'yong tungkol sa photoshoot ni Matthew. Salamaaat," sabi ko na may halong paglalambing sabay upo sa may harapan nito.

"You're so forgetful talaga sister! Sa susunod nga, igigibsung ko na sa'yo ang alarm clock ko, nagiging human alarm clock mo na akechiwa eh." tugon naman ni Trevor.

"Hehe, sorry na nga," sagot ko.


Pagkatapos kumain ng agahan, nagsepilyo muna ako saka umalis ng bahay.Mataspos ang humigit-kumulang isang oras, nakarating na ako kina Matthew. As usual, bukas ang pinto ng mansyon, kaya diretso lang ang pagpasok ko. Wala si Matthew sa sala pero nakita ko doon ang bag niya at ilang mga damit, pamalit yata. Nagdesisyon akong umakyat ng second floor.


♫♪♫♪

[ Now Playing: Maybe by Yiruma (Please play the video in the multimedia section. Thank you.) ]

♫ ♬♪♩♪


Saan naman nanggagaling ang magandang tugtog na 'yon? Ang ganda talaga.


Sumilip ako sa kwarto ni Matthew na nasa dulo ng kanang hallway pero wala din siya doon. Patuloy ko pa ring naririnig ang magandang tugtog ng piano at nasense ko na nanggagaling iyon sa may kaliwa ng hallway.
Napansin ko namang bahagyang nakauwang ang pinto at bukas ang ilaw ng kwarto na nasa dulo ng kaliwang hallway.


~ ♫♬♪♩♪

♫ ♬♪♩♪ ~


Lumakad ako patungo sa kwartong 'yon. Hindi ko pa naman alam kung anong nandun kasi 'di ko pa 'yun napapasok ni minsan.
Sumilip naman ako sa pinto.
Nakita kong may isang baby grand piano at lalaking tumutugtog nito. At ang mas nakakagulat pa, si Matthew 'yung lalaking tumutugtog.


(O_______O)


Kinusot ko pa ang mata ko para kumpirmahin kung si Matthew ba talaga ang lalaking nakikita kong tumutugtog ng piano at totoo nga. Siya ang tumutugtog ng piano kung saan nagmumula ang napakagandang musika na kanina ko pa naririnig. Napatitig na lang tuloy ako sa kanya habang nagpi-piano siya. Kung titignan, para siyang isang propesyonal na pianist. Ang galing. Hindi ko inakala na ang isang hot-headed, bully, suplado, maldito, childish at pasaway na halimaw ay kayang lumikha ng ganito kagandang musika. Pati tuloy mga naiisip ko kumu-corny dahil sa tugtog ni Matthew. Basta ang masasabi ko lang...


Ang galing niya.


~ ♫♬♪♩♪

♫ ♬♪♩♪ ~


Ang ganda... sobrang ganda talaga.
Panandalian ko tuloy nakalimutan ang lahat ng inis ko sa nilalang na tumutugtog.
Panandalian kong nakalimutan na si Matthew Chua ang pinaka-pasaway na taong nakilala ko.
Dahil ang nakikita ko lang sa ngayon, ay isang lalaking lumilikha ng napakagandang musika at kita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa ginagawa niya.


~ ♫♬♪♩♪

♫ ♬♪♩♪ ~


Natapos na ang tugtog. Nakatitig lang ako kay Matthew habang siya naman, nakatitig sa ivory keys ng piano.
Malungkot ang mga mata niya. Para tuloy naaawa ako sa kanya ngayon. Pero... dapat nga ba akong maawa sa kanya?

Inalis ko na ang pagkakasilip ko sa kwarto. Bumaba na ako sa may sala. Umupo ako ng sofa at doon ko na lang hinintay si Matthew. After 10 minutes, bumaba na siya. Ayun, suot na naman ang kanya "supladong tingin".


"Kanina ka pa dito?" tanong niya.
"Uhm.. Hindi masyado," sagot ko. Nanliit naman ang mga mata niya sa isinagot ko. Mukhang hindi pa naniniwala sa'kin ang mokong na 'to. "Ano?"

"Wala, tara na," sabi nito. "Bitbitin mo na mga gamit ko."


Hayy. Eto na, magta-transform na ako bilang dakilang alalay ni Matthew Chua.
Isinukbit ko sa balikat ko ang bag ni Matthew. Tsk. Bigat. Hawak naman ng isang kamay ko ang mga damit niya. Lumabas na kami ng mansyon at village at dumiretso ng bus stop. Kainis, sumabay pa ang init ng panahon. Letse.
Mga 15 minutes na pero wala pa ring nadaan na airconed bus na papunta doon sa venue ng photoshoot ni Matthew.


"Matthew, walang dumadaan na airconed bus o," sabi ko.

Tinignan naman niya ako, "Anong gagawin ko?"

"Taxi na lang tayo, mayaman ka naman eh."

"Ayoko," agad nitong sagot.

"Eh? Malelate ka na o. Edi mag-ordinary bus na lang tayo," suhestiyon ko.

Saglit munang nag-isip si Matthew. "Ok."


Hayy salamat. Akala ko aabutin pa kami ng siyam-siyam dito.
‘Di nagtagal ay nakasakay na din kami ng bus. Maraming pasahero kaya halos puno na ang mga upuan. Pero buti na lang may bakante sa may bandang gitna kaya doon kami naupo ni Matthew, ako ang umupo sa tabi ng bintana.


"Ayaw mo dito sa tabi ng bintana?" tanong ko.

"Hindi na. Puro usok ang maaamoy ko."

"Hmp. Bahala ka." sabi ko.


Tahimik naman ang naging byahe kaso bigla na lang akong kinalabit ni Matthew.


"O, problema mo?" tanong ko dito pagkalingon ko.

"Naiilang ako ditto," sagot naman ni Matthew.

"Ha? Bakit?" tanong ko ulit.

"Kanina pa ako pinagtitinginan dito. Naiilang ako," napatingin naman ako sa ibang pasahero. Lahat ng mga mata nila, kay Matthew naka-pokus. Palibhasa, commercial model ang mokong kaya sikat.

"'Yaan mo na. Sikat ka kasi."


Tumahimik naman si Matthew sa sinabi ko. Mga after ten minutes, may sumakay na matandang babae sa bus. Kaso puno na 'yung mga upuan kaya wala nang maupuan si lola. Kinalabit ko naman si Matthew.


"Huy Matthew," tawag ko dito.


"Ano?" iritado nitong tanong.

"Paupuin mo 'yong matanda, kawawa naman." sagot ko.

"Tapos ako ang tatayo? Ayoko nga. Baka malaglag ako dito sa bus," masungit niyang sabi.

"Eh lalaki ka naman, sige na," pagpupumilit ko pa.

"Ba't 'di ikaw gumawa?" sagot naman sa'kin ni Matthew. Mokong na 'to. Hindi yata uso sa kanya ang salitang 'gentleman'.

"Hala. Paka-gentleman ka naman kahit minsan."

"Hindi ako plastik. Kung gusto mong tulungan 'yang matanda edi tulungan mo, dinadamay mo pa ako." Tss.

"Hmp. O edi ikaw maghawak nito," sambit ko sabay bigay sa kanya ng bag niya at mga damit. Tumayo ako mula sa upuan ko at dumiretso dun kay lola na nakatayo hindi kalayuan sa may upuan namin. Mahigpit akong nakahawak sa bakal sa likod ng upuan ng bus.


"Lola, dun na po kayo umupo," alok ko sa matanda at itinuro ko ang upuan ko.

"Salamat hija," tugon naman ni lola. Tumabi naman sa may bintana si Matthew at naupo si lola sa tabi niya.


Mahigpit lang akong nakahawak sa bakal. Hindi rin kasi ako sanay nang nakatayo sa bus. Baka dumiretso na lang ako sa tabi ng driver kapag hindi ako nakakapit nang maigi.
Buti na lang at naging okay naman ang byahe. Medyo nanginginig na ang tuhod ko kakatayo dito, hindi talaga ako sanay, dumagdag pa na ako lang ang nakatayo sa bus samantalang ang ibang pasahero ay hayahay na hayahay sa upo nila.


"Manong, para p," sambit ko. Tapos pumreno na ang bus kaya bumitaw na ako sa may hawakan.


Kaso bigla na lang umandar ang bus nang hindi ako nakahawak. Naku naman! Napapikit na lang ako ng mata nang maramdaman ko na nawalan ako ng balanse. Nung inaasahan ko nang malalaglag ako o di kaya gugulong, naramdaman kong may mga kamay na humawak sa may bewang ko.


"Manong, para po!" sigaw ng pamilyar na boses. Obviously, kay Matthew 'yon. Pagkadilat ko ng mga mata ko, nakita kong nakaalalay ang kamay at braso niya sa likod ko. Napatitig naman ako sa kanya pero binigyan niya lang ako ng masamang tingin.


 Pumreno na ang bus at bumaba kami. Ibinigay sa'kin ni Matthew ang bag at damit niya at nauna nang naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya. "Huy Matthew!"




She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon