Chapter XXVI

5.9K 105 24
                                    

XXVI.


"Masama ba'ng pakiramdam mo Felicity?" nag-aalalang tanong ni Skye.

"Huh? Hindi, ayos lang ako," sagot ko.

"Sigurado ka? Ang tamlay mo kasi. Kaya mo bang pumasok ng klase mo?"

"Oo, kaya ko. Huwag mo na 'kong alalahanin Skye."


//

[Matthew's POV]


"Bullet, umalis ka nga," naiirita kong sabi.


Kanina pa 'ko hinaharangan ni Bullet sa may gate. Mamaya na raw ako pumasok. Tinatanong ko kung bakit pero wala naman siyang maisagot. Naririndi na 'ko rito. Baka malate pa ako sa lintik kong klase.


"Mamaya ka na pumasok Matty."

"Alis," utos ko.

"Eh kasi..mamaya na lang, please," pakiusap pa niya.

"Umalis ka dyan kundi hinding-hindi na kita kakausapin," banta ko.

"Huh? B-But.."

"I mean it, Bullet. Kaya umalis ka na dyan."


Napayuko na lang siya at tumabi sa daan.

Naglakad na ako papasok ng university. Hindi ko nakita si panget sa first floor kung nasaan ang classroom niya. Pag-akyat ko ng second floor, natanaw ko na may isang babaeng nakatalikod ang naghihintay sa labas ng classroom ko. Pinagkakaguluhan pa siya nina Redd pero 'di ko na lang 'yon pinansin at naglakad na lang ako diretso sa classroom.

Nang papasok na ako ng room, biglang may tumawag ng pangalan ko.


"Matthew." Ang boses na 'yon. Natigilan ako at hindi muna nilingon ang tumawag sa'kin.


Hindi pwede. Imposible. Anong ginagawa niya rito?


"Matthew," tawag ulit niya.


Napalunok muna ako bago naglakas-loob na lingunin siya. Hindi ko siya tinignan nang diretso at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.


"A-Anong ginagawa mo rito?"

"Mag-usap muna tayo, please," sagot niya.

"May klase pa 'ko." Ayoko siyang makausap. Hindi ko pa kaya. Hindi pa sapat ang dalawang taon.

"Please Matthew," pakiusap niya sabay hakbang palapit sa'kin pero agad akong umatras.

"Huwag mo 'kong lapitan," sabi ko.

"Matthew." Puno ng lungkot ang mga mata niya kaya pilit kong inilalayo ang tingin ko sa kanya. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko kapag nagkataon. Ayoko nang masaktan ulit.

"Umalis ka na," utos ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nag-uusap," pagpupumilit pa niya.


Alam kong tototohanin niya ang sinabi niyang 'yon. Kilala ko si Liberty. Kilalang-kilala.


//

[Felicity's POV]


"Papasok ka na ba?" biglang naitanong ni Skye. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutang 'yon.

"Oo," sabi ko.


Tumayo na si Skye. Hawak sa isang kamy ang gitara at inilahad naman niya ang isa pa niyang kamay sa harapan ko.


"Tara na," aya nito.


Ngumiti naman ako saka inabot ang kamay niya. Inalalayan ako nitong makatayo. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko kahit pa nakatayo na ako nang tuluyan. Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya.

Inaamin ko, kinikilig ako dahil sa mga ginagawa ni Skye. Siya lang ang taong nag-aabalang pangitiin ako kapag nakasimangot ako. Napagtatiyagan niyang kasama ako kahit pa kung anu-ano ang sinasabi ng iba tungkol sa'min, wala lang siyang pakialam do'n. At higit sa lahat, siya lang ang nag-iisang lalaking nagsabi na gusto niya ako. Akala ko imposibleng mangyari sa'kin 'yon pero nang dahil kay Skye Chua, naging posible.


"Hatid na kita," alok pa ni Skye at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti.


Tumango ako at sinuklian ang ngiting iyon.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nakita namin si Matthew kasama ang isang estranghera. Ang ganda niya. Maputi, makinis at mukha ring mayaman pero hindi ko pa siya nakita noon.

Natigilan kaming dalawa ni Skye nang makita sila at ganoon din sila nang makita nila kami. Nagkatitigan pa kami ni Matthew pero agad na napunta ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Skye, gano'n din ang estrangherang kasama niya.

Bibitaw na sana ako sa kamay ni Skye pero mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa'kin. Tinignan ko siya pero diretso lang ang tingin niya kay Matthew kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa estrangherang kasama ni Matthew. Hinihintay ko kung sino ang unang magsasalita sa kanilang tatlo.


"A-Anong ginagawa niyo rito?" pagbasag ni Skye sa katahimikan. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang magsilata siya dahil ramdam ko ang namumuong tensyon sa mga titigan nilang tatlo.

"Mag-uusap kami," sagot ni Matthew saka baling ng tingin sa'kin, "Kayo, anong ginagawa niyo rito?"


Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Sa tinanong niya, parang may gusto siyang palabasing 'di maganda. Hay.


"Nag-uusap lang din kami," tugon ni Skye.

Napangisi naman si Matthew, "Talaga?"

"Oo, sige, aalis na kami ni Felicity." At hinila na ako ni Skye paalis.

Hindi pa man namin sila nalalagpasan, nagsalita na ulit si Matthew, "Kasama ka rito."

Napahinto ulit kaming dalawa pero si Skye lang ang lumingon sa kanilang dalawa, "Mas mabuti kung kayo lang ang mag-uusap."

"Kasama ka rito kahit ano pang sabihin mo," pagpupumilit ni Matthew.


Ano ba kasing pag-uusapan nila? Ba't kailangang kasama pa si Skye? Nananahimik lang naman kami rito kanina tapos biglang darating si Matthew kasama ang isang estranghera.


"Matthew, hayaan mo na si Skye," narinig kong sabi ng kasama niya.

"Hindi. Gusto ko kasama siya."

"Pero Matthew..."

"Hayaan mo na siya Liberty. Sige, sasama ako," sagot ni Skye.


Liberty?

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalang tinawag ni Skye sa estranghera.

S-Siya si Liberty?!


Bago pa man ako makapagreact sa mga nangyayari, hinarap ako ni Skye.


"Felicity, mag-uusap muna kami. Magkita na lang tayo mamaya," sabi nito sabay halik sa noo ko.


Hindi na ako nakasagot. Sumulyap ako kay Matthew at saka kay Liberty.


"Umalis ka na," sabi pa ni Matthew.


Hindi na lang ako nagsalita. Tinalikuran ko silang tatlo at saka lumakad paalis. Gusto ko mang bumalik doon at malaman ang mga pag-uusapan nila, wala naman akong karapatan.


//


*KRIIIING*


Nakapangalumbaba lang ako sa mesa ko. Hindi sana ako tatayo ng upuan pero naisip kong kailangan ko pang bilhan ng pagkain si Matthew.


Ano kayang nangyari sa usapan nila? Nagkaayos na kaya sila? Nagkabalikan? Ano?! Hindi pwede! Hay ewan.


Pagkabili ko sa canteen, dumiretso ako sa rooftop. Naabutan ko naman do'n si Matthew na nakaupo sa bench at tulala. Nilapitan ko siya.


"O eto pagkain mo," sabi ko sabay abot ng pagkain niya na para bang normal lang ang lahat.

"Anong ginagawa niyo doon kanina?" tanong ni Matthew nang hindi tumitingin.

"Gaya ng sabi ni Skye, nag-uusap lang kami," sagot ko.

"Kayo na ba?" sunod na tanong ni Matthew.

"Bakit mo ba 'yan tinatanong?" paglilihis ko.

"Bakit 'di mo sagutin?" balik na tanong niya sabay tingin sa'kin nang diretso.

"Hindi pa kami."

"Pa?"

"Hindi kami!" Pfft. Ano bang gusto niyang sagot?

"Talaga lang?" nagdududa pa nitong tanong.


Hay ewan. Nilipag ko ang pagkain ni Matthew sa bench at saka padabog na naglakad. Tss. Dadamayan ko sana siya pero mukhang hindi naman niya kailangan kaya 'wag na.


"Oyy panget," tawag pa ni Matthew.

Huminto naman ako saka naiinis na nilingon siya, "Ano na naman?!"

"Huwag niyo ngang ibandera 'yang pinagagagawa niyo rito sa campus. Nakakairita, parang 'yang mukha mo."

"Eh ano naman? Tss," singhal ko saka tuluyang nilisan ang rooftop.


Bumalik na lang ako sa classroom ko tutal wala akong ganang kumain. Buti pa rito, tahimik at walang nakakainis na 'panget nang panget'. Magpapahinga na lang ako. Nakakastress ang mga pang-aasar ng Matthew Chua na 'yon.

Payuko na sana ako ng ulo nang biglang may tumakip na mga kamay sa mga mata ko.


"Hulaan mo kung sino 'to," sabi pa ng baritonong boses na alam kong galing kay Skye.

"Skye," sagot ko.

"Tama," sabi nito sabay tanggal ng mga kamay niya. Umupo siya sa upuang nasa tabi ko saka ako hinarap, "Kamusta? Ba't 'di ka kumain?"

"Wala akong gana," matamlay kong sagot.

"Halika, ibibili kitang pagkain," alok pa ni Skye at akmang tatayo pero pinigilan ko siya.

"Huwag na, wala talaga akong gana ngayon," sabi ko.

"Sigurado ka bang wala kang sakit?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo," sagot ko saka bahagyang ngumiti, "Skye.."

"Mm?"

"A-Ano bang pinag-usapan niyong tatlo kanina?"

Napaisip muna si Skye bago nakasagot, "Wala lang 'yon."

"Galit pa rin ba si Matthew kay Liberty?" sunod kong tanong.

Tumango naman si Skye. "Huwag na lang nating pag-usapan 'yon."

"Uhm..pasensya na," paumanhin ko.

"Bakit? Nagseselos ka ba?"

"H-Ha?! Hindi ah!" depensa ko.

Nginitian ako ni Skye, "Wala ka namang dapat ipagselos eh."

"T-Tama, wala nga. Hehe."


//


Dismissal.


Tumayo na ako sa upuan ko at saka dumiretso sa room nina Matthew pero wala siya roon. Sabi naman ng barkada niyang si Redd, hindi na raw ito pumasok after ng breaktime. Tss. Saan na naman kaya pumunta 'yon?

Sinubukan kong pumunta ng rooftop at tama nga ako. Nandoon nga ang magaling na si Matthew. Pfft. Anong ginagawa niya rito? Nagdadrama? Nilapitan ko naman siya. Tulala lang siya parang kanina. Nandoon pa rin ang pagkain na nilapag ko kanina, ni hindi niya ginalaw. Himala yata.


"Matthew, uwian na, 'di ka pa ba uuwi?" tanong ko.

"Hindi," sagot niya.

"Okay, mauna na 'ko," paalam ko.

"Dito ka lang," pigil ni Matthew, "Samahan mo 'ko."

"Bakit ba ayaw mong umuwi?" tanong ko.

"Wala lang."

"Tss. Dahil ba sa Liberty na 'yon?" sabi ko.


Napatingin naman siya sa'kin pero agad din niyang iniwas. Halata namang iyon nga ang dahilan.


"Okay, sige. Sorry na, 'di ko na babanggitin," sabi ko saka umupo sa tabi ni Matthew.


Pero nagulat ako nang pag-upo ko, bigla akong hinila ni Matthew at saka mahigpit na niyakap. Sa sobrang pagkabigla, hindi na ako nakareact pa at niyakap ko na lang din si Matthew. Dahil sa Liberty na 'yon, nagkakaganito si Matthew. Ganoon ba niya kamahal ang babaeng 'yon?

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap sa'kin ni Matthew. Ramdam ko ang nakapatong niyang ulo sa balikat ko.


Pero natigil lang iyon nang biglang kumalas si Matthew sa yakap at nakita kong dinagit siya sa kuwelyo at isang malakas na suntok na ang sumunod. Namalayan ko na lang na nakaupo na si Matthew sa sahig, dumudugo ang gilid ng labi niya samantalang nakatayo si Skye sa harap niya at galit ang itsura nito. Tumayo ako mula sa bench at nilapitan sila.


"S-Skye.."

Tinignan ako ni Skye, kita ko ang galit sa mga mata niya kaya natakot ako. Bigla niyang kinuha ang kamay ko, "Tara na, Felicity."

Lalakad na sana kami ni Skye pero naramdaman kong may humila sa isa pang kamay ko at paglingon ko, nakita ko si Matthew na nakaupo pa rin sa semento at nakahawak sa kamay ko. Sumulyap siya sa'kin at saka kay Skye, "Hindi siya aalis."

Pero hindi siya pinansin ni Skye, "Halika na Felicity," at akmang lalakad na.

"Hindi siya aalis!" sigaw ni Matthew na noo'y nakahawak pa rin sa kamay ko.

Nilingon naman siya ni Skye, matatalim ang tingin nito sa kapatid. "Bakit? Gusto mo ba si Felicity, Matthew?"


Nagulat ako sa itinanong ni Skye. Nagpabalik ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hinihintay ko ang sagot ni Matthew pero walang salita ang lumabas sa bibig niya.


"Gusto mo ba si Felicity?" pag-uulit ni Skye.


Ano Matthew Chua? Gusto mo ba 'ko, ha?


Hinihintay ko kung magsasalita ba si Matthew pero hindi niya ginawa. Bumitaw na lang siya sa kamay ko at yumuko.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon