XV.
*KRIIIING*
*KRIIIING*
"Mm..mm..ugh."
*KRIIIING*
Kinapa ko ang sidetable saka pinatay ang alarm clock. Minulat ko na ang mga mata ko at humikab. Bumangon ako ng kama pero inaantok pa rin ako. Hay.
Teka...ba't nandito na ako sa kwarto ko?! Kinusot ko pa ang mga mata ko para kumpirmahin na nasa loob nga ako ng kwarto ko. Pero paano?! Di ba kasama ko lang si Skye kahapon?
“Totoo 'yon Felicity, maganda ka."
"At kahit na umiyak ka pa, maganda ka pa rin."
Panaginip lang ba lahat ng 'yun? Pero bakit parang totoo lahat. Teka...
Tinignan ko ang kaliwang kamay ko at wala roon ang singsing. Tinignan ko naman ang kanan at ayun, suot ko nga ang singsing. Totoong nangyari nga ang lahat ng 'yon pero paano naman ako nakauwi kahapom?
*TOK* *TOK*
"Sisteret, kain ka na sa baba ah. Gora na akechiwa. Babush!" paalam ni Trevor. Agad naman akong bumangon ng kama at binuksan ang pinto.
"Teka," pigil ko rito.
"Bakit sisteret?" lingon ni Trevor na paalis na sana.
"Pa'no pala ako nakauwi kagabi?" nagtatakang tanong ko rito.
"Ahihi. 'Yun ba?" sagot sa'kin ni Trevor na parang naiihi pa sa kilig.
"Paano nga?" inip kong tanong.
"Edi inuwi ka ni papa Skye."
"Ha?!" Ano daw?! Si Skye, inuwi ako?
"Oo, tulog ka nga nung inuwi ka niya, buhat-buhat ka pa ni papa Skye. Ayiee. Hihi," panunukso pa nito sa'kin. Natameme naman ako, "Sige gora na akechiwa. Bye."
Naiwan naman akong tulala. Inuwi pala ako ni Skye. Nakakahiya! Naramdaman ko namang nag-init ang mga pisngi ko. Hay. Kakain na nga lang ako. Pumunta muna ako ng banyo para maghilamos pagkatapos, bumaba na ako para kumain. Pagkakain, umakyat na ako para maligo at mag-ayos. Habang nagbibihis sa kwarto, panay naman ang beep ng cellphone ko. Letse. Sino naman kaya 'yan? Pagkabihis ko, kinuha ko agad ang phone ko.
10 new messages.
From: Matthew Chua
Message:
Huwag mo na 'kong sunduin!
From: Matthew Chua
Message:
Huwag mo na 'kong sunduin!
From: Matthew Chua
Message:
Huwag mo na 'kong sunduin!
Kulit din ng lahi nito ni Matthew. Pwede namang isa beses na lang magtext, kailangang sa kanya sampu pa.
Kinuha ko na ang bag ko at mga gamit at umalis na ako ng bahay.
//
[Matthew's POV]
Message Sent.
Message Sent.
Message Sent.
'Yan, siguro naman hindi na niya ako susunduin niyan.
"Ara--" biglang kumirot ang sugat ko. Lintik. Ang sakit pa rin.
Tch. Hindi na talaga ako papasok ngayon. Nakakatamad pa. At siguradong kukulitin lang ako ni Bullet tungkol sa binti ko. Nakakairita pa naman ang babaeng 'yon. Pch. Kasalanan 'to ng mokong na 'yon. Ba't kasi kailangan pa nilang bumalik? Mga pasakit lang sila sa buhay ko.
*TOK* *TOK*
"Sir Matthew, kumain na po kayo ng agahan ninyo."
Tumayo na ako sa kama at iikang naglakad palabas ng kwarto. Kumikirot lalo ang sugat ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Nakarating na ako ng dining area at nandoon na sina papa at mama na nakaupo. Umupo na rin ako pero hindi ko sila kinakausap. Maiinis lang ako panigurado lalo na kay papa.
"Matthew, bakit hindi ka naka-uniform, hijo?" tanong ni mama.
"Hindi ako papasok," sagot ko at nagsimula na 'kong kumain.
“Bakit? Matthew Chua, ayusin mo nga iyang pag-aaral mo," pagalit na sabat naman ni papa.
"Masakit pa ang sugat ko," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Sugat? Anong nangyari sa'yo, hijo?" alalang tanong naman ni mama.
"Don't lie again Matthew. Ayusin mo na lang 'yang pag-aaral mo at huwag kang puro kalokohan." Kalokohan? Mukha ba talaga akong nagloloko? Lahat naman ng ginagawa ko may katumbas na pagpuna niya.
"Nakita niyo na ngang pipilay-pilay akong maglakad tapos sinasabi niyong nagloloko ako? Psh. Sabagay, kahit ano namang sabihin ko, hindi kayo naniniwala. Kanino nga lang ba kayo naniniwala?" iritado kong sabi. "Ah tama.. kay Skye lang. Si Skye lang naman pinaniniwalaan niyo, ‘di ba? 'Yung mokong kong kuya."
"Matthew, hijo, tama na 'yan," pag-awat sa'kin ni mama.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka na natutong gumalang sa'kin at sa kuya mo."
"Same to you, papa. Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo naniniwala sa'kin. Ano pang bago do’n?"
"Matthew." awat ni mama.
*BLAG*
Napahampas na lang sa mesa si papa at galit na tumayo saka umalis ng dining area.
"You shouldn't be treating your father like that," sermon ni mama pagkaalis ni papa.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy na ako sa pagkain. Shouldn't be treating him like that? Sana naman ituring niya rin akong anak kung gusto niyang ituring ko siyang tatay.
//
[Felicity's POV]
Habang naglalakad sa hallway papunta ng classroom, nakita ko naman ang mga schoolmates ko na nagkukumpulan sa tapat ng bulletin board kaya agad ko silang nilapitan. Sisilip din sana ako kaso ang daming nakaharang kaya hindi ko makita kung ano bang meron.
"Felicity," narinig kong may tumawag kaya napatingin ako sa bandang kaliwa ko at naroon nakatayo si Skye at nakangiti sa'kin.
"Ikaw pala Skye."
"Halika, sabay na tayo. Sasabihin ko na lang sa'yo kung anong nakalagay sa bulletin board," sabi ni Skye kaya naglakad na kami.
Kinuwento naman niya sa'kin na isang announcement daw ang nakalagay sa bulletin board. Farewell party para sa aalis naming dean.
"Kelan naman 'yon?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Wednesday, next week. Sa gymnasium, kaya hindi muna 'yon gamitin this week kasi inaayos na nila ang para sa party," sagot ni Skye.
"Malapit na pala."
"Pumunta ka Felicity.," pag-imbita ni Skye.
"Ha? Pero..."
"Hindi pwedeng hindi ka pumunta. At saka, ang section namin ang tutugtog para sa party kaya gusto ko nando’n ka." sabi naman ni Skye.
"Talaga? Tutugtog kayo?" Edi kung gano’n, sasama na ako. Hehe.
"Oo, kaya dapat nandon ka," nakangiting sagot niya.
"O sige na nga," pagpayag ko.
"Good. Sige Felicity," sabi naman ni Skye. 'Di ko namalayang nasa tapat na pala kami ng classroom ko kaya nagpaalam na rin ako sa kanya.
//
[Matthew's POV]
"Psh. Bwisit!" natalo na naman ako sa lintik na larong 'to.
Hinagis ko na lang sa kama ang PSP ko at tumayo na ako mula sa sofa. Medyo masakit pa rin ang sugat ko. Tinignan ko ang wall clock. 1:20 PM. Kung gano’n, breaktime na nila panget ngayon.
Dumiretso ako sa tapat ng sidetable at kinuha ko ang phone ko. Matawagan nga si panget.
*RIIIING*
*RIIIING*
"Hello?" sagot ni panget.
"Panget."
"Ba't 'di ka pumasok?" tanong pa niya.
"Nakakatamad eh." Saka kasalanan ng singsing mo.
"Pfft. Sa susunod, huwag kang aabsent kung 'yan lang dahilan mo. Hay. Pasaway talaga," sermon naman niya. Tch. Kasalanan mo naman talaga kung ba’t ‘di ako nakapasok.
"Sa ayokong pumasok, aantukin lang ako."
"Hay ewan," sabi nito, "Ba't ka pala tumawag?"
"Kasama mo ba ang mokong kong kapatid?" tanong ko na lang. Hindi ko rin alam kung bakit ko tinawagan 'tong panget na 'to. Basta gusto ko lang marinig boses niya ngayon.
"Hindi. Bakit?" sagot ni panget. "Tsaka, 'wag mo nga siyang tawaging mokong, kuya mo kaya siya."
"Pareho lang ‘yon.”
"Ibababa ko na 'to." paalam ni panget.
"Teka."
"Ano na naman?" iritado niyang tanong. Pasalamat siya wala akong ganang asarin siya ngayon.
"Bu--"
"Matty!" biglang naputol ang sasabihin ko dahil sa isang nakakarinding tawag. Nilingon ko ang taong tumawag sa'kin at mas lalo lang akong nairita nang makita ko siya.
"Ano bang ginagawa mo dito? Lumabas ka na nga!" inis kong sabi at pinatay ko na ang phone.
"Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari sa'yo yesterday. Hindi ka rin pumasok ng afternoon classes mo kahit nakita kitang pumunta ng university kaya umabsent ako sa afternoon classes ko para puntahan ka. Hihi," nakakairitang sagot nito.
Bumalik ako at naupo ulit sa sofa. Dumating pa 'tong si Bullet. Tiyak kukulitin lang ako nito.
"Hey Matty, answer me, ano ngang nangyari yesterday?" pangungulit ni Bullet at umupo rin siya sa sofa.
"Wala," sagot ko, "Huwag mo nga akong kulitin. Psh."
"Pero gusto ko lang malaman. Please Matty, tell me."
Mukhang 'di talaga ako tatantanan ni Bullet. Tss. "May kinuha lang akong walang kwentang bagay tapos naaksidente lang ako."
"What? You risked your life para sa isang walang kwentang bagay? Matty, ano ba 'yong kinuha mo?" tanong pa nito. Risked my life? ‘Di naman ako tumalon ng building, bakod lang ang tinalon ko. Nagkataon lang na mali ang pagtalon ko kaya nasugatan at napilayan ako.
"Walang kwentang singsing." naiinis kong sagot.
"Singsing?!"
"Pwede ba huwag ka nang sumigaw, nakakarindi.”
"Pero..hindi mo na dapat kinuha 'yon kung wala palang kwenta sa'yo ang singsing na ‘yon. Napahamak ka pa. Sana pinakuha mo na lang 'yon sa iba."
"Ayokong makonsensya kaya ko 'yun ginawa." bulong ko.
//
[Felicity's POV]
"Sige Skye, salamat," paalam ko rito.
"Bye," tugon ni Skye at tuluyan na siyang umalis.
Pumasok na ako ng classroom ko at napansin ko naman ang kaklase kong nanabunot sa'kin kahapon. Ang sama ng tingin niya at nginitian pa ako nang nakakaloko. 'Di ko na lang siya pinansin at naupo na ako sa pwesto ko. Tahimik lang ako sa buong klase. Nahuhuli ko ring tumitingin sa'kin iyong babae kong kaklase pero agad niya ring iniiwas kapag tinitignan ko siya at mangingiti na lang siya. Ang weird nga eh.
"Okay class, that's all for today. Goodbye," paalam ng prof at lumabas na ito.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na ng classroom, nagpahuli na ako sa paglabas. Nakita ko naman si Skye na nag-aabang sa labas ng classroom kaya nilapitan ko siya.
"Skye, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Sinusundo kita sa room mo para ihatid ka sa bahay niyo," nakangiti niyang sagot.
"Eh? Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to. Lagi mo na lang akong hinahatid sa'min, nakakahiya na sa'yo. Akala nga ng kapatid ko—“ Hehe, muntik ko na masabi, buti na lang napigilan ko. Kahiya naman kay Skye.
"Ano? Akala niya boyfriend mo ako?" tanong ni Skye.
"Ha?! H-Hindi. Sino naman mag-aakala ng gano’n? Wala namang magsasabing boyfriend kita. Hehehe." pagtatanggi ko.
"Okay lang 'yon, Felicity. Okay lang naman sa'kin kung sabihin nilang girlfriend kita," nakangiting sabi ni Skye.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko. Lumakad na kami ni Skye palabas ng university at sumakay ng bus. Bigla ko naman naalala ang sinabi ni Trevor. Hindi ko pa pala natanong kay Skye kung anong nangyari kagabi.
"Skye," tawag ko rito.
Nilingon naman niya ako. "Bakit Felicity?"
"'Yong..iyong nangyari pala kagabi. Kasi...wala akong matandaan eh," sagot ko.
"'Yun ba? Nakatulog ka kasi kakaiyak kagabi, nakakahiya naman kung gigisingin kita kaya binuhat na lang kita at sinakay sa taxi papunta sa inyo," sagot naman ni Skye.
"Ah..gano’n ba? Salamat talaga Skye."
“Walang anuman Felicity. Basta, umiyak ka lang kung gusto mo, nandito lang ako," nakangiti nitong tugon.
//
\\
Wednesday.
Walang pasok kaya magtututor ako kay Matthew ngayon. Maaga palang ay nagbihis na ako at maaga rin akong nakarating kina Matthew. Nakita ko pa ang papa nila nang papasok ako ng mansyon pero nagmamadali ito, papasok yata ng opisina kaya hindi ko na nabati. Pumasok na ako sa loob at nagulat naman ako nang makitang lumabas si Skye sa isa sa mga kwarto. Nasorpresa rin siya nang makita ako at agad niya akong nilapitan.
"Felicity." Nakangiting bati niya.
"Nandito ka pala Skye. Hehe." sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Itu-tutor ko ngayon si Matthew," sagot ko.
"Panget.," bigla namang may tumawag. Napatingin naman ako sa may hagdan at nakita kong nandoon si Matthew. At napatingin din si Skye.
"Good. Bakit hindi na lang tayo mag-group study?" suhestyon ni Skye.
"Sige!" tuwang-tuwa kong sagot.
"Ayoko." sagot naman agad ni Matthew.

BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...