Chapter XIV

8.1K 123 13
                                        

XIV.


"Magkaiba tayo, Felicity."

"M-Matthew." Napakaseryoso ng mukha ni Matthew. Anong nangyari? Nasa’n na ang supladong mukha niya at masamang tingin? Biglang... nawala.

"Nagugutom na 'ko," sabi ni Matthew sabay diretso sa bench at naupo. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Kinuha na niya ang pinatong kong pagkain at nagsimula na siyang kumain.

"Matthew," mahinang sabi ko. Sobrang natameme ako sa sinabi niya kanina.

"Oy, kumain ka kaya rito." sabi naman ni Matthew.

"Ah.. oo," sinuot ko na 'yong singsing. Umupo na rin ako sa bench at kinuha ang pagkain ko. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Matthew habang kumakain siya, mukha naman siyang normal ngayon habang kumakain. Ibang-iba kesa kanina.

"Ar--" sambit ni Matthew at napahawak pa ito sa kanang tuhod niya. Kita ko naman sa mukha ni Matthew na parang pinipigilan niya ang sakit.

"Anong problema Matthew?" nag-alalang tanong ko.

"Wala," sagot niya pero hawak pa rin niya ang kanang tuhod niya at napapangiwi pa ang mukha niya.

"Sigurado ka ba?"

"Oo nga, kumain ka na lang," masungit nitong sabi sa'kin. Pfft. Ayan na naman ang pagkasuplado niya. Bumalik na lang ako sa pagkain ko. Di nagtagal, natapos nang kumain si Matthew.

"Alis na 'ko," paalam ni Matthew sabay tayo mula sa bench.

"Sige, buh-bye."


Di naman siya sumagot at dire-diretsong lumakad. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa makaalis na siya ng rooftop. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.


"Ako kasi... ang mga taong pinahalagahan ko noon, sila pa ang nanakit sa'kin."

"Magkaiba tayo, Felicity."

"Felicity."


Napailing-iling ako. Hay. Ba't ko ba iniisip iyon? Saka malaki nga naman talaga ang pinagkaiba namin ni Matthew, sa itsura pa lang at estado sa buhay, ibang-iba na kami.


*BADUMP*

*BADUMP*


Inilagay ko naman ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Grabe, ang lakas ng kabog. Dahil ba 'to sa unang pagkakataong tinawag ako ni Matthew sa pangalan ko? Hindi kaya? Hindi ko naman maintindihan kung ano bang ibig sabihin ni Matthew sa sinabi niya kanina pero... ang seryoso niya. 'Yong itsura niya, ganoon din ang ekspresyon nang makita ko siyang tumutugtog ng piano. Hindi ko na alam tuloy kung maiinis ako o ano. Basta, hindi na ako galit kay Matthew ngayon dahil naibalik na niya 'tong mahalagang singsing ko.


"There's gonna be one less lonely girl (One less lonely girl)
 One less lonely girl (One less lonely girl)
 There's gonna be one less lonely girl~"


Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa. Napangiti naman ako nang makita ang pangalan ni Skye sa screen. Agad kong sinagot ang tawag, "Hello?"

"Felicity, tapos ka na bang kumain?" tanong ni Skye.

"Oo, bakit Skye?"

"Good. May gusto sana akong iparinig sa'yo eh," sagot niya.

"Ha? Ano naman 'yon?" nagtatakang tanong ko.

"Basta pumunta ka na lang dito sa music room. I'll see you. Bye Felicity," at binaba na ni Skye ang phone. Ano naman kayang gusto niyang iparinig?

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon