XXXV. -- Part 1
"A-Ano?" parng tumigil ang mundo nang marining ko ang mga huling katagang binitawan ni Matthew. Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya sa'kin ang bagay na iyon pero ngayong harapan niya iyong sinabi sa'kin, parang nakalutang ang katawan ko. Nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, sinamahan pa ng dumadagundong na kabog ng dibdib ko, "T-Tama ba 'yong narinig ko?"
"Oo, gusto kong akin ka lang..." ulit ni Matthew. Mariin ang pagkakasabi niya pero bakit kakaiba ang dating n'on sa'kin? Pakiramdam kong seryoso talaga siya sa sinabi niya.
"Kung sabihin kong ayoko?"
"Mahal mo ba si Skye?" balik na tanong niya, "Kaya ba ayaw mo dahil mahal mo ang walang kwentang lalaking 'yon?"
"H-Hindi..," naguguluhan kong sagot, "Hindi ko alam. Magulo pa ang isip ko ngayon."
"Kung gan'on, bakit?"
"Ayokong magpadalus-dalos. Ayokong gumawa ng desisyon na baka pagsisihan ko o pagsisihan mo sa huli. Hindi isang laro ang pumasok sa isang relasyon na kapag ayaw mo na, basta ka na lang bibitaw at pwede kang sumubok ng kahit ilang ulit mo gustuhin. Nasasaktan at napapagod din ang puso, Matthew."
"Sige," usal ni Matthew saka ako tinalikuran. Nakita ko pa ang pagtaas-baba ng mga balikat niya kasabay ang isang malalim na paghinga, "Umalis ka na..."
"A--"
"Alis na." mariing sabi nito.
Wala na akong nagawa o nasabi pa. Tumalikod na ako at tuluyang umalis ng rooftop. Nagi-guilty ako na nalulungkot gayong wala naman talaga akong dapat ika-guilty dahil tama naman ang ginawa ko, 'di ba? Iyon ang nararapat kaysa naman pumayag ako sa hinihingi niyang "relasyon" gayong hindi pa nga kami sigurado sa nararamdaman namin sa isa't isa at isa pa, hindi naman niya sinabing gusto niya 'ko o mahal niya 'ko.
"Gusto kong akin ka lang..."
Sa kanya lang ako? Hayy. Kahit pa sinabi niya 'yon, hindi naman ibig sabihin n'on na may nararamdaman na talaga siya para sa'kin dahil kung meron man, sana sinabi na niya nang direkta. Saka kung magkakaroon kami ng relasyon ngayon na magulo pa ang lahat, wala naman iyong maitutulong at mas lalala lang ang sitwasyon. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya? Alam kong hindi nila gusto na isang hindi nila kauri ang makatuluyan ng anak nila. At ayoko ring ilagay sa alanganin ang pagkakaibigan namin. Oo, gusto ko nga si Matthew pero sapat na sa'king magkaibigan kami. Ayos na 'yon.
Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Skye na paakyat naman. Saglit na nagtama ang paningin namin pero ako na mismo ang umiwas at dedmang nagpatuloy bumaba ng hagdan.
"Felicity..," tawag niya. Nasa gitnang baitang na kami ng hagdan noon, paakyat siya at pababa ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan, "Kayo na ba ni Matthew?"
Nasa huling baitang na ako ng hagdanan nang mapatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko siya binalingan ng tingin, "Hindi." maikling sagot ko saka akmang lalakad na nang magtanong ulit si Skye.
"Gusto mo ba siya?"
Napahinga muna ako ng malalim saka siya nilingon. Nakaharap siya sa'kin at para bang nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot. Nagmamakaawa ang mga tingin niya na parang sinasabi na sumagot ako ng 'hindi' pero hindi ako r'on nagpaapekto. Tinigasan ko ang boses ko at pinilit kong magmukhang walang pakialam. "Kailangan mo pa bang malaman 'yon, Skye?"
"Gusto ka niya," pahayag ni Skye na siyang ikinasorpresa ko. Napakurap ako ng ilang beses at pinilit na kinontrol ang sarili ko pero sadyang nagulat ako sa sinabi niya, "Kaya niya ginagawa ang lahat ng 'to dahil may gusto siya sa'yo."
"Maniniwala lang ako kung siya mismo ang magsasabi niyan sa'kin." sagot ko.
"Mahal kita," sabi naman ni Skye habang diretso ang tingin sa'kin, "Mahal kita. Naniniwala ka ba sa'kin?"
"Dapat pa ba 'kong maniwala sa'yo?" balik na tanong ko saka inalis na ang tingin ko sa kanya. Tuluyan na akong bumaba ng hagdan pero napahinto ulit ako nang muntik ko nang mabangga si Mhira. Kung hindi ako naging maagap, sadyang babanggain niya talaga ako. Masama at makahulugan ang tingin niya sa'kin, marahil narinig niya ang usapan namin ni Skye pero hindi ako nagpasindak sa kanya. Dinedma ko lang iyon at naglakad na 'ko sa hallway.
Pagbalik ko ng classroom, gaya ng inaasahan, sa akin na naman nakatutok ang atensyon ng mga kaklase ko. Siguradong dahil sa nasaksihan nila kanina, mas lumakas ang hinala nila. At tiyak na magtatagal pa ang ganitong set-up. Sana lang ay makapag-focus ako sa exams namin sa Huwebes, ayokong mapunta sa wala ang lahat ng pagpapagod at pagrereview ko dahil lang sa kumakalat na tsismis.
//
Tuesday.
Hindi ko na sinundo si Matthew. Bahala na siyang pumunta ng school at kaya naman niya ang sarili niya. Ayaw ko munang makita kaming magkasama para na rin tumigil na ang mga kumakalat na kung anu-ano tungkol sa'min dito sa university. Ayoko nang lumala pa ito.
Buti na lang at half-day lang ang klase ko ngayon, kahit papaano ay makakaiwas ako sa pamatay na atensyong ibinibigay sa'kin ng mga tao sa campus. Baka nga nakarating na pati sa mga professors ang tsismis dahil nang makasalubong ko ang isa kong professor kanina, na nagkataon pang may pagka-terror at walang dudang may gusto kay Matthew, ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa saka tinaasan pa ako ng kilay. Akala mo teenager na nagseselos. Hay...
Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko mapigilang hilingin na sana lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Alam kong wala akong dapat ikahiya dahil inosente ako sa mga inaakusa nila sa'kin pero pakiramdam ko talagang kahiya-hiya ako dahil sa mga tinginan at bulungan ng mga tao. Ang ibang estudyante na nakakasabay kong maglakad sa hallway tapos biglang gigilid at magbubulungan, talagang nakakaimbyerna. Wala naman akong ketong, HIV o AIDS pero kung makaiwas sila, daig ko pa may malalang sakit. Ganoon ba kalaking kasalanan ang maging girlfriend ni Matthew Chua? Pakiramdam mo kaaway ka ng lahat, galit silang lahat sa'yo. Pfft. Kasalanan nga siguro iyon kung hindi ka kagandahan na gaya ko.
//
[Matthew's POV]
"Ba't 'di ka pumasok kuya?"
"Tinatamad ako." tipid kong sagot habang siniset-up ang PS3 ko sa harap ng LCD na nasa sala. At ayoko na ring makita ang mga pagmumukha ng mga babaeng paulit-ulit ang tanong at paulit-ulit akong pinipeste, nakakarindi.
"Aish, lazy head," sambit ni Waffles, "Pero...tell me, anong meron sa inyo ni ate Felicity ngayon? Are you together? Kayo na ba, ha, kuya?" sunud-sunod nitong tanong saka ako tinabihan ng upo sa tapat ng LCD. Tinignan ko ito at napangiti lang siya sa'kin.
"Wala." sagot ko saka balik ng tingin sa TV.
"Eng! Wrong answer," sabi naman niya, "It's either a 'yes' or a 'no' lang kuya."
"No." sagot ko at natapos na sa pagseset-up ng PS3.
"Weh?" pagdududa pa niya, "Eh ba't may picture kayo na nagkikiss?"
"Pa'no mo naman nalaman 'yon?" tanong ko habang nakatuon sa nilalaro ko.
"Syempre, ako pa. I'm a very good investigator, kuya," pagmamalaki niya, "And I won't be surprised kung maging couple kayo. To be honest, I like her for you. 'Yun nga lang..."
Napahinto ako sa paglalaro at binalingan ng tingin si Waffles. "'Yun nga lang ano?"
"Kasi...medyo...malabo pa na maging kayo sa ngayon."
"At bakit naman?"
"Dahil sariwa pa ang sugat na binigay sa kanya ni kuya Skye. Kahit pa sabihin nating gusto ka ni ate Felicity at hindi niya gusto si kuya Skye, masakit pa rin ang malamang naloko ka. And being in a relationship in this state wouldn't help at all. Let her recover first."
"Tss, pareho lang kayo ng iniisip." bumalik na lang ako sa paglalaro.
"But you like her, don't you, kuya?" parang batang tanong pa nito.
"No."
"Sus, deny pa," asar niya, "Obvious naman eh. You care for her, naiinis ka when kuya Skye's around her because you're jealous. Am I right?"
"Oo na." pagsuko ko saka tutok pa rin sa nilalaro ko. Ano namankung gusto ko nga ang panget na 'yon? Wala namang masama d'on at gusto niya rin naman ako.
"Sinabi mo na ba sa kanya 'yan kuya?" sunod nitong tanong.
Nilapag ko ang controller saka siya tinignan. "Kailangan ko pa bang sabihin? Hindi ba pwedeng ipakita ko na lang?"
"Tsk,tsk. 'Yan ang hirap sa inyong boys eh, gusto niyong ginagawang manghuhula ang mga babae. She won't know unless you tell her."
"Matalino 'yon, malalaman din niya." katwiran ko.
"Okay, let's say na alam niya pero hindi pa rin siya masa-satisfy d'on unless sasabihin mo sa kanya nang harapan. Ganoon ang mga babae, kuya." Kung makapagsalit 'tong bunso kong kapatid, aakalain mong mas matanda pa siya sa'kin at mas maraming alam.
"Kung makapagpayo ka, parang ang dami mong alam sa pag-ibig. May boyfriend ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Don't change the topic here, kuya." sagot niya.
"Answer my question first."
"Fine," suko niya, "Wala akong boyfriend. I swear." saka itinaas pa ang kamay niya na parang nanunumpa.
//
[Felicity's POV]
"Goodbye class." paalam ng prof at saka nilisan ang classroom. Tumayo na ako mula sa armchair at isinukbit ang bag ko. Lalabas na sana ako ng classroom nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nang makita ang pangalan ni Matthew sa screen ay 'di na ako nag-atubiling sagutin iyon at ni-reject ko agad. Kakalabas ko pa lang ng room nang tumunog ulit iyon pero gaya ng ginawa ko kanina, ni-reject ko ulit ang tawag. Akmang lalakad na ako sa hallway nang sa ikatlong pagkakatao'y tumunog na naman iyon. Sinagot ko na lang dahil mukhang walang balak si Matthew na tantanan ako.
"Ano bang kailangan mo?" inis pa ang tono ko nang sagutin ko ang tawag.
"Magkita tayo." kalmado nitong sabi sa kabilang linya.
"Ayoko." sagot ko agad.
"Sa park malapit sa university." 'Yong totoo? Bingi ba 'tong si Matthew o sadyang 'di makaintindi ng salitang 'ayoko'?
"Sabi ngang ayoko." giit ko.
"Magkita tayo after one hour." dagdag pa niya. Tss. Ang kulit din ng lahi nitong si Matthew.
"Matthew Chua!" bulyaw ko, "Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan? Sabi ko namang ayoko munang makipagkita sa'yp. 'di ba?"
"Kapag hindi ka pumunta, kalimutan mo na ang mga sinabi ko kahapon. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari." kalmado pero seryoso ang tono ni Matthew.
"A-Anong ibig mong sabihin?" bigla akong natigilan.
"Kapag pumunta ka, ibig sabihin, tinatanggap mo 'ko. Pero kung hindi ka pumunta, ibig sabihin na kailangan ko nang tapusin ang kalokohang 'to. Tatapusin ko na ang lahat. Hindi na kita ituturing na espesyal. Ituturing na lang kita bilang isang tutor dahil iyon naman ang gusto mo." 'yon lang at ibinaba na ni Matthew ang phone.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...