Chapter XI

8K 114 12
                                    

XI.


[Felicity's POV]


Thursday. Sabay kaming pumasok ni Matthew gaya ng normal. Mabuti naman at hindi ko ramdam ang presensya ni Miss Eps ngayon. Hinatid ko na si Matthew sa room niya, wala pa doon si Skye. Papasok kaya siya ngayon?

Pababa na sana ako ng hagdan nang makita ko si Miss Eps at si Skye na magkasama sa ibaba ng hagdan, kaya naman napatigil ako at pinagmasdan ko sila. Nag-uusap sila pero hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila. Pareho silang nakangiti, masaya siguro pinag-uusapan nila. Bababa na sana ako ng hagdan pero natigilan ulit ako nang makita ko na hinalikan ni Miss Eps si Skye sa pisngi.


*BADUMP*

*BADUMP*


Shizz. Ano ba 'to? 'Yung puso ko yata gustong kumawala. Kainis! Akala ko ba si Matthew ang gusto ng babaeng 'yon?! Bakit pati si Skye nilalandi? Hay naku!

Umalis na si Miss Eps at sinundan naman siya ng tingin ni Skye. Kainis ang epal na 'yon! Kainis talaga.
Nagmadali na akong bumaba ng hagdan.


"F-Felicity..," narinig ko pang tinawag ako ni Skye pero hindi ko siya nilingon. Dire-diretso lang akong naglakad palayo hanggang sa marating ko ang classroom ko.


Umpisa pa lang ng araw, badtrip agad. Epal talaga.


//

Hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa ng epal na babaeng 'yon kanina. Nakakainis talaga! Wala pa ngang nabubuong love story sa pagitan namin ni Skye tapos may kumokontra na agad. Hays. Kanina pa nagtuturo si prof pero hindi ko magawang magfocus at makinig dahil paulit-ulit na nasasagi sa utak ko iyong nakita ko kanina. Kainis!


"Class, meron na ba kayong napili para sa inyong project?" biglang tanong ng prof. Oo nga pala, may project pa pala akong kailangang problemahin. Pfft. Gusto ko pa naman sanang interviewhin si Skye para sa project na 'yon pero ‘wag na... magsama sila nung Miss Eps na 'yon.


Pero kung tatanungin ko siya... papayag kaya siya?


Hays. Hindi. Ayoko. Ayoko siyang interviewhin.
Hindi ko na siya papansinin... kahit anong mangyari.


//

*KRIIIIING*


Breaktime na. Tumayo na ako mula sa aking upuan dala ang mga gamit ko at dumiretso na ako ng cafeteria. Nilibot ko ang paningin ko at bigo naman akong makita si Skye doon.


Hays. Ba't ko ba siya hinahanap? Hindi ko na talaga siya papansinin ngayon.


Umalis na agad ng cafeteria matapos kong bumili ng pagkain. Habang naglalakad sa hallway ng Building B, tumambad naman sa'kin si Miss Eps na nakalingkis sa braso ni Skye. Naglalakad sila at nagkukuwentuhan. Agad akong lumiko ng daan para hindi nila ako mapansin at napasandal pa ako sa pader.


Nakakainis na talaga 'yang Miss Eps na 'yan. No’ng isang araw lang si Matthew ang nilalandi at hinahabol-habol tapos ngayon si Skye naman. Kainis! Tapos si Skye mukhang tuwang-tuwa porket maganda lang ang Miss Eps na 'yun. Tss.


//

[Matthew's POV]


Antagal naman ng panget na 'yon. Nagugutom na 'ko.


*BLAG*


Halos mabingi naman ako sa malakas at padabog na pagsara ng pinto ng rooftop kaya agad akong napalingon dito. Nakita ko naman si panget na abot hanggang baba ang simangot.


"Anong problema mo? Halos sirain mo 'yang pinto," tanong ko.

"Wala," sagot ni panget. Tch. Akala niya maniniwala ako sa sagot niya?

"O eto nang pagkain mo," inabot naman niya sa'kin ang pagkain at inumin ko.

"Huwag ka ngang bumusangot, pati ako nababadtrip dahil sa itsura mo."


Tinignan naman niya ako nang masama at tinignan ko naman siya nang mas masama kaya iniwas niya ang tingin niya at naupo na sa bench. Tch. Ako pa tatakutin niya.

"Ano ngang problema mo?" tanong ko ulit rito.

"Wala nga," muli na naman niyang sagot.

"Ano nga? Si Skye ba?" sabi ko. Bigla naman siyang napatingin sa'kin nang masabi ko 'yon. Tch. Sabi na nga ba eh, "Bakit? Anong ginawa sa'yo ng Skye na 'yon?"

"Wala," sagot nito.

"Ilang 'wala' ba ang nakain mo at panay 'yon ang sagot mo?!" inis kong sabi. Puro wala,wala. Lintik.

"Bakit ba kasi gusto mong malaman?" tanong naman niya.

"Eh kasi..,” napatigil naman ako. Tinignan naman ako ni panget. Hinihintay ang sagot ko. Ano nga bang isasagot ko dito? Bwisit, ‘di ko alam.

"Eh kasi?" tanong sa'kin ni panget.

"Eh kasi..," napaisip ako.

"Ano nga?" atat na sabi ni panget.

"Eh kasi gusto kong malaman, 'yon lang. Huwag ka na ngang magtanong kung bakit."


//

[Felicity's POV]


"Eh kasi gusto kong malaman, 'yon lang. Huwag ka na ngang magtanong kung bakit."


Eh? Ang gulo nito ni Matthew. Tss. Kasalanan 'to ni Miss Eps eh!
Binuksan ko na ang pagkain ko at tahimik lang na kumain.


"Oy panget," pang-iistorbo naman ni Matthew pero 'di ko siya pinansin. Maiinis lang ako lalo kasi tiyak na gagatungan lang niya ang init ng ulo ko ngayon kaya ‘wag na.

"Oyy. Ano ba kasing ginawa nung bwisit kong kapatid?" tanong nito. Sarap pitikin ng bibig nito, kung maka-bwisit kay Skye-- tss. Bahala na nga. Kakain na lang ako dito.


//

Naglalakad ako palapit sa classroom nang bigla may humawak sa braso ko kaya napalingon ako. Si Skye. Eh?


"Felicity..,” malumanay na sabi ni Skye. Hindi. Hindi ko siya dapat pansinin, "Felicity, bakit napansin kong parang iniiwasan mo 'ko ngayon?"

"I-Iniiwasan? B-Ba't naman kita iiwasan?" pagkakaila ko. Iniiwasan kong tumingin sa mga mata niya. Hindi ko kaya, baka bumigay pa ‘ko.

"Kanina, tinatawag kita pero ni hindi mo ako pinansin. Tapos hindi rin kita nakita sa canteen. Tapos ngayon, para kang lumalayo sa'kin. Ano bang problema Felicity?" tanong nito na bakas naman ang pag-aalala sa mukha nito. Naku Skye, huwag mo akong ganyanin.

"W-Walang problema Skye," sagot ko rito na pilit pa ring iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Nakahawak pa rin siya sa braso ko, "Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo 'ko?"

"Ano bang sinasabi mo Skye? H-Hindi naman kita iniiwasan eh," pagsisinungaling ko at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko, "Sige, kailangan ko nang pumasok sa klase ko."


Agad na akong naglakad palayo kay Skye. Nakakainis kasi parang gusto kong tumakbo palapit sa kanya. Nakakainis kasi ganito ang nararamdaman ko, crush lang naman ang nararamdaman ko sa kanya eh.

Nakarating na ako sa classroom ko, buti hindi pa ako late dahil halos sabay lang ang dating namin ng prof. Naupo na ako sa pwesto ko.


"Felicity..."


Nakakainis. Bakit gano’n ang pagtawag niya sa pangalan ko? Masyadong... masarap pakinggan. Ang sarap ulit-ulitin, nakakaadik. Pero hindi.. hindi pwede.


Natapos ang araw na pilit kong inaalis sa isipin si Skye. Mahirap din pala ang ganito lalo na kung napalapit na sa'yo ang crush mo.


//

\\


Friday.

Gaya ng nakasanayan, sabay kaming pumasok ni Matthew. Habang naglalakad sa hallway biglang may tumawag kay Matthew na isang pamilyar na boses.


"Matty!" Tss. Eto na naman 'tong epal 'to. Sabay naman kaming napalingon ni Matthew at nakita naming kasama pala nito si Skye. Badtrip naman.

Lumapit naman si Miss Eps kay Matthew, nakasunod lang si Skye dito, "Good morning, Matty," masayang bati pa ni Miss Eps. Pfft. 'Wag ka nga, ke-aga-aga binabadtrip ako.

Tumingin naman sa'kin si Skye at ngumiti, "Good morning, Felicity."

Iniwas ko naman ang tingin ko. “Good morning," malamig kong sagot.

"Sabay na tayo Matty," masayang sabi ni Miss Eps sabay lingkis sa braso ni Matthew. Pfft. Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to. Sino ba talaga gusto nito - si Matthew o si Skye?

"Ah.. sige, una na ako. Baka malate ako eh," paalam ko sabay mabilis na naglakad palayo sa kanilang tatlo.


Dire-diretso akong pumasok ng classroom at naupo sa pwesto ko. Wala pa ang prof kaya halos lahat ng mga kaklase ko ay may kanya-kanya pang mundo.


"Kilala mo ba 'yong transferee na freshman?" narinig kong tanong ng isa kong kaklaseng babae.

"Ah.. Oo. Bullet Gaile Xu ang pangalan no’n eh," sagot naman ng isa ko pang kaklase. Oo na, ako na ang tsismosa.

"Nakakainis ang babaeng 'yon! Alam mo bang nakita kong nakalingkis siya kay Matthew habang naglalakad, pati rin kay Skye! Ang landi!" inis na sabi ng kaklase ko.

"Ano ka ba sis, ‘wag ka nang mainis do’n. Narinig ko kasi na parang kapatid lang siya nina Skye at Matthew," sagot naman ng kaklase ko.

"Really?"

"Oo, nothing to be jealous about. Para lang daw silang siblings, gano’n lang."


A-Ano?! Tama ba ang dinig ko, siblings lang? Hindi talaga girlfriend ni Skye ang Miss Eps... o Bullet na 'yon? Hay. Nakahinga ako dun nang maluwag.


Pero si Skye... Nakakainis! Nasungitan ko pa naman din siya. Hay. Bahala na nga, mamaya kakausapin ko na lang siya. Na-misinterpret ko lang pala ang halik at lambingan na nasaksihan ko kahapon. Hays.


//

Breaktime.

Agad akong lumabas ng room at pumunta ng cafeteria. Pero wala doon si Skye. Bumili na ako ng pagkain at agad na nagtungo sa rooftop. Iniabot ko na kay Matthew ang pagkain niya.


"Sige, alis na ako," paalam ko rito.

"Bakit? Sa’n ka naman pupunta?" tanong ni Matthew.

"Ah.. ano.. May hahanapin lang ako," sagot ko at lumakad na ako.

"Si Skye?" tanong pa ni Matthew kaya napatigil ako. Pero hindi ko na siya pinansin at umalis na rin agad ako ng rooftop.
Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Skye na parang may inaabangan.


"Skye," tawag ko rito kaya agad itong napatingin sa'kin. Bumaba na ako ng hagdan para puntahan siya. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay kita, Felicity," sagot naman ni Skye. Hinihintay niya ako?

"B-Bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko.

"Sorry.  Kung anuman 'yong nagawa ko, sorry." Huh? Sorry? Para sa’n? Ako nga ang may kasalanan ditto eh.

"Ano ka ba Skye, ba't ka ba nagsosorry?" sabi ko.

"Pansin ko kasing iniiwasan mo talaga ako," sagot naman ni Skye. Eh, akala ko kasi talaga... hayy.

"S-Sorry din," nakayuko at nahihiya ko namang paumanhin.

"Huh?" sambit ni Skye.

"Sorry, kung sa tingin mo ay iniiwasan kita. Sorry talaga, Skye."

"Hindi mo kailangang mag-sorry," may kinuha naman siya sa bulsa niya. Isang maliit at pink na kahon. Binuksan niya 'yon at tumambad sa harap ko ang isang napaka-cute na singsing na puno ng gems at may design na ribbon. Sobrang cute no’n, "Nakita ko lang 'to tapos naalala kita."


Kinuha naman ni Skye ang kamay ko at sinuot sa ring finger ko 'yong singsing. Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng pisngi ko. Kinikilig ako. Si Skye naman kasi eh. Napaka-sweet niya talaga.


"S-Salamat Skye. Ang cute nito. Hehe," nahihiya kong sabi.

"Bagay sa'yo," nakangiting namang sabi niya.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon