Chapter XVII

7.9K 99 3
                                    

XVII.

Saturday.


Tapos na ako sa pagtuturo ng mga lessons kay Matthew. Habang nagsasagot siya ng mga activities niya, ako naman inaasikaso ko 'tong project ko. Next week na kasi ang pasahan ang nakakabenteng tanong pa lang ako. Ang hirap ding mag-isip ng mga tanong lalo na 'yung mga bagay na gusto kong itanong kay Skye. Ano pa kayang pwede kong itanong sa kanya? Dapat 'yung may sense naman.

" Ano 'yan panget? " tanong ni Matthew sabay silip sa sinusulat ko.


" Wala. " sabi ko na lang at sinarado ang notebook ko at nagpatuloy sa pag-iisip.


" Tch. " at bumalik na siya sa pagsasagot.

Bigla namang nasagi sa isip ko 'yung party next week. Oo nga pala, isa pa 'yung problema ko. Hays. Napaalumbaba na lang ako sa mesa sa pag-iisip.

" Anong mas mahalaga sa'yo - pag-ibig o pera? " narinig ko namang tanong ni Matthew. Eh? Bigla naman akong napaangat ng ulo at tinignan siya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang hawak na niya ang notebook ko at binabasa niya pa ang mga nakasulat dun.


" Matthew! "


" Anong gusto mo sa isang babae? " pagpapatuloy pa nito sa pagbabasa.


" Akin na 'yan. " sabi ko at aktong aagawin ang notebook pero agad naman siyang tumayo.


" Para sa'yo, anong pinakagusto mong bahagi ng iyong katawan? " pagbabasa pa ni Matthew. Dedma lang ito sa mga sinasabi ko.


" Akin na nga! " sigaw ko.


Tumingin naman siya sa'kin. " Psh. Ano ba 'tong mga tanong mo? Ang babaduy. O ayan na. " sabi pa nito sabay balik sa'kin ng notebook.


" Bakit ba? Eh wala na akong maisip eh. " katwiran ko.


" Ewan. " bulong nito sabay talikod.


" Huy, sa'n ka pupunta? " tanong ko rito.


" Kakain, gutom na 'ko. " sagot ni Matthew.


" Eh 'yung activities mo? "


" Tapos na. " sagot nito sabay labas ng kwarto.

Himala. Natapos niya agad ang mga ativities. Hays. Bakaka mamaya puro kalokohan na naman mga sagot niya. Check ko nga.


Bumalik na ako sa study table at nag-umpisang i-check ang mga sagot ni Matthew.

" Totoo ba 'to?! " bulalas ko. Perfect kasi ni Matthew ang activities. Himala talaga. Isang sabak lang, na-perfect na niya agad. Ano kayang tumama sa kokote ng lalaking 'yun?

Pabor 'to sa'kin dahil tapos na ang trabaho ko rito. Tinignan ko ang wristwatch ko at 2:30 pa lang ng hapon. Ayos, medyo maaga ako makakauwi ngayon at magagawa ko na 'yung project ko sa bahay. Mabilis ko namang niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Pagkatapos, isinukbit ko na 'yun sa balikat ko at lumabas na ng kwarto ni Matthew. Pagbaba ko, dumiretso ako sa kusina para sana magpaalam. Naabutan ko naman si Matthew na nakaupo sa tapat ng kitchen island at masayang nilalantakan ang isang buong chocolate cake. Hays. Halimaw din 'tong isang ito. Hindi na nakuntento sa isang slice, gusto pa buong cake. Pfft.

" Arf! " bigla namang tumahol sa may paanan ko kaya napayuko ako at nakita kong nakatayo sa tabi ko si PoPo. Napaupo naman ako at pinat ang ulo nito.


" Oy. " tawag ni Matthew.

Napatingin muna ako sa kanya at tumayo na ako.

" Gusto mo? " alok ni Matthew.


" Bakit? Mamimigay ka ba? " tanong ko.

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon