X.
UST Campus.
Grabe. Ang laki pala ng campus nila dito. Ang lawak-lawak. Dito kami sa open field ng campus nagpo-photoshoot. Nakailang kuha na rin ng litrato kay Matthew. Tirik ang araw kaya mainit at kitang-kita ko kung gaano kalawak ang open field nila dito. Tumulong na rin ako sa mga coordinators para mas mapadali ang photoshoot tutal wala rin akong magawa rito. Ako ang taga-abot ng mga gamit na kailangan ng coordinators.Matapos ang mahigit isang oras ay pinag-break muna ang lahat. Napansin kong may mangilan-ngilang estudyante ang nasa paligid at nanonood sa photoshoot. Halata namang si Matthew ang pinunta ng mga babaeng estudyanteng iyon dito. Agad namang umalis ng set si Matthew at lumakad kung saan.
//[Matthew's POV]
Bwisit. Kanina pa ako paikot-ikot dito. Nasan ba ang pesteng canteen nila dito? Ang hirap namang hanapin. Kanina pa ako palakad-lakad sa hallway nila at sinusundan pa ako ng mangilan-ngilang babae dito. Ayokong magtanong sa mga nakakairitang 'yon, naririndi ako.Hindi ko na alam kung anong parte ng university 'tong nilalakaran ko, ngayon pa lang ako nakarating dito.
"Bai mu! Bai mu! Tch." (Note: Bai mu means 'Stupid' in Chinese.)
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan na ako nakarating. Nakakita naman ako ng isang taong grasa na biglang sumulpot kung saan. Ibang klase din 'tong eskwelahang 'to, basta na lang nagpapapasok ng mga taong grasa. Matanong na nga lang 'to. Nilapitan ko naman ang taong grasa at tinapik ko kaso bigla na lang nitong pinilipit ang braso ko. Bwisit 'to ah!
"Hey! Bitawan mo ang kamay ko, ano ba!" sigaw ko rito.
Tinignan naman ako nito at agad na binitawan ang braso ko. Tch, ansakit no’n ah. Nadumihan pa ‘tong braso ko. Lintik naman.
"Hehehehe. Sorry po ah. Hindi ko po alam eh. Ba't ka po kasi nanghahawak ng kamay bigla? Hehe," nangingiti pang sabi ng taong grasa. Mabuti naman at marunong siyang mag-sorry."Wala akong mapagtanungan. Ang kukulit ng mga babae sa school niyo. Saan ba canteen niyo? Nagugutom ‘ko eh," tanong ko rito. Sana naman alam nito kung sa’n, gutom na talaga ako.
Bigla namang sumulpot si panget at tumakbo palapit sa'min, "Matthew! Hays. Hinahanap ka na ni direk ah! Saan ka ba nagpupupunta? Pinapahirapan mo na naman ako."
"Nagugutom ako, panget. Hindi ko na kasalanan na ang kupad mong kumilos," sagot ko.
Napatingin naman siya sa taong grasang kasama ko.
"Uhm..ano po..doon po sa..," pabitin pa nitong sabi. Binibitin pa eh, kumakalam na tyan ko rito."Samahan mo kami," hindi na ako nakatiis kaya kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya para ituro sa'kin kung nasaan ang bwisit na canteen nila dito. Kasabay naman namin si panget.
"Ay oo nga pala, ako si Felicity," pagpapakilala naman ni panget sa taong grasa at nakipagkamay pa siya rito. Nagkukwentuhan naman silang dalawa habang naglalakad kami papuntang canteen. Lahat na yata ng alam ni panget tungkol sa'kin, isiniwalat niya rito.
"Ay ate! Kuya! Kasi po, uhm, kasalukuyan po akong may challenge ngayon. May time limit po kasi eh. Pwede po bang pakibilisan natin ngayon?" narinig kong sabi ng taong grasa kay panget. Kaya siguro ganito ang itsura niya.
"Naku Matthew! Nakakahiya ka talaga. May laro pa 'tong bata pala," sabi naman sa'kin ni panget. Ako pa nakakahiya, siya nga nagpakaladkad at kusang sumama. Tch.

BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Fiksi RemajaMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...