SU Special: 'MatTy'
"Dito muna ako.""Anong dito ka muna?" gulat kong tanong.
"Nakita mo naman kagabi na umuwi na sina papa kaya dito muna ako," sagot ni Matthew.
"Nagpaalam ka ba sa papa mo?" tanong ko ulit.
"Hindi na kailangan," sabi naman nito, "Panget, nagugutom na 'ko."
"Kasalanan mo 'yan. Pupunta ka rito nang ke-aga-aga tapos 'di ka pa pala nag-aalmusal."
"Ano bang pagkain niyo dyan?" tanong ni Matthew sabay tayo at diretso sa kusina. Grabe 'to, at home agad kahit ngayon pa lang siya nadayo rito. Pfft.
Sumunod naman ako sa kanya sa kusina. " Wala pa, magluluto pa lang ako. ""Anong oras na tapos ngayon ka lang magluluto ng breakfast. Magtatanghali na," reklamo nito.
"Eh naglinis pa 'ko eh," sagot ko, "Maghintay ka na lang dyan, magluluto muna ako."
Naupo naman siya sa maliit naming dining table, "Nasan pala ‘yung kapatid mo? Ba't 'di ko nakikita dito?"
"Tulog pa, puyat eh."
Hindi na ulit nagtanong at nagsalita si Matthew. Ako naman ay nagluto na ng agahan. Matapos ang halos kalahating oras ay inihain ko na ang niluto ko. Sakto namang bumaba na si Trevor pagkahain ko. Gulat na gulat ito nang makita si Matthew sa kusina namin.
"Oh em to the gee! Trulalu ba itey? Bebe Matthew?!" bungad ni Trevor.Asiwang-asiwa naman ang mukha ni Matthew nang makita si Trevor. Palapit pa lang ito sa kanya ay pinigilan na agad niya ito, "Dyan ka lang, huwag ka ngang lumapit kung ‘di masusuntok kita."
"Pero..."
"Hayaan mo na Tre-- este Tracey. Do’n ka na lang sa sala kumain.," sabi ko sa kapatid ko.
"Hindi na. Doon na lang ako sa sala niyo," sabi naman ni Matthew. Sumandok na siya ng pagkain niya at tumayo para pumunta ng sala.
Umupo na sa mesa si Trevor. Tahimik lang kaming kumakain. Sumesenyas pa nga sa'kin si Trevor, gustong itanong kung bakit nandito 'yang si Matthew pero nagkikibit-balikat na lang ako. Matapos ang 10 minuto, nakita kong tumayo na mula sa sofa si Matthew. Dala-dala ang wala nang lamang plato at baso niya, dumiretso siya at inilapag iyon sa lababo.
"Do’n na 'ko sa taas ah," sabi nito at mabilis na umakyat ng hagdan at nagtungo sa itaas ng bahay. Lalaking 'to talaga, parang bahay niya lang 'to kung makaasta siya."Sisteret," tawag sa'kin ni Trevor. Hindi pa kami tapos kumain noon.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong ginagawa ni bebe Matthew ditey?"
"Malay ko. ‘Di ko rin alam." sabi ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ni Trevor, siya na ang naghugas ng mga pinggan at nagpaalam pa ito na pupunta ng school para sa kanilang group activity. Umakyat na ako sa taas. Pag-akyat ko, nakita kong bukas ang pinto ng kwarto nina mama't papa kaya agad akong nagtungo doon. Inabutan ko naman si Matthew na hayahay ang higa sa kama kaya nag-init ang ulo ko.
"Matthew!" sigaw ko."Ano?! Ba't ba sumisigaw ka dyan?" iritadong sabi naman ni Matthew.
“Bumangon ka nga dyan! 'Di ka pwedeng mahiga dyan. Dali na, bangon na!" sabi ko rito at pilit na pinababangon si Matthew sa pamamagitan ng paghatak sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Подростковая литератураMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...