Chapter V

9.9K 155 9
                                        

V.


[ Matthew's POV ]


Bwisit. Bakit kailangan pang bumalik ng lintik na Skye na 'yun? Nag-enroll siya dun dahil gusto niya? Sinong niloko niya? Gusto niya lang ako asarin lalo. Ano pa bang gusto niyang patunayan? Gusto niyang ipamukha sa'kin na nasa kanya na ang lahat. Nasa kanya na lahat pati ang mga gusto ko na hinding-hindi ko makuha.



"Kasama kong umuwi sina Liberty," sabi ni Skye.

"Ano?" napalingon ako nang marinig ko ang pangalang binanggit niya.

“Gusto niyang sumama kaya wala na akong nagawa," pa-inosente pang sabi nito.

"Siguro tuwang-tuwa ka dahil magkasama kayo hanggang dito."

"Matthew, ano bang sinasabi mo dyan?" tanong pa nito.

"Huwag mo sabihing dito din siya mag-aaral? Talaga bang gusto niyong pinapahirapan ako?"

“Hindi totoo 'yan. Ayaw na niya ng buhay sa China kaya sumama siya papunta dito. Alam mo naman kung anong klaseng buhay meron siya dun Matthew." paliwanag pa niya.

"Wala na akong pakialam do’n."



Kinuha ko ang unan ko at itinakip sa mukha ko. Pero hindi pa rin mawala sa utak ko ang lintik na sinabi ng kapatid ko. Mas gugustuhin ko pa kung puro mga walang kakuwenta-kuwentang mga numero at mga tinuturo ng panget kong tutor ang tumatatak sa isip ko kaysa ang nakaraan naming tatlo. Mas masaklap pa 'yon. Mas masakit.
Sa inis ko, binato ko 'yung unan ko at 'yung iba pang unan na nasa kama ko. Napatitig na lang ako sa kisame.


" Liberty! " sigaw ko. Napalingon naman sa’kin si Liberty at nginitian ako. Agad ko siyang nilapitan.

 

"Matthew, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Liberty at pinagmasdan pa ako mula ulo hanggang paa. At bakit nakasuot ka ng uniform naming? Haaa~ Wag mo sabihing dito ka magta-transfer?"

Ngumiti ako nang malapad bago sumagot. "Dito nga."

“Bakit 'di mo sinabi sa'kin? Nakakainis ka. Balak mo talaga sigurong sorpresahin ako ano?"

"Hehe. Hindi naman," napahawak pa sa ako may batok. "Ano palang section mo?"

"3-A."

"Talaga? P-Parehas pala tayo kung ganun, edi kaklase kita," mas lumapad pa ang ngiti sa labi ni ko. Natutuwa ako dahil kaklase ko si Liberty.

"Kung gano’n, mas madalas na kitang makikita. Nakakainis." tila batang sabi ni Liberty.

"Bakit? Ayaw mo ba 'kong makita?"

“Joke lang. Haha,” bahagya pang napaawa si Liberty. “Tara na nga, baka malate tayo."



Hindi siya pwedeng pumasok ng T University. Siguradong masisiraan lang ako kapag nangyari 'yun.

Bigla ko na lang narinig na bumukas ang pinto sa baba kaya bumangon ako at tumayo. Lumabas ako ng kama at tinignan mula sa taas kung sino 'yon. Nakita ko naman ang kapatid ko na naka-uniform at nakasukbit ang bag sa likod. Tumingin siya sa'kin at nginitian ako.


"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong.

"Bahay ko rin naman 'to." sagot nito at umakyat ng hagdan.

"So you're staying here from now on?"

"No. I'm just here to check you since nasa business trip sina mama at papa, I might as well check my younger brother that is here, alone. Teka, nasaan na ang mga maids at ang butler?" takang tanong nito.

"Pinagbakasyon ko."

Napangisi na lang siya, "You're still the old Matthew. Kahit noong nasa China pa lang tayo pareho."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag hindi ka komportable na kasama ang isang tao, it's either papaalisin mo ang taong iyon or ikaw mismo ang aalis," sagot nito.

"Shut up. Umalis ka na lang dahil hindi naman ako bata na oras-oras kailangang bantayan ng nanay niya." inis kong sabi sabay pasok sa kuwarto ko. Ni-lock ko ang pinto para hindi siya makapasok.



[ Felicity's POV ]


"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
 One less lonely girl (One less lonely girl)
 There's gonna be one less lonely girl~"


Kinuha ko 'yung phone sa table at sinagot. "Hello?"

"Panget." Dandandandanan. Si Prinsipe Matthew. Bow.

"Ano?" tanong ko.

"Bukas may photoshoot ako, 11 AM." sabi nito. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang tungkol do’n. Pfft. Goodluck sa likod at braso ko bukas.

"Oo na. Buti pinaalala mo, muntik ko pang makalimutan. O, 'yon lang ba sasabihin mo?"

"Punta ka dito, bilis," ayan na naman 'yang lintik na punta-punta na 'yan. Mapapatay ko si Matthew dahil dyan eh.

"Ayoko nga. Alam mo ba kung anong klaseng hirap ang dinanas ko nung inaya mo ako dyan sa inyo para gawan ka ng sandwich, haaaa?!" inis kong sabi na nakapamewang pa.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Ang arte mo," inis din nitong tugon. Ako pang maarte, eh ako na ngang nalait no’n at na-discriminate.

"Nang dahil doon sa pagmamadali mong papuntahin ako sa inyo, nagkanda-malas-malas ako sa daan." Hay. Kinakalimutan ko na nga iyon tapos ito na naman siya. Araw-araw na lang ba?

"Talagang magnet ka lang siguro ng malas," asar pa ni Matthew. "Dalian mo na, nagugutom na ako eh. Hindi ako marunong magluto."

"Eh kasalanan mo 'yan. Sino ba namang matinong tao ang pagbabakasyunin lahat ng katulong nila 'no?" sabi ko.

"Matino ako. Sadyang maraming babae ang nababaliw sa'kin. Oy, pumunta ka na sabi dito, nandito si Skye."

Natigilan naman ako sa pangalang narinig ko. "S-Si S-Skye?"

"Oo, nandito siya, malamang kuya ko nga siya ‘di ba?" asar pa ni Matthew. Ang hobby talaga ng lalaking 'to. Hay naku.

"Eh...," medyo nahihiya ko pang sambit. Eek. Eto na naman ang kalandian hormones ko. Inaatake na naman ako porket narinig ko ang pangalan ni Skye.

"Dalian mo na. Hahayaan mo bang magutom kami ni SKYE?" sabi pa ni Matthew na tila isang kawawang bata kung makapagsalita.

"Oo na. Pfft." kundi lang talaga dahil kay Skye eh wala akong kabalak-balak na pumunta dyan sa inyo.

"Good," at ibinaba na ni Matthew ang phone.


Nagpalit muna ako ng damit at saka nag-ayos ng konti. Para naman presentable ako sa harap ni Skye. Hehe. Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko. Bumaba na ako at nakita ko si Trevor na nanonood ng TV at hayahay ang upo sa sofa.


"Trevor.," tawag ko.

" Tracey." pagtatama niya.


"Kahit ano, basta, alis muna ako ah." paalam ko dito.

"Saan ka gogorabels? Gabi na oh, see,”  sabi nito sabay turo sa bintana sa sala.

"Kina Matthew." sagot ko.

Tila nagliwanag at kumislap-kislap naman ang mga mata nito pagkarinig sa pangalan ni Matthew, "Kina bebe Matthew ko ? Ayy sisteret, sama akechiwa!"

"'Di pwede, gusto mo salubungin ka nang napakatamis na ngiti ni PoPo?" sagot ko.

"Eeekk. Kung hindi lang talaga pet ni bebe Matthew ang doggy na iyon, malamang inihaw ko na 'yon at ginibsung sa mga tambayers outside," maarte nitong sabi na may pilantik na naman ang mga daliri. Seryoso, may athritis ba 'to o ano?

"Kaya nga wag ka nang sumama kung ayaw mong magala-Flash sa pagtakbo palayo kay PoPo, okay ?" sabi ko. "O sige na, alis na ako. Bye."


Lumabas na ako ng bahay at dumiretso ng sakayan. Sumakay ako sa bus, 'yung ordinary lang. Malamig naman dahil gabi na. Nagbayad na ako sa kundoktor, mahirap na, baka sirain ulit ang moment ko. Nakaalumbaba lang ako sa may bintana na parang sa mga telenovela. Iniisip ko si Skye.


Matangkad.
Makinis.
Gwapo.
Matikas ang katawan.
Mabait.
Maalalahanin.
Hindi mapangmata.
Hindi matapobre.
Mayaman.


Perpektong-perpekto siya kung titignan. Oo nga "Nobody's perfect", malamang may kapintasan siya sa katawan na hindi ko pa napapansin o nalalaman pero ang alam ko lang sa ngayon... CRUSH KO SIYA. Ayan, inamin ko na. Crush ko si Skye Cloud Chua, ang kuya ni Matthew Chua na siya namang kinaiinisan ko. Ang galing talaga ng tadhana, mapanglaro, mapangasar. Pero, ibang-iba naman sila ni Matthew at wala namang masama kung magka-crush ka sa isang gwapong nilalang, crush lang naman eh. Hindi naman love. Agad-agad, mahal mo na? Hindi ako naniniwala sa "Love at first sight" na mga sinasabi ng iba dyan. Paano mo naman kasi mamahalin ang isang taong unang beses mo lang nakita at ni hindi mo pa alam ang pangalan? Imposible.


"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
 One less lonely girl (One less lonely girl)
 There's gonna be one less lonely girl~"


Kinuha ko ang phone ko sa bag.


"Hello?" sagot ko.

"Nasaan ka na panget?" tanong ni Matthew.

"Malapit na," sabi ko.

" Okay." sagot nito sabay baba ng phone.


Pfft. Sinisigurado talaga ng mokong na 'to kung pupunta ako o hindi.
Mga ilang saglit pa, bumaba na ako ng bus sa may tapat ng village nina Matthew.
Pumasok na ako ng village at nilakad ang papunta sa mansyon nila Matthew. Nag-doorbell ako nang makarating na ako sa tapat ng mansyon. Kaso naka-ilang doorbell na ako eh wala pa ring nagbukas kaya pumasok na lang ako sa loob, bukas din ang pinto papasok ng mansyon kaya pumasok na ako. Napaka-iresponsable talaga ng mokong na 'yon, iwan lang ba na bukas ang lahat ng pinto ng mansyon nila. Gusto talagang mang-akit ng mga akyat-bahay.


"Matthew?"

"Panget," tawag ng pamilyar na boses. Napatingala ako at nakita si Matthew na nasa second floor. Bumaba naman siya at dumiretso sa'kin. "O ipagluto mo na ako, gutom na 'ko eh. Gusto ko masarap ah."

"Ehh.," sambit ko.

"Ano?" tanong niya.

"S-Si...," Hay. Hindi ko matanong kung nasan si Skye, baka kasi asarin pa ako ni Matthew.

"Si Skye ba? Hinahanap mo si Skye?" tanong nito.

"O-Oo," mahinang sagot ko.

"Wala na eh. Umalis na." nakangisi nitong sagot.

"Ano?!" gulat kong sabi. Umalis na? Pero.. "Pero sabi mo nandito siya ah?!"

"Nandito nga siya. Kanina nung wala ka pa." sabi nito na may kasamang nakakalokong ngiti sabay umakyat na ulit papunta ng second floor. "Oy, 'yung pagkain ko ah!"
Nakuu.
Matthew Chua...
WALA KA NA TALAGANG PINAGBAGO!

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon