Chapter IX

9K 133 5
                                        

IX.



Uwian na namin. Absent kasi ang prof sa last subject kaya napaaga.
The usual scenario, ang mga maaarte kong kaklase nagreretouch ng mga pagmumukha nila. 'Yong ibang mga lalaki ay nagkukumpulan at tila may pinaplanong panloloob ng bahay mamayang hatinggabi. Joke lang. Hehehe. At ako naman ay nganga sa upuan ko, walang kausap. Tumayo na ako at isinukbit sa balikat ko ang bag ko, masundo na nga lang si Matthew. Umakyat ako ng second floor at dumiretso sa classroom ni Matthew. Pero nando’n pa ang prof nila kaya naghintay muna ako sa labas ng classroom. Tumambay ako sa tapat ng katabing classroom nina Matthew, nakakahiya kasi kung sa mismong tapat ng room nila ako tumambay at isa pa, tapos na ang klase sa classroom na 'to. Pero kahit gano’n, nasisilip ko pa rin dito si Matthew, sa tabi ng bintana rin kasi siya nakaupo pero.. pero.. pero... si Skye ba iyong nakaupo sa harap ni Matthew?!

//

[Matthew's POV]


Blah...blah...blah. Nakakabagot naman ang makinig dito. Kahit na 'di ko na pakinggan 'tong ugok sa harap ko, malalaman ko pa rin naman ang lesson dahil sa panget kong tutor.
Bigla ko naman naramdamang may sumiko nang mahina mula sa kanan ko, si Redd. Tch. Nilingon ko siya at tiningnan nang masama.


"Nandyan na ang dakilang taga," bulong naman ni Redd.

"Dakilang taga?" pag-uulit ko. Anong sinasabi nito?

"Dakilang TAGA-sundo, TAGA-hatid, TAGA-bili, TAGA-bitbit, at TAGA-turo. Hahaha," pabulong na sabi naman ni Redd.

"Ewan ko sa'yo," inis kong bulong kay Redd. Puro na lang kalokohan 'tong sirang 'to.


Naglelecture pa rin ang prof at may paturo-turo pa sa white board pero wala naman akong maintindihan ni ano sa sinasabi niya. Tumingin na lang ako sa bintana at nahagip ng paningin ko ang isang pangit na babaeng nakatayo sa tapat ng kabilang classroom, si Felicity 'yon, walang duda. Nakatitig nang nakakadiri kay Skye na nakaupo sa harap ko. Tch. Patay na patay si panget. Dakilang taga daw, baka tanga lang. Magkakagusto na nga lang sa Skye na 'yan pa.


//

[Bullet's POV]


Tapos na ang classes ko kaya pwede na akong pumunta kina Matty. Hihi. Inayos ko na ang mga gamit ko sa bag at lumabas na ako ng room. Pero nuang naglalakad ako sa hallway, may humarang sa'king isang lalaki.


"Hi. I heard ikaw 'yong bagong transferee na freshman. I'm Clyde," mayabang na sabi nuo’ng lalaki at inabot niya pa ang kamay niya. "Pwede bang makipag-friends?"

"Maybe next time," sagot ko. I can feel na may ibang balak lang siya kaya I will never be his friend. "Bye."


Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa room ni Matty. Gusto ko sabay kaming umuwi. Na-miss ko siya nang sobra. Two years din kaming hindi nagkita.

Nang malapit na ako sa room ni Matty, napansin ko namang may isang babaeng nakatayo sa harap ng classroom bago ng kina Matty. Wait... ‘di ba siya 'yong kanina? 'Yong kasama ni Matty kaninang umaga. Nilapitan ko siya.


"Hi," greet ko.

Nag-widen naman ang eyes niya, "O..Ah..Ikaw pala."

"’Di ba ikaw ang kasama ni Matty kaninang umaga?" tanong ko.

"Matty?" curious niyang tanong, "Ah.. Kung si Matthew tinutukoy mo, oo ako nga 'yon."

"Uhm... Itatanong ko lang sana kung... anong relasyon mo kay Matty?" tanong ko ulit.

"Tutor niya ako." Tutor? Nagpapatutor na pala si Matty ngayon. Hindi naman niya kailangan 'yon, matalino naman siya eh. Always on top of the class nga siya sa school namin sa China.

"I see. Pero.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.

"Ano.. susu--"

"Matty!" sigaw ko. Nakita ko na kasing lumabas ng classroom si Matty kasama ang ibang classmates niya.

//

[ Felicity's POV ]


"I see... pero anong ginagawa mo ditto?" tanong ng estranghera. Dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya, siguro tatawagin ko na lang siyang Miss Es, short for Estranghera.

"Ano..susun--"

"Matty!" biglang putol nito sa sasabihin ko. Eh? Dapat pala Miss Eps tawag ko dito, epal eh. Kanina pa 'to. Pfft.


Napalingon naman ako at napansin kong nagsilabasan na si Matthew at ibang mga kaklase nito. Dedma naman ang mukha ni Matthew sabay lapit sa'min ni Miss Eps. Napatingin siya kay Miss Eps.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Matthew.

"Matty, sabay na tayong umuwi," malambing na sagot ni Miss Eps. Eps talaga, aagawan pa ako ng trabaho.

Tumingin muna sa'kin si Matthew at binalik rin agad ang tingin kay Miss Eps. "O sige."

"Yay!" tuwang-tuwang sabi naman ni Miss Eps at sabay lingkis sa braso ni Matthew, "Tara na."


Lumakad na sila at para naman akong invisible na dinaanan lang nila at ni hindi man lang pinansin.


"Sabay na tayong umuwi Matty," panggagaya ko naman sa sinabi ni Miss Eps, "Pfft, mukha mo."

"Felicity?" narinig kong may nagsalita sa likuran ko kaya lumingon ako - si Skye.

"O, S-Skye, ikaw pala. Hehe," bigla naman akong nahiya. Narinig niya kaya sinabi ko? Naku.

"Kung nandito ka para sunduin si Matthew, nauna na siyang lumabas, 'di mo ba siya nakita?"

"Uhm..oo, nakita ko siya kaso mukhang may iba na siyang kasabay umuwi," sagot ko.

"Edi kung gano’n, tayo na lang ang sabay umuwi," aya ni Skye. 

"Ha?" magulat-gulat kong sabi.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"H-Hindi!” maagap kong sabi, “A-Ano..sige na nga. Hehe.”

"Tara."


Habang naglalakad sa hallway, nagku-kwentuhan kami ni Skye. Nasabi niyang hindi siya nakatira sa bahay nina Matthew kung hindi sa sarili niyang bahay. Sabi pa niya, hatid na daw niya ako sa bahay namin, tatanggi sana ako kaso mapilit siya. Hehehe. Sumakay naman kami sa isang bus pauwi. Ako ang nakaupo sa tabi ng bintana at katabi ko si Skye.


"Uhm..Skye." nahihiya kong sabi.

"Ano 'yon?"

"Pansin ko lang ah. Mayaman naman kayo ni Matthew pero ayaw niyong mag-kotse, gusto niyo pang naka-bus," sabi ko. Ang weird lang kasi. Mayaman naman sila at pwedeng-pwede silang magkaroon ng kahit ilang kotseng gusto nila.

"Si Matthew kasi..." napatingin pa sa ibaba si Skye.

"Ha? Bakit? Anong kasalanan ni Matthew?" takang tanong ko.

“May nangyari kasi sa kanya sa China noong bata pa kami," tugon ni Skye.

"Ano bang nangyari?" mas na-curious tuloy ako sa sinabi ni Skye.

"Noong 8 years old kasi siya, kinidnap siya at sapilitang sinakay sa isang kotse saka dinala kung saan. Kaya simula noon, natakot na siyang sumakay sa kahit anong sasakyan. Kahit 'yong mga sasakyan na iilan ang pasahero, ayaw niya ring sakyan kaya sa tuwing papasok kami sa school namin sa China, nagba-bus kami kaya nasanay na rin ako," malungkot na kwento ni Skye. Ganun pala ang nangyari, kaya pala kahit mag-taxi ayaw ni Matthew. “’Di ko nga inakala na pati ngayon nandyan pa rin ang takot na 'yon kahit napakatagal na mula nang mangyari ang insidenteng ‘yon."

//

[Bullet's POV]


"Matty, hanggang ngayon ba may takot ka pa rin sa pagsakay sa kotse?" tanong ko. Kasi kanina inaya ko siyang magtaxi kaso ayaw naman niya at sinungitan pa ako. Hmp. Kaya nandito kami sa bus ngayon.

"Ayoko sa mga kotse," masungit na sagot ni Matty. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Mas lalo lang siyang sumungit. I wonder kung may girlfriend na siya ngayon.

"Bakit naman?"

"AYOKO SABI," bigla naman akong napagtaasan ng boses ni Matty. Nagtinginan tuloy sa'min 'yung ibang pasahero.

"Hmp. Ang bad mo talaga," naiiyak kong sabi. Nakakatakot talaga siya kapag nagtataas ng boses, mas nakakatakot pa siya kaysa kay tito.

"Huwag kang umiyak dito, baka isipin nilang inaaway kita," masungit ulit na sabi ni Matty.

"Ang sungit mo pa rin kasi hanggang ngayon Matty," sabi ko. 

"Anong gusto mong gawin ko? Ganito na talaga ako, di ako gaya ng Skye na 'yon."


//

[Felicity's POV]


"Salamat Skye," sabi ko. Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Talagang hinatid pa ako ni Skye.

"Walang anuman. Basta ikaw, Felicity," nakangiti namang sagot niya.

"Ah..hehe. Gusto mong pumasok sa loob?" alok ko kay Skye.

"Hindi na, mauuna na ako. May tatapusin pa kasi ako. Bye." paalam ni Skye. Sayang naman.

"Buh-bye." sabi ko naman.


Lumakad na siya paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na matanaw si Skye kaya pumasok na ako ng bahay.


"Anong ngiti 'yan sisteret?" kantyaw naman ni Trevor sa’kin pagkapasok ko ng bahay.

"Wala." tago ang ngiti kong sagot.

"Asus, kunyari ka pa."

"Wala nga sabi," sagot ko sabay akyat sa taas.


//


Wednesday.


Nandito na ako sa bahay nina Matthew, nakaupo sa malaki at malambot na sofa katabi ang mga gamit ni Matthew. Hinihintay ko siyang matapos mag-ayos ng kanyang sarili. Pfft. Pa'no ba naman? Pagdating ko dito kanina, tumutulo pa laway at napakahimbing ng tulog. Kaya lagi kaming late sa set eh. Pasalamat siya mabenta mukha niya kundi baka matagal na siyang pinatalsik ng mga agencies.

*TOK* *TOK*


Narinig kong may kumatok sa pinto. Eh? Sino naman kayang bisita ni Matthew ngayon? Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tumambad naman sa harapan ko si Miss Eps na kay lapad pa ng ngiti sa mga labi. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makitang ako ang nagbukas ng pinto, disappointed siguro. Akala niya siguro si Matthew ang bubungad sa kanya.


"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na nitong tanong.

"Ma--"

"Taga-bitbit ko siya," biglang may sumagot mula sa likod ko. Pagtalikod ko, nakatayo na si Matthew sa harap ko at nakabihis na.

"Taga-bitbit?" pag-uulit ni Miss Eps.

"Oo, may photoshoot ako ngayon. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" masungit namang sabi ni Matthew.

"Masama kasi ang pakiramdam ko ngayon Matty kaya hindi ako nakapasok." parang batang sabi naman ni Miss Eps na nakanguso pa ang labi.

"Ba't dito ka pumunta? Hindi naman ospital 'tong bahay." sagot sa kanya ni Matthew. Oo nga, ba't 'di siya magpatingin sa doktor? Pfft.

"Eh gusto ko ikaw mag-alaga sa'kin Matty," pagpupumilit pa ni Miss Eps sabay lapit kay Matthew at lingkis sa braso nito. Eh? Araw-araw na lang kung makalingkis. "Sige na Matty, ikaw na mag-alaga sa'kin...parang gaya no’ng dati."


Huh? Gaya ng dati? Ibig sabihin, si Matthew nag-aalaga sa kanya kapag may sakit siya dati?


Inalis naman ni Matthew ang pagkakalingkis sa kanya ni Miss Eps sabay suksok ng kamay sa bulsa, "’Di nga pwede, may photoshoot pa ako. At isa pa, hindi ako doctor," at sabay lumakad palabas ng mansyon si Matthew at iniwanan lang na natameme si Miss Eps.

Nakatitig ako kay Miss Eps, habang siya ay nakasunod ang tingin sa naglaho nang si Matthew. Tapos bigla naman niyang binaling ang tingin niya sa'kin kaya nataranta ako bigla, "Ah..s-sige. Buh-bye."


Mabilis kong kinuha ang mga gamit ni Matthew at gamit ko sa may sofa at saka lumabas na rin ako ng mansyon. Nakita ko naman si Matthew na nag-aabang sa labas ng gate.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon