Chapter XIX

7.2K 119 25
                                    

XIX.



[ Matthew's POV ]



" Nagustuhan mo ba Felicity?


" Oo naman Skye. " ngiting-ngiting sagot ni panget.



Tch. Tumayo na ako at umalis sa table. Puro kabaduyan. Nakakairita.


Lumabas na ako ng gymnasium at naglakad-lakad. Salamat naman at nakaalis na ako sa lugar na 'yun. Hindi ako makahinga sa loob, ang ingay-ingay ng lintik na tugtog sinabayan pa ng nakakarinding sigawan at kuwentuhan. Parang gustong sumabog ng ulo ko.



" And I like you that way. "



Ha! Patawa rin ang ugok na 'yun minsan.


Nagpatuloy lang ako ng lakad at napahinto ulit ako nang maalala ko 'yung mukha ni panget kanina habang pinapanood 'yung ugok. Ang lapad ng ngiti at halos literal na kumislap na ang mga mata niya, mukhang tanga. Bai mu! Nakakairita. Manghang-mangha na siya sa kabaduyan ng ugok na Skye na 'yun? Psh.


Nagpatuloy na ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa likod ng Building C. Matagal ko nang alam ang tungkol sa lugar na 'to pero ngayon ko lang ulit 'to napuntahan. Pwede na rin. Hindi masyadong maliwanag dahil isa lang ang ilaw. Pero mas gusto ko pa dito kaysa dun sa walang kwentang party, buti pa dito tahimik.


Umupo ako sa may likod ng isang malaking puno. Sumandal ako rito at ipinikit ang mga mata ko. Salamat at payapa na ang paligid.



//


[ Felicity's POV ]



Mag-isa na lang ako sa table. Umalis ulit kasi si Skye. Pero... ahihi, kakakilig talaga kanina. Alam kong pinagbubulungan ako ng mga bisita kanina pero hayaan na natin sila. Ayos lang namang mainggit sa'kin. Ahehe. Para akong baliw na tawa nang tawa sa upuan ko. Kinikilig ako eh, kasalanan ni Skye. Masyado kasi siyang sweet. Ahehe.


Binaling ko ang atensyon ko sa may stage at hinanap ng mga mata ko si Skye pero wala siya roon. Nasaan kaya siya?


Nanlaki naman ang mga mata ko nang mahagip ng tingin ko si Matthew sa gilid ng stage at parang may inaaway. Ewan ko lang kung talagang inaaway niya ito, kunot ang noo at galit kasi ang itsura ni Matthew habang kausap niya ang lalaki na kabanda yata ni Skye. 'Di nagtagal umakyat ito ng stage. Wala naman masyadong nakapansin dito dahil busy ang lahat sa kani-kaniyang mga mundo. Dumiretso si Matthew at naupo sa tapat ng midi piano at nagsimulang tumugtog.



(Now Playing: 'Til I Find You by Yiruma. Please play the video in the multimedia section. Thank you.)



♫♪♫♪~


~♪♫♪♫



Bigla namang natahimik ang lahat nang marinig ang tugtog ni Matthew at lahat natulala yata sa kanya. Siguro dahil nagulat sila nang bigla na lang itong sumulpot sa stage at tumugtog ng piano o pwede ring masyado lang maganda ang nililikha niyang musika kaya ayaw nilang 'di ito mapakinggan.


Ewan ko ba, pero sa tuwing naririnig ko siyang tumugtog parang kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Kumbaga, it feels like I'm under his spell. Ang weird talaga. Pero, hindi talaga maitaranggi na sobrang ganda ng tugtog at halatang gusto iyon ng lahat.



♫♪♫♪~

~♪♫♪♫



" OMG. I didn't know he can play the piano really well. "

" He look so hot right now. "

" I know right. Matthew Chua is really something. "


♫♪♫♪~

~♪♫♪♫



Hays. 'Di man lang niya sinabi na tutugtog pala siya. Kaya naman pala nandito siya sa party.



♫♪♫♪~



Lahat nagpalakpakan matapos ang special performance ni Matthew pero agad din itong bumaba ng stage nang hindi man lang nagba-bow o kaya magsalita sa mic. May topak talaga ang pasaway na 'to minsan.


Bumaba ito ng stage at dumiretso at naupo lang sa table namin na parang walang nangyari. Suot na naman niya 'yung sumasayad hanggang lupang simangot niya. Hays.



" Matthew. " tawag ko rito.



Hindi naman ito tumingin o kumibo kaya hindi ko na siya kinulit pa. Mukhang mas badtrip siya ngayon kesa kanina.



//


Thursday.



Tinext ako ni Matthew na huwag ko na daw siyang sunduin kaya mag-isa akong pumasok. Hindi ko rin ito nakita nung papasok na ako. Baka hindi siya papasok ngayon? Hmm...


Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Bullet kaya agad ko siyang nilapitan at sinabayan siyang maglakad.



" Bullet. "


Napatingin naman ito sa'kin at tila nagulat nang makita ako kaya agad siyang napahinto sa paglakad. " Felicity. "


Nginitian ko siya kahit medyo awkward ang pakiramdam ko. " Good morning. itatanong ko lang sana kung hindi ba papasok si Matthew ngayon? "


" Kanina pa siya pumasok. " sagot ni Bullet.


" Eh? "


" Tinawagan ko kasi siya kanina bago ako pumasok, sabi niya, nandito na daw siya sa school. " nakangiti nitong sagot.


" Ah ganun ba? Ahehe. Salamat. " sabi ko at lalakad na sana ulit.


" Sandali lang. " pigil sa'kin ni Bullet.


Nilingon ko siya ulit. " Bakit? "


" Si kuya Skye, ano bang relasyon niyo? "


" Ha?! " nagulat naman ako sa tinanong niya. " M-Magkaibigan lang kami. 'Yun lang. Ahehe. "


Napatango naman ito at mukhang naniwala sa sinagot ko. Wala naman talaga kasing namamagitan sa'min ni Skye maliban sa pagkakaibigan. 'Yon lang. Kahit na umaasa ako ng higit pa dun. " Okay, I'll go ahead na. "



At tuluyan na itong naglakad palayo. Hindi ko alam kung ako ba lang 'to o sadyang ayaw sa'kin ni Bullet. Ewan ko, iba kasi ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya, parang iwas siya sa'kin. Pero ayos lang, medyo awkward din naman ang pakiramdam ko sa kanya.


Naglakad na ako at nakarating sa classroom ko pero napatigil ako sa may pinto. Tinignan ko ang wristwatch ko. 30 minutes pa bago magsimula ang first subject ko.



" Kanina pa siya pumasok. "



Hmm...ba't kaya siya maagang pumasok ngayon? Puntahan ko kaya siya sa room nila? Eh..'wag na lang.


Papasok na sana ako ng room nang bigla kong maalala si Skye. Tatanungin ko na nga pala siya ngayon. Last chance ko na 'to kasi Friday na bukas. Kaya nagdesisyon akong pumunta sa room nila na nasa second floor lang. Naglalakad pa lang ako papalapit sa room nila, natanaw ko na si Skye sa tapat ng room, papasok na ito sa loob. Binilisan ko naman ang lakad ko at ilang hakbang na lang ako mula sa kanya nang may lumapit sa kanyang babae, nilingon naman ito ni Skye.



" Skye, don't forget 'yung interview, okay? " sabi pa nung babae.


" Yeah sure, I won't. " sagot naman ni Skye.



Para namang gusto kong magwala sa narinig ko. Naunahan na 'ko ng bruha. Paano na? Ano nang mangyayari?



" Okay, see you later. " paalam nung letseng babaeng mang-aagaw.

" Bye. " tugon ni Skye at tuluyan na itong pumasok ng classroom.



Sa totoo lang, gusto kong sumigaw, tumakbo at habulin 'yong mang-aagaw na babae at kainisan siya nang sobra. Alam niyo 'yon? Ako dapat 'yun eh. Ako dapat mag-iinterview kay Skye. Ilang beses ko nang sinubukang tanungin siya tungkol dun pero laging nauudlot tapos ngayon, mauunahan ako ng babaeng 'yon? Nakakainis! Wala naman akong magawa kundi ang mapakuyom na lang ng mga kamay.



Ano nang balak mo ngayon Felicity? Naunahan ka na ng bruha o. Siguradong yari ka sa prof mo kapag wala kang project. Tiyak bagsak ka sa subject niya. At kapag bumagsak ka, paniguradong mawawala na sa'yo ang pinakamamahal mong scholarship. At kapag ganun ang nangyari, magpaalam ka na sa mga pangarap mo...



Hindi, hindi, hindi, hindi. Hindi pwede.


" Hindi, hindi 'yon pwedeng mangyari. Hindi talaga. Hindi 'yon pwede. "


" Ang ano? " biglang sabat ng pamilyar na boses.



Tumalikod naman ako at nakitang nakatayo si Matthew sa harap ko.



" Anong hindi pwedeng mangyari? " tanong ulit nito.


" W-Wala, wala. "


" Psh. "


" O akala ko ba maaga kang pumasok? " pag-iiba ko ng usapan.


" Oo nga, nandun lang ako sa rooftop. " sagot nito.


" Ah..ganun ba? Sige, pasok na 'ko. " paalam ko at mabilis na naglakad palayo.


//

\\


*KRIIIIIING*



Biglang tutulala sabay buntunghininga. Ganyan ako sa buong klase. 'Di ko tuloy gaanong naintindihan 'yong dini-discuss ng prof namin. 'Di bale, pag-aaralan ko na lang 'yong mga notes sa bahay, may quiz pa naman bukas. Hays. Kapag malas ka nga naman.


Lumabas na ako ng room at dumiretso ng cafeteria. Wala roon si Skye.



" Skye, don't forget 'yung interview, okay? "



Pfft. Mang-aagaw.


Pagkabili ko ng pagkain, umalis na agad ako ng cafeteria at pumunta ng rooftop. Nandun na si Matthew, nakaupo sa bench, as usual. Lumapit ako sa kanya at inabot ang pagkaing binili ko. Pagkakuha niya nun, nakasimangot akong naupo sa bench. Napabuntunghininga na lang ako.



Goodbye interview. Goodbye project. Goodbye uno. Goodbye scholarship.



Hays.



" Ba't ganyan itsura mo? " tanong ni Matthew habang kumakain.


" Bakit? Lagi namang panget ang itsura ko, di ba? Di ba? "


" Mas pumanget ngayon. " asar nito. Hays.



Napabuntunghininga ulit ako.



" Ano nga? " inip nitong tanong.


" Siguradong babagsak na ako sa subject ko. " malungkot kong sagot kay Matthew.


" Congrats. " asar pa ni Matthew. Napatingin naman ako sa kanya na para bang gusto ko siyang pektusan. Hindi ko na nga alam gagawin ko, hindi pa siya matinong kausap. Hays. " Anong nangyari? Daig pa kita ngayon. "



Daig? Sapakin ko kaya 'tong pasaway na 'to? Porket hindi pa siya nakakaranas ng bagsak sa kahit anong subject, magyayabang na siya? Pinagyayabang na niya mga tres niya? Argh.



" Hindi pa naman ako bumabagsak kaya huwag kang magyabang dyan. " apela ko.


" Pero malapit na. " hirit pa nito.


" 'Yun lang. " sabi ko. " Kapag 'di ko nagawa project ko, tiyak bagsak ako. Pa'no na scholarship ko? "


" At mawawalan ka na rin ng trabaho. " dagdag pa ni Matthew.


" Eh? " napatingin naman ako sa kanya.


" 'Di ba kapag bumagsak ka sa kahit isang subject, hindi ka na pwedeng maging tutor ko kaya mawawalan ka na ng trabaho. "



Oo nga pala. 'Yon ang isang kondisyon sa'kin ni Mr. Chua. Naku naman. Okay lang na hindi na ako mag-tutor sa pasaway na 'to kaso... 'pag nawalan ako ng trabaho, paano kami ni Trevor? Hindi kami mabubuhay at makakapag-aral. Letse, lalong lumalaki ang problema ko dahil lang sa isang naudlot na interview. Nakakainis naman. Nakakaiyak.



" Ano ba 'yang lintik mong project? " tanong ni Matthew. " 'Yung interview? "


Napatingin naman ako kay Matthew na nagtataka. " Pa'no mo nalaman? "


" Andami kasing nagtatanong sa'kin kung pwede akong mainterview. Nakakairita. Sabi ko na ngang ayoko, nangungulit pa rin, 'di makaintindi. " paliwanag ni Matthew. " Ba't 'di mo tanungin crush mo? "


" 'Yon na nga eh. Naunahan na 'ko. "


" Ako na lang. "



Nagulat naman ako sa sinabi ni Matthew. Nagvo-vounteer ba siya na interviewhin ko? Eh? Matapos niyang tanggihan lahat ng nag-aalok sa kanya, heto siya at nagvo-volunteer na interviewhin ko. Eh?



" Anong ikaw? Ikaw na lang interviewhin ko? "


" Oo. " sagot nito. " Kawawa ka naman kasi kaya ako na lang. "


" Sigurado ka? Matthew Chua, ikaw ba 'yan? Baka may sumanib sa katawang lupa mo? " sabi ko.


" Psh. Ayaw mo? " iritado nitong sabi.


" Oo na nga, sabi ko. " baka magbago pa isip nito. Ahehe.


Nilapag naman niya ang natira niyang pagkain sa bench at tumayo. Sinuksok pa nito ang mga kamay sa bulsa niya. " May isang kondisyon. "


Tumayo na rin ako. " Ano? "


" Dun ako sa inyo matutulog ngayon. " sagot nito nang hindi tumitingin.


" Ha?! " nanlaki naman ang mga mata ko. " Seryoso ka?! "


Tumingin naman ito sa'kin. " Oo. "


" Pero... " Gusto ko sanang tumanggi pero may choice pa ba 'ko? " Sige na nga. "


//

\\



Pagkatapos ng last subject ko, dumiretso na agad ako sa room nina Matthew. Tapos na rin ang last subject nila, naabutan kong nagsisilabasan na ang mga kaklase ni Matthew mula sa room nila. 'Di nagtagal, nakita ko nang lumabas si Matthew kaya agad ko sana itong lalapitan kaso napahinto lang ako nang makita si Skye na kasunod lang lumabas ni Matthew. Agad naman akong napansin ni Skye at nginitian pa ako, hindi ko siya nginitian pabalik. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko habang nakangiti siya sa'kin. Nagtatampo ako.


Kahit pa naiilang ako, lumapit ako para puntahan si Matthew. Nasa likod lang nito si Skye.



" Tara na. " aya ko kay Matthew. Gusto ko nang makaalis agad.


Paalis na sana kami nang lumapit si Skye. " Felicity. "


" Aalis na kami. " sabat ni Matthew.


Hindi naman iyon pinansin ni Skye at humarap siya sa'kin. " Felicity. " sabi nito sa mahinang tono. Eh..Skye, nagtatampo ako sa'yo kaya huwag mong..huwag mo 'kong...Argh.


" Tara na panget. " sabi ni Matthew.


" Sige Skye, alis na kami. " paalam ko rito nang hindi man lang siya tinitignan. Dahil nagtatampo ako.



Umalis na kami ni Matthew. Pagdating namin sa bahay, naabutan namin si Trevor na nakaupo sa sofa at naonood ng TV. Gulat na gulat naman ito nang makita ang bisitang kasama ko.



" Huwag kang lalapit, papatulan kita. " banta agad ni Matthew bago pa man makapagsalita si Trevor kaya wala na itong nagawa kundi umupo na lang at manahimik sa sofa.



Nilapag ni Matthew ang bag niya sa gilid at agad na dumiretso ng kusina. Pumunta siya sa ref at inusisa ang mga laman nun. Pfft. Takaw talaga.


Umakyat muna ako sa taas para magpalit ng damit. Pagpasok ko ng kwarto, nilapag ko ang bag ko sa mesa at napaupo sa kama.



" Felicity...Felicity...Felicity... "



Hays. Paulit-ulit ang boses ni Skye sa utak ko. Hindi, nagtatampo ako sa kanya. Pero...dapat ba talaga akong magtampo? Wala naman siyang kaalam-alam. Hay.


Tumayo na ako ng kama at pilit na inalis sa utak ko ang ideyang iyon. Magpapalit na lang ako ng damit. Pagkatapos kong tanggalin ang mga butones ng uniform ko, hinubad ko na ang blouse ko. Maghuhubad na sana ako ng sando nang marinig kong bumukas ang pinto kaya agad kong kinuha ang blouse ko at itinakip sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ang nagbukas ng pinto at nakita si Matthew na nakasilip.



" Anong ginagawa mo dito?! "



Binukas na niya nang husto 'yong pinto at saka siya pumasok.



" H-Huy! Lumabas ka nga, magbibihis ako! " suway ko habang hawak pa rin ang blouse na tumatakip sa harapan ko.


" Dito ako matutulog mamaya. " sabi nito.


" H-Ha?! Ano ka?! Doon ka sa sofa! "


Napasimangot naman ito sabay tingin sa'kin nang masama. " Gusto mong bumagsak sa subject mo? Sige, uuwi na lang ako. " Sabi nito at aktong lalabas na ng kwarto kaya agad ko siyang pinigilan.


" Oo na! Oo na, dito ka na matulog. "


Lumingon naman ito sa'kin at ngumiti nang nakakaloko. " Mabuti nang malinaw. Dito ako matutulog mamaya, dyan sa kama. "


" Oo na. " sabi ko na lang para tumigil na siya. " Lumabas ka na, magbibihis pa 'ko. "



Dumiretso ito sa kama sabay upo.



" Huy, alis na. " sabi ko pa.


" Ayoko. " sagot niya sabay higa pa sa kama. Argh. Pasaway.


" Magbibihis pa 'ko! " iritado kong sabi.


" Magbihis ka, hindi naman ako manonood. Wala naman akong interes dyan. " sagot ni Matthew habang nakahiga at nakatitig sa kisame.


Hays. Dumiretso ako sa gilid ng kama, nakatakip pa rin ang blouse sa harapan ko. " Huy, alis na dyan. Dun ka muna sa labas. "


" Ayoko. " sagot ni Matthew na diretso pa rin ang tingin sa kisame.


" Pfft. Ako na lalabas. " pagsuko ko sabay talikod pero nagulat ako nang biglang kunin at hilahin ni Matthew ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang blouse na hawak ko at mapaharap ako at mapahiga sa may gilid niya.



AHHHH!


Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Nakahiga ako sa tabi ni Matthew. Parang ganito lang ang nangyari noong huli siyang magpunta dito pero hindi, mas malala yata 'to.


Nakapatong ang ulo ko sa may bandang kaliwa ng dibdib niya dahil mas matangkad ito kumpara sakin. Parang nanigas ang katawan ko. Shizz. Parang may kakaiba ring pakiramdam sa kaloob-looban ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi nagsasalita si Matthew, ako naman parang tumakbo palayo ang boses ko at hindi ko mahabol. Kahit anong pilit ko, walang lumalabas sa bibig ko. Basta, nanigas na lang ako na parang patay sa tabi ni Matthew.


Ilang saglit pa, tumagilid ito kasabay nun, naramdam ko ang mga braso niyang nakabalot sa'kin. Kaya ngayon...yakap niya 'ko. Ramdam na ramdam ko 'yon. Ramdam na ramdam ko 'yung paghinga niya. Naaamoy ko pa 'yong napakabango niyang perfume. Hindi iyon basta-bastang mabango, amoy pangmayaman, amoy gwapo. Ramdam na ramdam ko rin ang mga braso niya, ang makinis na balat ni Matthew Chua, damang-dama ko. 'Yung ulo ko kaharap ng dibdib niya.



*BADUMP*

*BADUMP*



Teka...kaninong heartbeat 'yon? Akin ba? O kay Matthew?
Ewan ko. Basta, 'yon lang ang naririnig ko.



*BADUMP*

*BADUMP*



Ang init ng pakiramdam ko dahil sa pagkakayakap sa'kin ni Matthew ngayon. Naramdaman ko pang hinigpitan niya ang yakap niya kaya mas lalong napalapit ang ulo ko sa may dibdib niya.



*BADUMP*

*BADUMP*



Kay Matthew pala ang heartbeat na naririnig ko. Ang lakas. Rinig na rinig ko.



*BADUMP*

*BADUMP*



Teka...ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Hays. Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam kung ano 'to. Nakakainis naman.

=====================================

Tenen! MatTy moment! HAHAHAHA. Ayown, so natanggal na nga sa pagkaka-blocked ang FB ni Matthew kaya binigay niya kay Felicity 'yung isa niyang account. Nandyan sa EXTERNAL LINK 'yung FB ni Felicity. Tawa ako nang tawa kay Matt-Matt kasi pinagkakaguluhan DAW siya sa FB. Lol! XD

O siya, MAHAL KO KAYO~ - Waffles♥

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon