Chapter VIII

8.4K 121 11
                                        

VIII.


[Matthew's POV]


"Alam mo namiss talaga kita Matty!" parang batang sabi ulit ni Bullet. Pang-sampung beses na niya yatang sinasabing namiss niya ako. Pch. Nakakarindi.

"Oo na, alam ko na 'yon," bwisit kong sabi. Nakarating na kami sa classroom ko. Tinginan naman sa'min sina Redd at iba ko pang kaklase na nakatambay sa labas ng room.

"Bye bye Matty!" paalam ni Bullet sabay alis.

"Hay... buti naman," sabi ko nang makalayo na siya. Tch. Wala pa rin siyang pinagbago. Kilos at isip bata pa rin. Kung sinasabihan nila akong childish, mas malala naman ang isang ‘yon.

"Uy Matthew," bungad sa'kin ni Redd sabay lapit, "Sino 'yong kasama mo? Answeet niyo, may palingkis-lingkis pa ng braso. Hahaha!"

"Wala ka na do’n." sagot ko sabay pasok ng classroom.

"Nasan na ang dakilang tagapaghatid mo?" pahabol ni Redd pero hindi ko na pinansin.


Umupo na ako sa pwesto ko. Wala pa ang nakakairita kong kapatid. Kasalanan niya 'to kaya nandito si Bullet. Bwisit.


//
[Bullet's POV]


"Bye Matty!" paalam ko at umalis na 'ko. Ayoko na ring mag-stay pa do’n dahil nakakailang ang mga tingin ng classmates ni Matty.


Nakakailang steps pa lang ako pababa ng hagdan, nakasalubong ko si kuya Skye na paakyat naman.


"Hi kuya!" masaya kong bati sa kanya. Nag-widen naman ang eyes niya nang makita niya 'ko. Ang galing ko talaga pagdating sa mga surprises. Hihi.

"Bullet? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya Skye na parang hindi pa yata masaya na makita ako.

Nilapitan ko naman siya at nginitian, "Dito na ako mag-aaral."

"What?!" gulat na sabi ni kuya Skye. 'Di ko alam na ganito magiging reaction niya kapag nag-meet kami dito sa school. Bakit ba kasi ayaw niya akong mag-aral dito sa T University? Hmp.

"Umuwi ka na Bullet," sabi naman ni kuya Skye.

"No! I'm going to study here, kuya," apela ko. "Whether you like it or not."

Napabuntung hininga na lang si kuya Skye, "Si Matthew..."

"Nagkita na kami kuya. Gosh, he's still the same Mister Cold-hearted creature," sagot ko naman.

"Galit ba siya?" Mad? Why? Don't tell me ayaw na niya akong makita? Napaka-cold talaga ni Matty kahit kailan! Hmp.

"No," sagot ko.

"Alright. Saan nga pala ang classroom mo?" tanong ni kuya Skye.

"Doon sa Building A." sabi ko nang bigla kong maalala na malapit nang mag-start ang first class ko. "I need to go kuya. See you. Bye!"


Kiniss ko sa cheek si kuya Skye at lumakad na ako papunta ng classroom ko. Ayoko namang ma-late sa first day ko. Hihi.


//

[ Felicity's POV ]


"Okay class, para sa inyong project this semester, gusto kong mamili kayo ng isang taong malapit sa inyo," panimula ng prof.



Malapit sa'kin? Wala nga akong friends dito sa campus. Uhm... pwera na lang kung tinuturing akong kaibigan ni Skye. Hehe.
Siguro kung may isang tao na napakalapit sa’kin, wala ‘yong iba kung hindi ang beki kong kapatid na si Trevor.


"Except your parents or siblings or any other relatives. It could be your friend, your best friend, schoolmate. Well, pwede rin naman ang taong tinuturing niyong enemy."


Gano’n?
Friends? Sabi ko nga, ZERO ako dyan. Best friend? Friends nga wala best friend pa. Schoolmate? Wala akong maisip. Enemy? Lahat sila tinuturing akong enemy, ewan ko ba sa kanila. Inggit na inggit yata sila sa angkin kong natural na KAPANGITAN

"Ang taong lagi niyong nakakasama. And I want you to interview that person - anything you want to know about him or her. About his family, his hobbies, his lovelife, ANYTHING. Minimum of one hundred questions, understand?"


Eh? 100 questions? Seryoso prof? Ano 'to slambook ang peg?


"I'll be giving each of you one notebook. Dito niyo isusulat ang question and answer niyo ng ininterview niyo. Sa first page, gusto kong ilagay niyo ang pangalan niyo at pangalan ng ininterview niyo with both of your signatures, okay?" dagdag pa ni prof.

May bigla namang nagtaas ng kamay. "Prof, kelan po ang deadline?"

"Three weeks from now. So that means, you have almost a month to do that project," sagot ni prof.


*****


**KRIIIIIIING**


Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko sa balikat. Ako ang huling lumabas ng classroom.


"Sino kayang pwede kong ma-interview?" iyan ang naiisip ko habang papunta ng cafeteria.


Nang makarating ako ng cafeteria, dumiretso ako ng counter para bumili. "Dalawang chicken sandwich po saka dalawang C2."

"Felicity!" narinig kong may tumawag sa'kin.


Lumingon naman ako at nakita kong nakaupo si Skye hindi kalayuan sa’kin. Kumaway pa siya at ngumiti. Nginitian ko rin siya. Ayiee. Kalma, Felicity. Hihi.


"O eto na," sabi ng tindera at inabot na sa'kin 'yung sandwiches at C2 saka inabot ko na rin ang bayad ko.

Lumingon ulit ako kay Skye. Nakatingin pa rin siya sa'kin at nakangiti. Ngumiti ulit ako dahil hindi ko naman siya makawayan dahil sa mga hawak ko at lumabas na ako ng cafeteria. Naglalakad ako sa hallway nang bigla na namang may tumawag sa'kin, "Felicity!"

Pagkalingon ko, nakita ko si Skye na may bitbit ding pagkain at agad siyang lumapit sa'kin, "O Skye."

"Uhm... Saan ka kakain? Tsaka bakit tig-dalawa 'yang pagkain mo?" tanong nito.

"Ahh... Eto ba? Hahatid ko 'tong isang sandwich at C2 kay Matthew," sagot ko.

"Matthew? Matthew na naman?" sabi pa nito.

"Oo, ayaw niya kasing kumakain sa cafeteria kasi masyado daw maraming tao kaya hinahatiran ko siya ng pagkain sa rooftop," tugon ko.

"Sabihin mo nga sa'kin, pinapahirapan ka ba ng kapatid ko?" naging seryoso naman 'yung mukha ni Skye sa tinanong niya.


WAAAAAA. Oo Skye, pinapahirapan niya nga ako.


"Huh? Ahh..," mautal-utal kong sabi.

"Sige na sabihin mo sa'kin, okay lang 'yon, Felicity. Pinapahirapan ka ba ni Matthew?" tanong ulit ni Skye.


Oo Skye, sobraaaa. Huhu.


"H-Hindi naman. Hehe," pagsisinungaling ko. Mahirap na kapag sinabi ko ang totoo, baka mawalan ako ng trabaho. Ayoko nga 'no. Tsaka matitiis ko pa naman ang mga pagpapahirap ni Matthew at nasanay na rin ako sa ugali niya.

"Sigurado ka ba?" nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mata ni Skye. Hayy, ‘wag ka ngang masyadong sweet, Skye. Hihi.

"O-Oo Skye," sagot ko na halos 'di makatingin sa mga mata niya. Baka kasi matunaw ako kapag tinitigan ko siya.

"Basta kapag pinahirapan ka ni Matthew, sabihin mo lang sa'kin," sabi pa ni Skye. Pakiramdam ko tuloy, walang sinuman ang makakapanakit sa'kin dahil sa sinabi niya.

"Oo, sige." tugon ko.


Sabay kaming naglakad ni Skye papunta ng Building B. Sabi niya sabay na daw kaming kumain pagkatapos kong ihatid 'tong pagkain ni Matthew. Hindi naman na ako tumanggi. Syempre, crush ko kaya siya. Hehe.

Dumiretso ako sa rooftop habang si Skye naman ay hinintay ako sa may hagdan. Pagkarating ko ng rooftop, nakaupo si Matthew sa bench, as usual. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang pagkain niya.


"Panget, tumawag kanina si manager," sabi ni Matthew sabay bukas ng C2 at inom.

"Anong sabi?" curious kong tanong.

"Sa Wednesday daw 'yong shooting. Doon sa UST," sagot ni Matthew. Wow UST. Buti na lang wala kaming klase tuwing Wednesday.

"O sige." sabi ko, "Alis na ako, ha?"

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Matthew.

"Inaya kasi ako ni Skye, sabay na daw kami kumain," nakangiting sagot ko.

"Pumayag ka naman agad. Tch," singhal ni Matthew. Problema nito? Narinig lang pangalan ng kuya niya, nag-iinit agad ang dugo. 

"Bakit ba? Ngayon na nga lang may mag-aaya sa'king makisabay kumain eh," katwiran ko naman.

"Oo nga naman," sabi ni Matthew sabay tingin sa'kin, "Tapos crush mo pa nag-aya sa'yo, ba't ka nga naman tatanggi? Pch."

"Ewan ko sa'yo." sabi ko sabay alis.

 "O-Oyy!"

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon