XXX.
[Waffles' POV]
"So it's true?" tanong ko kay kuya. Napayuko na lang si kuya at bahagyang tumango. Gusto kong mainis kay kuya ng sandaling iyon, "Kuya, how can you do that? Akala ko hindi na ikaw ang playboy kong kuya but you proved me wrong. Nagsinungaling ka kay ate Felicity, you fooled her."
Iniangat ni kuya Skye ang ulo niya at sinubukan akong lapitan. "Waffles, let me-"
"No," putol ko, "How can you be so cruel kuya?"
"Hindi ko sinasadya," sagot niya.
Hindi sinasadya? Gusto ko mang humanap ng paraan para kampihan si kuya pero wala talaga eh. Nasa kanya ang mali, siya ang may kasalanan. Siya ang nanloko. "Umamin ka kay ate Felicity. Tell her the truth, she needs to know everything."
"Hindi!" sagot agad ni kuya na siyang nagpatigil sa'kin, "She doesn't need to know about that."
"Why not?" Hindi ko alam na napaka-irrational din pala ni kuya Skye. "How can you be so cruel kuya?"
"Tell her the truth, para ano?" napagtaasan na ako ng boses ni kuya. That was a first, "Para masaktan siya? Hindi, ayoko."
//
[Felicity's POV]
Saktong pagkatapos kong makapaghugas ng mga pinagkainan ay bumalik na sina Waffles at Skye. Pansin ko ang malungkot na mukha ni Skye pero nabaling ang atensyon ko kay Waffles nang lapitan ako nito.
"Ate Felicity, punta tayo ng mall," aya nito.
"Ha?"
"Sige na, samahan o 'ko. Wala pa kasi akong ibang kilala rito maliban sa relatives namin kaya wala akong kasama kapag namamasyal ako. Kaya sige na, please..," paglalambing pa niya.
Tumingin ako kay Skye at nakangiting tumango lang siya kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Waffles, "Pero hindi pa 'ko nakakapagpalit ng damit. Kailangan ko munang umuwi."
"No need ate. May ilan akong damit sa taas, 'yon na lang ang gamitin mo," nakangiting sabi ni Waffles.
//
[Matthew's POV]
"What's with the face?" puna ng kasamahan kong model habang nagpapahinga kami sa set.
"Wala. Tss," nabubwisit kong sagot.
"Where's your maid? I haven't seen her yet."
Lalo namang nag-init ang ulo ko. Peste naman 'to, ba't ba 'ko kinukulit ng babaeng 'to? Psh, "She's not my maid."
"If that's the case, ano mo siya?" sunod nitong tanong.
Ano ko si Felicity?
Tutor. Tutor lang.
"Oo, alam kong tutor mo nga lang ako pero kahit na kinaiinisan kita ng sobra at kahit na madalas mo akong inaaway at inaasar, tinuturing pa rin kitang kaibigan."
"Kaibigan ko si Felicity kaya huwag mo siyang tawaging maid. Psh, makaalis na nga."
//
[Felicity's POV]
Nakakailang namang maglakad dahil dito sa bestidang ipinahiram sa'kni ni Waffles. Pakiramdam ko masyado 'tong maikli para sa'kin. Nahihiya tuloy ako habang naglalakad kaming dalawa ni Waffles sa mall. Nagpaiwan kasi si Skye sa bahay niya para na rin tuluyan na siyang gumaling. Tuwang-tuwa nga si Waffles at sabi pa niya, matagal na niyang gustong magkaroon ng ate. Ate na makakasama sa pamamasyal at pagsha-shopping saka mahihingian niya ng mga payo sa mga bagay.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Novela JuvenilMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
