XXXII.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko kay Matthew habang nakapasan ako sa likuran niya.
"Tara na," sabi nito habang nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Kinuha ko 'yon saka tumayo. Pinahid ko na rin ang mga natirang luha na tumulo sa pisngi ko, "Pumasan ka na sa'kin."
"H-Ha?"
Tumalikod siya at bahagyang tumalungko. "Dali na."
"Hindi ko alam," sagot ni Matthew habang naglalakad, "Hindi ko rin alam kung saan tayo pupunta."
"Ha?" nagtataka kong sabi, "Kung gano'n, ibaba mo na lang ako at umuwi na tayo. Saka mabigat ako."
"Mabigat? Psh. Mas mabigat pa nga yata sa'yo si PoPo. Ganito ba kayo kahirap at wala na kayong makain kaya sobrang gaan mo?" sagot naman ni Matthew.
"Mabigat ka lang talaga kaya nagagaangan ka sa'kin. Palibhasa, isang dram ng pagkain ang kinakain mo araw-araw," sabi ko naman.
"Tss. Manahimik ka na nga lang. Kapag nagalit ako, ihuhulog kita," banta pa niya. Para talaga 'tong bata, ang daling inisin. Hehe.
"Isasama kita sa pagkahulog," sagot ko at mas hinigpitan pa ang pagkapit sa leeg ni Matthew.
"Huwag mo 'kong sakalin," reklamo nito.
"Pasensya na. Hehe," paumanhin ko saka niluwagan ang kapit ko, "Sa'n ba kasi tayo pupunta?"
"Sa lugar kung saan 'di ka na iiyak," sagot ni Matthew. Ano raw? Lugar kung saan hindi na ako iiyak?
"At saan naman 'yon?" maang kong tanong.
"Maghintay ka na lang dyan panget."
//
[Waffles' POV]
"Kailan pa kuya?" tanong ko kay kuya Skye. Buti na lang at napigilan ko itong sundan sina ate Felicity at kuya Matthew. Mas magiging magulo lang ang lahat kapag nag-sabay-sabay ang emosyon nilang tatlo. Siguradong 'di rin 'to maaayos. Hindi ko ini-expect na magiging ganito ang birthday ko, "Kailan mo pa nalamang mahal mo na siya kuya?"
Napahilamos naman siya ng mukha at napasandal sa sofa. "Hindi ko rin alam, basta 'yon ang nararamdaman ko."
"Pero totoo naman 'yang nararamdaman mo, 'di ba kuya? Hindi naman iyan kasinungalingan, 'di ba?"
Tinignan ako nang diretso ni kuya. "Totoo ang nararamdaman ko para kay Felicity. Mahal ko siya."
"Paano kung galit na siya sa'yo pagkatapos niyang malaman ang totoo? Pa'no kung 'di ka na niya mapatawad?" sunud-sunod kong tanong kay kuya.
"Gagawin ko ang lahat. Lahat ng gusto niya, patawarin niya lang ako. I can't lose her...especially now. Ngayong mahal na mahal ko na siya." Nakakaawa ang itsura ni kuya Skye. Hopeless, iyan ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ko naman magawang kampihan ito dahil in the first place, siya ang mali.
"Bakit mo ba kasi siya niloko kuya? Alam kong hindi iyon para saktan si kuya Matthew. Hindi ka gano'ng kababaw na tao kuya so what's your real motive?"
//
[Felicity's POV]
"Dito? Sigurado ka ba Matthew?" nag-aalinlangan kong tanong. Umalis na rin ako sa pagkakapasan sa likod niya.
Tinignan naman ako nito. "Oo."
"Sa perya? Nasubukan mo na bang pumunta rito dati?" tanong ko.
"Hindi. Ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong lugar," sagot naman niya.
"Ba't mo naman ako dito dinala?"
"Wala lang, gusto ko lang at masaya raw dito," kinuha niya ang kamay ko, "Tara na nga panget."
Pagpasok namin sa perya, punung-puno ng tao. Marami pa ang napapatingin at napapalingon kay Matthew pero dedma lang ito sa kanila.
"'Tol, 'di ba artista 'yan?" pansin ng isang lalaki pagkakita sa'min.
"Oo brad, 'yan 'yung sikat na maraming commercial," sagot naman ng isa.
Magkahawak ang kamay, inikot namin ni Matthew ang perya. Nalilibang naman ako sa pagtingin sa iba't ibang booths na naroon. Ang daming mga laro at mga pakulo.
"Ano 'to?" nagtataka kong tanong nang tumigil kami sa isang booth. Hindi naman ako pinansin ni Matthew. Nakipag-usap ito nang sndali sa bantay ng booth at saka nagbayad. Inabutan naman siya nito ng isang malaking kahon na hindi ko alam kung ano ang laman, "Anong laman niyan?"
Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang isang babasaging plato. "Ayan."
Napatingin naman ako sa plato saka ibinalika ang tingin ko kay Matthew. "Anong gagawin ko rito?"
"Ibato mo, do'n sa pader," sagot niya. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin. Hinarap niya 'ko saka hinawakan sa mga balikat, "Kung nagagalit ka, ibato mo lang 'yan. Kung naiinis ka, ibato mo lang 'yan at kung pakiramdam mo gusto mo na namang umiyak, huwag kang iiyak at ibato mo lang 'yan."
Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak kong plato. Galit? Inis? Ni hindi ko nga alam kung ano bang nararamdaman ko ngayon.
"Kahit anong nararamdaman mo, bumato ka lang ng plato," dagdag ni Matthew.
Mahigpit akong napahawak sa plato at napahinga pa nang malalim. Hinarap ko ang pader na ilang talampakan ang layo sa'min saka ibinato ang plato hanggang sa tumama iyon sa pader.
"Psh. Ano bang ginagawa mo?" sabi naman ni Matthew.
Tinignan ko naman siya. "Ano bang mali sa ginawa ko?"
"Ilabas mo kung anong nararamdaman mo," kumuha ulit si Matthew ng isang plato mula sa kahon at sumigaw habang nakaharap sa pader, "Para sa walang kwenta at mokong kong kapatid!"
Malakas niyang ibinato ang plato hanggang tumama iyon sa pader at halos madurog ang mga piraso.
Hinarap ulit ako ni Matthew, "Naiintindihan mo na ba?" Tumango naman ako saka inabutan ulit ako ni Matthew ng plato. Napabuntong-hininga muna ako bago ko iyon kunin.
"Para sa panloloko sa'kin ni Skye!" sigaw ko saka malakas na ibinato ang plato hanggang mabasag iyon pagtama nito sa pader.
Medyo gumaan ang loob ko sa ginawa kong 'yon. Tama si Matthew, dapat ilabas ko lahat ng nararamdaman ko para 'di na 'ko mahirapan. Para mawala na rin ang mga ito agad.
"Para kay Skye!"
"Para sa lahat ng kasinungalingang narinig ko!"
"Para sa pagmumukha niyang tanga sa'kin!"
Lahat, lahat ng hinanakit dito sa loob ko, inilabas ko ng sandaling iyon. Ganoon din si Matthew. Lahat ng sakit, galit at inis namin sa mundo, sa pagbasag ng mga plato namin ibinunton.
//
[Waffles' POV]
"Kuya," agad akong tumayo mula sa sofa at sinalubong si kuya Matthew sa pintuan, "Sa'n ka galing?"
Hindi ako pinansin ni kuya at dumiretso lang siya ng hagdan.
"Matthew," tawag ni kuya Skye paglabas niya ng kusina, "Mag-usap tayo."
Natigilan naman si kuya Matthew saka nilingon si kuya Skye, "Pagod ako at ayokong kausapin ka. Kahit kailan."
"Nahanap mo ba si Felicity?"
"Oo. Kung 'di ko siya nahanap kanina, baka lumuwa na ang mga mata niya kakaiyak. Thanks to you," sagot ni kuya at tuluyan na itong umakyat.
//
[Felicity's POV]
"Sisteret!" bungad sa'kin ni Trevor pagpasok ko ng bahay. Niyakap pa ako nito, "Saan ka ba galing? Gabing-gabi na oh."
Ginantihan ko naman ang yakap niya. "Trevor..."
"Bakit sister? May problema ka ba?" malumanay niyang tanong.
"Tumigil ka na," sagot ko, "Para kay ate, tumigil ka na, okay?"
Umalis naman si Trevor sa yakap, "Tumigil saan sisteret?"
"Sa pagpapanggap," maikling sagot ko.
"Sisteret, ano bang ibig mong sabihin?" maang niyang tanong.
Tumingin ako sa mga mata niya nang diretso. "Hindi ka bakla. Kaya kung pwede lang, tumigil ka na."
Nabigla naman siya sa sinabi ko. Matagal ko nang alam 'yon pero hinayaan ko si Trevor sa gusto niya pero kanina, naisip ko na napakasama ko palang ate dahil hinayaan ko ang kapatid ko na magpanggap bilang ibang tao. Ayoko nang magpatuloy pa ang pagpapanggap niyang 'to dahil mismong sarili niya, niloloko niya. At napakasakit nang maloko, alam ko 'yon dahil naranasan ko na. Ngayon.
"S-Si--"
"Ginawa mo 'yon para sa'kin, 'di ba? Nagpanggap ka para sa'kin dahil gusto mo 'kong damayan," sabi ko, "Noong bata pa tayo, lagi akong inaasar ng mga kalaro natin dahil panget ako pero kahit ikaw ang bunso, ikaw naman ang laging nagtatanggol sa'kin. Ni minsan hindi mo ipinaramdam na panget ako. At nang mamatay sina mama't papa, ipinangako mo sa kanilang aalagaan mo 'ko. Pagkatapos ng libing nila, 'di ba sinabi mo sa'kin na bakla ka. Hindi ako naniwala no'n dahil alam kong 'di iyon totoo pero hinayaan pa rin kita."
"Tama, ipinangako ko 'yon kina mama at papa," sambit ni Trevor habang nakatingin sa may sahig.
"Pero bakit nga kailangan mo pang magpanggap na bakla? Hindi mo naman kailangang gawin 'to sa sarili mo."
Tumingin siya sa'kin nang diretso. "Dahil ayoko nang may umaaway sa'yo ate. Kaya naisip ko, kapag naging bakla ako, hindi ka na nila lalaitin, pupunahin at hahamakin dahil sa'kin na mapupunta ang mga atensyon nila. Dahil nga isa akong bakla. Ako na ang lalaitin nila at hindi na ikaw. Sa gano'ng paraan, mapoprotektahan kita."
"Pero hindi mo naman obligasyon 'yon. Ako dapat ang pumuprotekta sa'yo dahil ako ang ate mo," naluluha kong sabi.
"Alam ko 'yan ate pero 'di ko kayang makita ka na laging umiiyak dahil sa panunukso at pagpuna sa'yo ng iba. Hindi ka nila kilala ate pero hinuhusgahan ka nila."
Dahil sa labis na emosyong nararamdaman ko, niyakap ko na lang nang mahigpit si Trevor. Napakaswerte ko dahil siya ang kapatid ko.
//
\\
Friday.
Maaga kaming pumasok ni Matthew dahil kailangan ko pa siyang rebyuhin para sa examsnamin sa susunod na linggo. Doon pa man din nakasalalay ang grade namin kaya kailangan talaga naming magsunog ng kilay sa ayaw o sa gusto man ni Matthew.
"Do'n tayo sa rooftop," suhestyon ni Matthew habang naglalakad kami sa hallway. Nagtatalo kasi kami kung saan lugar kami magre-review.
"'Di pwede," tutol ko agad, "Walang table doon kaya pa'no tayo mag-aaral nang maayos? Saka isa pa, siguradong tutulala ka lang kapag doon tayo nag-review."
"Psh."
"Do'n na lang tayo sa likod ng Building C. Tahimik doon saka may table pa kaya komportable tayong makakapag-aral."
"Ayoko do'n," sagot agad ni Matthew.
"Kaya nga do'n tayo eh," sabi ko, "Tara na."
Pinagmdali kong maglakad si Matthew. Wala kaming dapat sayanginna oras.
Pagdating namin sa mini-park, pumwesto kami sa isa sa mga picnic tables. Umupo ako at agad na inilabas ang mga libro't notebook ko samantalang si Matthew naman ay nakatayo at nakatingin lang sa'kin.
"Umupo ka na," utos ko, "Mag-aaral na tayo."
Sabing ayoko rito," maktol naman niya, "Aalis na 'ko."
Akmang aalis na siya kaya agad akong tumayo at hinila siya pabalik sa mesa. "Kahit ngayon lang, sumunod ka naman sa'kin."
Tinignan naman niya 'ko nang masama at inilapag ang bag niya sa mesa saka umupo. "Oo na."
"Salamat," nakangiti kong sabi saka bumalik na sa pwesto ko. Ibinuklat ko ang libro at nagsimula na kaming mag-aral.
//
"Okay na ba?" tanong ko kay Matthew pagkatapos namin sa isang lesson. Tumango naman siya, "Himala yata, ang tahimik mo."
Tinignan naman niya 'ko. "Tinatamad lang akong magsalita."
Pfft. Lahat na lang kinakatamaran niya. "Okay, start na tayo sa susunod na lesson."
Hindi pa kami nakakasimula nang mapatitig si Matthew sa likuran ko. Nagtaka naman ako kaya lumingon ako at nakita ko si Skye na nakatayo 'di kalayuan at tila kakarating lang ng mini-park. Agad kong pinutol ang titigan naming dalawa at ibinalik ang atensyon ko sa librong inaaral namin.
Kahit pa lumapit ito sa mesa namin ay nagpatay-malisya lang ako at nagkunwaring may sinusulat at nagbabasa. Hindi ako makakapag-aral nang maayos kapag nandito siya.
"Felicity, pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko pa rin siya pinansin at umakto na lang akong nag-aaral, "Felicity..."
"Umalis ka na," sabat naman ni Matthew, "Nag-aaral kami."
"Felicity," pangungulit pa ni Skye pero hindi pa rin ako natitinag sa pag-arteng nag-aaral, "Kahit saglit lang, magpapaliwanag ako."
"Psh. Magsisinungaling ka na naman," sabi ni Matthew.
"Matthew, pabayaan mong kami ni Felicity ang mag-usap."
Napatayo naman si Matthew. "Pabayaang lokohin mo na naman siya?"
"Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo," sagot ni Skye.
Dahil hindi ko na matiis ang pagbabangayan nilang dalawa, tumayo na ako. "Tama na 'yan Skye. Ayoko munang makipag-usap kaya umalis ka na lang."
"Felicity, may dapat kang malaman."
"Pero hindi pa ;ko handang kausapin ka," agad kong tugon.
"Just five minutes. Please, Felicity," pakiusap pa ni Skye. Medyo naaawa na rin ako sa kanya pero naisip ko, karapat-dapat pa ba siya sa awa kong 'yon? Gayong nagawa niya 'kong lokohin dati.
"Umalis ka na," pagtataboy sa kanya ni Matthew, "Istorbo ka lang sa'min ni panget at isa pa, huwag ka nang lalapit sa kanya kahit kailan."
Napatingin naman ako kay Matthew sa sinabi niya, gano'n din si Skye.
"Matthew Chua," sabi ni Skye. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o may halong selos ang tono ng pananalita niya. Pfft. Ba't naman siya magseselos eh niloko niya nga ako.
"T-Tama na 'yan," awat ko.
Hinarap ako ni Skye saka kinuha ang kamay ko. "Felicity, kahit saglit lang, I really need to talk to you."
"Hindi pwede. Huwag mo nang ipagpilitan kay panget ang mga kasinungalingan mo," sabat muli ni Matthew.
Naiinis na si Skye no'n, ramdam ko. Hinarap niya si Matthew. "Why are you so protective of her? Gusto mo ba siya kaya ayaw mo siyang makausap ako?"
Saglit namang natigilan si Matthew pero agad din itong nakabawi, "Akin lang siya..."
A-Ano?
Napatitig ako kay Matthew. Totoo bang narinig ko?
"Ano?" 'di makapaniwalang sabi ni Skye.
"Akin lang si Felicity," pag-uulit pa ni Matthew. Natameme naman ako sa kinatatayuan ko, 'di rin makapaniwala sa narinig ko, "Kaya lubayan mo na siya."
Umalis sa pwesto niya si Matthew at nilapitan ako saka kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako paalis ng mini-park at nagawa pa niyang bungguin sa balikat si Skye. Hindi ko naman bitbit ang mga gamit ko at lahat 'yon naiwan doon sa picnic table.
"Sandali lang Matthew," hinawakan ko pa ang kamay niya pero ayaw pa rin niyang huminto sa paglalakad, "Naiwan ko ang mga gamit ko."
Sa sinabi ko, natigilan naman siya saka ako hinarap. Seryoso ang mga tingin. "Wala akong pakialam."
Maglalakad na sana ulit siya nang matigilan na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Nagtataka, nilingon ko ang ulo ko sa gilid at nasorpresa nang makita si Liberty.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Fiksi RemajaMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...