XXXIII.
[Bullet's POV]
Kakalabas lang namin ni ate Liberty ng office sa Building C para ibigay ang ilang documents na kailangan. Naglalakad kami sa hallway nang makita namin sina Matty at Felicity na nag-uusap. Natigilan kami ni ate pati na rin si Matty nang makita namin ang isa't isa. Pero agad ding umalis si Matty hila si Felicity, nilagpasan niya lang kami.
"Ate," sabi ko, "Halika na."
Hindi naman kumikibo si ate at nakasunod lang ang tingin kina Matty. Hindi pa pala ayos ang issue nila. I thought matatapos na 'yon after two years.
"Ate, let's go," pilit ko.Nakasunod pa rin ang tingin niya sa kanila kahit pa nakalayo na sila. "Sino...sino ba ang babaeng 'yon?"
"Si Felicity 'yon ate," sagot ko, "Tutor ni Matthew."
//
[Felicity's POV]
"Sandali lang Matthew," pigil ko rito at salamat naman dahil tumigil na siya sa paghila sa'kin at paglalakad. Sa hallway ng Building A kami napadpad. Buti at walang estudyanteng dumadaan do'n."Ano?" nakabusangot nitong tanong.
"Bakit mo ba 'ko basta hinihila? Naiwan ko pa ang mga gamit ko do'n."
"Ako rin naman naiwan ko ang mga gamit ko nang hilahin kita," sagot naman niya.
"Eh ba't mo ba 'ko hinila papunta rito?" tanong ko.
"'Di ba gusto mong iwasan ang mokong na 'yon?" balik na tanong niya, "Tinulungan lang kita."
"Hindi ko naman sinabing basta mo na lang ako hilahin at dalhin sa kung saang lugar. Has," singhal ko.
"Psh."
"Babalik na 'ko do'n," sabi ko sabay talikod pero agad namang hinigit ni Matthew ang braso ko saka iniharap ulit ako sa kanya, "Matthew!"
"Subukan mo lang bumalik doon," pagbabanta niya.
Pfft. Akala ba niya matatakot ako sa paganyan-ganyan niya? "Ewan. Kukunin ko pa ang mga gamit ko."
"Kapag bumalik ka do'n..," pag-uulit pa nito.
"Pfft. Tumigil ka na Matthew," sabi ko saka tinalikuran ulit siya. Pero bago pa ako makalakad ay hinila niya ulit ang braso ko saka iniharap ulit ako sa kanya. Maagap niyang hinawakan ang mga pisngi ko kasabay ng biglaang paghalik sa'kin. Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong malakas si Matthew. At isa pa, unti-unti na rin akong natatangay ng halik na iyon.
Bago ko pa tuluyang maipikit ang mga mata ko, bigla na lang kumalas sa halik si Matthew at isang malakas na tunog ng suntok ang narinig ko. Sunod ko na lang na nakita ay nakaupo na si Matthew sa sahig at si Skye naman ay galit na galit na nakatayo malapit sa kanya.
"Si Liberty ang mahal mo, hindi ba? Pero ba't mo ginagan'to si Felicity? Matthew Chua, kung patuloy mo 'tong gagawin kay Felicity, anong pinagkaiba nating dalawa?" galit na sabi ni Skye. Mabuti na lang talaga at walang estudyante sa hallway kundi baka kanina pa kami pinagkaguluhan, "Tigilan mo na si Felicity. Stop confusing her feelings!"Dadagitin pa sasna ni Skye ang kwelyo ni Matthew pero mabilis ko siyang naharangan at pumagitna na 'ko sa dalawa. "Tama na 'yan Skye, nasa campus tayo."
Tumayo naman si Matthew at tinangka pang lapitan ang kuya nito pero hinarangan ko rin siya. "Ikaw ang tumigil sa kanya. Isa kang walang kwentang manloloko."
"Pinagsisihan ko na 'yon," sagot naman ni Skye, "Ikaw, huwag mong gamitin si Felicity para lang makalimutan mo si Liberty."
"Huwag mo 'kong igaya sa'yo. Manloloko ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/4498869-288-k862498.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...