Final.
[Waffles' POV]
Dahil sa pagkataranta, hinila ako ni Trevor pababa ng hagdan pero pagdating sa last step ay natapilok ako at muntikan nang dumalusdos pababa pero buti na lang at nasalo ako ni Trevor bago mahuli ang lahat.
"Thanks," pagpapasalamat ko habang nakaalalay pa rin siya sa'kin, "Mabuti pa, umalis muna tayo rito para 'di sila maghinala."
"Sige."
Bigla akong nakaramdam ng kirot nang subukan kong tumayo nang maayos. Malapit iyon sa ankle ko. Naipitan yata ako ng ugat. Aish!
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Trevor.
"Oo, let's go." aya ko sa kanya at sinubukang humakbang pero lalo sumakit ang paa ko.
Inalalayan ulit ako ni Trevor sa pagtayo. "Sa'n ba ang masakit?"
"Mamaya na, umalis muna tayo rito." natataranta kong sabi saka pilit itong hinila paalis ng bahay nila kahit pa mas kumirot ang paa ko.
It was a relief nang makalabas kami pero hindi ang paa ko.
"Kaya mo pa bang maglakad?" tanong ni Trevor.
"Yes," I answered, "Uhm...pwede bang patulong na lang ako hanggang makarating ako doon sa kotse?"
"Sige." sagot niya at inalalayan akong maglakad hanggang sa kung saan nakapark ang kotse namin. Nandoon sa sasakyan si kuya Skye at hinihintay ako. Ito kasi ang naghatid sa'kin dito gamit ang kotse ni mommy.
"Thank you ulit." sabi ko nang nasa tapat na kami ng kotse.
"Walang anuman," tugon niya, "Babalik na 'ko ng bahay."
Tatalikod na sana siya pero madali kong hinigit ang braso niya kaya kumirot muli ang paa ko. "Wait."
Hinarap niya 'ko. "Bakit?"
"You can't go back there yet."
"At bakit hindi?" salubong ang kilay niyang tanong.
"Mabuti pang hayaan muna nating magkasama sina ate Felicity at kuya Matthew," sabi ko, "I know! Come with us muna, 'kay?"
"Saan?"
"Basta, let's go." hinila ko ito papasok ng kotse. Nagulat naman si kuya pagsakay namin. Nasa driver seat ito at sa backseat kami ni Trevor sumakay. Lumingon ito sa'min with a curious face.
"Don't ask kuya, I'll tell it to you later. For now, punta muna tayo ng mall." sabi ko bago pa ito makapagtanong.
"Mall?" in chorus pang sabi nina kuya at Trevor.
"Yeah mall, let's go." pagmamadali ko.
"Tingin ko, mas maganda kung sa ospital muna tayo pupunta." saad ni Trevor.
"Ospital?" kumunot ang noo ni kuya nang marinig ang salitang 'ospital'. Nagtatanong ang tingin niya sa'kin. "Anong nangyari?"
"I'm fine kuya," I lied, "Now let's go."
"I won't unless you tell me the truth." pagmamatigas pa ni kuya.
"Okay, okay," suko ko, "Natapilok lang naman ako sa hagdan kaya sumakit 'tong paa ko but I'm fine."
Hindi na sumagot pa si kuya at mabilis na pinaandar ang kotse paalis.
//
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
JugendliteraturMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...
