XXII.
[ Felicity's POV ]Nakalabas na kami ng mall ni Matthew at nandito na kami sa sakayan. Nagtaka naman ako nang sumakay ito ng bus na papunta sa'min kesa ang bus na pauwi sa kanila. Mabilis itong sumakay ng bus at agad akong sumunod. Naupo si Matthew sa dulong upuan. Pinagtinginan naman siya ng mga pasahero pero dedma lang siya. Tinabihan ko na ito pagsakay ko.
" Huy, ba't dito tayo sumakay? 'Di ba ihahatid kita? "
" Ihahatid kita. " simpleng sagot ni Matthew.
" Ha? " nagulat naman ako. " Seryoso? "
" Oo. Gabi na. "
" Okay. " sabi ko na lang.Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Magpapaalam na sana ako kay Matthew nang may kinuha ito mula sa bulsa niya. Inabot naman niya iyon sa'kin. Kinuha ko 'yon nang hindi tinitignan.
" Ano 'to? " napayuko naman ako at tinignan ang iniabot sa'kin ni Matthew. Isang singsing na may design pa na cartoon character na si baby Daffy Duck. Napaangat ako ng ulo tsaka tiningnan si Matthew. " Para sa'n naman 'to? "
" Wala. Wala akong magawa sa binigay ni Waffles. " At eto pala ang nakuha niyang item sa tickets na binigay sa kanya ni Waffles kanina. " Kesa naman isuot ko ang baduy na singsing na 'yan. Isuot mo 'yan, dapat suotin mo 'yan lagi. Kailangan araw-araw makita kong suot mo 'yan. "
" Ayoko nga. " pagtanggi ko.
" Dapat isuot mo 'yan araw-araw kundi yari ka sa'kin. " pagbabanta pa ni Matthew tsaka ito bumira ng alis.Anong napasok sa kokote nun? Kailangan suot araw-araw. Magmumukha naman akong ewan kapag sinuot ko 'to eh. Ibinulsa ko na lang 'yung singsing saka pumasok na ako sa loob ng bahay.
//\\
Saturday.
[ Waffles' POV ]" Alam na ba ng papa mo na bumalik ka na? " tanong ni Nathan.
" No. Uhm.. I guess so. Doon ako sa hotel namin nagii-stay. " napatingin naman ako sa kanya. " Ikaw? Sa'n ka pala nag-stay dito sa Manila? "
" I have some relatives here in Manila and I asked them kung pwedeng tumira muna ako sa kanila. "
" I see. " binalik ko naman ang tingin ko sa kawalan. " Hindi ka ba natatakot na magalit sa'yo si papa kapag nalaman niyang nakabalik na 'ko? I'm sure magpupuyos 'yun sa galit dahil natakasan kita. "
" No. Believe it or not, hindi ako natatakot. " kalmado niyang sagot.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. " Then why did you came after me? Hindi ba para pilitin akong bumalik ng Korea? Hindi ba iyon ang dahilan mo? "
Siya naman ang bumaling sa kawalan. " No. Pwede naman akong mag-stay sa Korea if I want at hintaying masisante ng papa. Oo, pwede ring sundan kita dito at piliting bumalik doon pero hindi iyon ang dahilan ko. Wala na akong pakialam kung parusahan ako o ano, basta ang gusto ko... " ibinalik niya ang tingin niya sa'kin. " Lagi ka lang nasa paningin ko. "
I chuckled. " Huwag mo sabihing may balak kang ligawan ako? "
He smiled. " Pwede ba? "
" Seryoso ka? Kahit ten years ang age gap natin? "
" Oo naman. Dati, hindi ako sigurado sa nararamdaman. Akala ko 'yung nararamdaman ko noon ay parang pagmamahal lang ng kuya sa kapatid. Pero as the days, months and years pass by, mas lalong lumalim iyon hanggang sa tuluyan ka nang napamahal sa'kin. " sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Novela JuvenilMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...