Chapter XXI -- Part 1

6.4K 90 20
                                        

XXI. -- Part 1


[ Matthew's POV ]



Pagpasok ko ng rooftop, bumulaga agad sa'kin ang isang pamilyar na babae. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon pagkakita ko sa kanya.



" Matthew! " sigaw pa nito at agad akong nilapitan at niyakap.


//


[ Felicity's POV ]



May nakayakap na babae kay Matthew. Mahigpit ang yakap nito na tila ba sobrang namiss niya ito. Natigilan naman ako sa kinatatayuan ko. Tahimik ko lang silang pinapanood.


Umalis na sa pagkakayakap ang babae at tumingkayad pa para halikan sa pisngi si Matthew tapos ngumiti ito.



" Na-miss kita. " nakangiting sabi ng estranghera. Sino siya?


" Akala ko next week ka pa dadating. 'Yun ang sabi ng ugok. " sagot ni Matthew.


" Ugok? Haha. Ansama mo. " natatawa namang sabi nung babae. Napatingin naman ito sa direksyon ko kaya bigla akong kinabahan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


Napalingon na rin si Matthew. " Panget, pagkain ko? " tanong pa nito.


" Hahaha. " pagtawa nung estranghera. Pfft. Na-offend ako sa pagtawa niya. Tumawa ba siya dahil tinawag akong 'panget' ni Matthew? Hays.



Lumapit naman ako kay Matthew at nakasimangot na inabot ang pagkain nito. Nginitian naman ako ng estranghera at nilapitan pa ako kaya napaatras ako ng isang hakbang mula sa kanya.



" Hello. " nakangiti pang bati nito.


" Hello. " walang kagana-gana kong sagot. Nginitian pa niya ako lalo. Baliw ba 'to? Wagas kung makangiti eh. Pero maganda naman siya. Matangkad at maputi gaya ni Matthew. May dimple pa ito sa kaliwang pisngi na lalong nagpa-cute sa mukha nito.


Inilahad nito ang kamay niya sa'kin. " Nice to finally meet you, ate Felicity. "



Eh? Nanlaki naman ang mga mata ko. Paano niya 'ko nakilala?!


Nang hindi ko naman inilahad ang kamay ko sa kanya, siya na mismo ang kumuha nun at nakipag-shakehands sa'kin.



" Ako si Waffles, little sister ni kuya Matt-Matt. " pagpapakilala nito kasabay ang isang malapad na ngiti. Teka...kapatid siya ni Matthew? At... Matt-Matt daw? Hahaha. Cute naman ng tawag niya.?


" Pwede ba, huwag mo 'kong tawagin nang ganun. " iritadong sabi naman ni Matt-Matt..este Matthew. Ahehe.


Tinignan naman siya ni Waffles. " Bakit? Cute nga eh, di ba ate Felicity? " at nakangiti ulit itong tumingin sa'kin, hinihintay ang pagsang-ayon ko.


" Ah..eh..oo. Ahehe. "


" Psh. " singhal ni Matthew at dumiretso na ito ng upo sa bench.


" Tara ate Felicity, upo din tayo gaya ni kuya MATT-MATT. " at kinuha pa niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa bench para maupo na rin kami. Haha. Ang cute niya. In-emphasize pa talaga niya ang 'Matt-Matt' para paringgan si Matthew.


Katabi ko si Waffles at siya naman katabi niya si Matthew. Bale, nasa gitna namin siya ni Matthew. Tinignan ako ni Waffles. " Ate Felicity, gusto mo gala tayo mamaya pagkatapos ng klase niyo? "


" Ha? " nagulat naman ako sa imbitasyon niya. Kakakilala pa lang namin pero inaaya na niya akong mamasyal kami.


" Please. " naka-pout pa nitong pakiusap.


" O-O sige. " pagpayag ko. Mukha naman siyang mabait eh. " P-Pero...sa'n naman tayo pupunta? "


" Arcade! " mabilis na sagot nito.


" Ha? "


" Heh. Sa Timezone, masaya dun. Libre ko. " nakangiti nitong sagot.


" O sige. " Libre pala niya eh. Ahehe.


Nilingon naman niya si Matthew. " Kuya, sama ka ha? "


" 'Yoko. " sagot agad ni Matthew na abalang kumakain ng sandwich.


" Aish! Kuya Matt-Matt naman, KJ mo. " nakasimangot na sabi ni Waffles. Kinuha naman niya sa bulsa ng pantalon niya ang phone niya. Infairness, ganda ng phone niya, parang kay Matthew. " Sige ka kuya, kapag hindi ka sumama, ipapakita ko ka-- "


Naputol naman ang sasabihin ni Waffles nang biglang takpan ni Matthew ang bibig niya. " Oo na, sasama na 'ko. Basta, huwag mong isasama ang ugok na Skye na 'yon. " Tumango naman si Waffles kaya agad ding tinanggal ni Matthew ang pagkakatakip niya sa bibig nito.


" Sumbong kita kay kuya Cloud, kung anu-ano pa tinatawag mo sa kanya. " pagbabanta pa ni Waffles. Para siyang bata, parang si Matthew. Pero..mas cute ang pagiging bata niya, 'di gaya kay Matthew, nakakainis.


" Psh. Bakit? Kinakampihan mo na siya ngayon? " inis na tanong ni Matthew.


" Hindi. Kung may kakampihan man ako, si ate Felicity lang 'yon. " lumingkis naman ito sa braso ko. " Kampi kami ni ate Felicity. Bleh! "


" Tch. Magsama kayo. " iritadong sabi ni Matthew. " Kapatid ba talaga kita? "


" Oo, malas ko di ba? "



Natawa naman ako sa sinagot ni Waffles. Cute na palabiro pa at mukha pang mabait at masayahin, mukha namang magkakasundo kami kaysa dun kay Bullet. Ahehe.



Napasimangot naman lalo si Matthew. " Tss. "


" Okay lang 'yan kuya, love naman kita. " paglalambing naman ni Waffles.


" Sa'n ka ba tumutuloy ngayon? Sinong kasama mo? "


" Sa hotel. And yes, I'm all alone. " sagot ni Waffles.


" Alam na ba nila papa? " sunod na tanong ni Matthew. For the first time, nakita ko siya bilang isang mabait na kuya at kapatid.


" Ewan ko, I think so. Dun ako sa hotel natin nag-stay para libre. Heh. So I think they already know that I'm back. " napatingin naman ito sa phone niya. " Geez, I have to go. May pupuntahan muna ako. "


" Saan? " tanong ni Matthew.


Tumingin naman si Waffles kay Matthew. " Basta. " at saka tumingin sa'kin. " Sige ate Felicity, mamaya ah? Susunduin ko kayo ni kuya Matt-Matt. Bye! "



At umalis na si Waffles. Hindi man lang ako nakapagpaalam dito dahil nagmamadali itong umalis. Sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang sa makaalis na siya ng rooftop. Tinignan ko naman si Matthew, nakasimangot lang ito at tapos nang kumain.



" 'Di mo sinabing may isa pa pala kayong kapatid at babae pa. " sabi ko.


Binigyan ako ng matalim na tingin ni Matthew. " 'Di ka naman nagtanong. "


Pfft. " Oo na. Kasalanan ko na...pero... ilang taon na si Waffles? "


Inalis na ni Matthew ang tingin niya sa'kin at napacross-arms pa ito. " 15. "


" Talaga? Infairness, ang tangkad niya, mana sa'yo. Pero ba't ngayon ko lang siya nakita? "


" Syempre, kakabalik niya lang galing abroad. "



Napatango naman ako. Kaya pala. Buti pa ang mga kapatid nito ni Matthew, mababait. Bakit hindi yata napasa sa kanya 'yung kabaitan? Hindi umabot? Hindi napasa sa kanya 'yung gene ng pagiging mabait. Kumbaga, puro recessive ang napuntang traits sa kanya. O di kaya pinaglihi lang 'to sa sama ng loob o baka sa bulldog? Kaya siguro close sila ni PoPo. Ahehe.



//

\\



Tapos na ang last subject ko. Nagulat naman ako dahil paglabas ko ng classroom ay naroon at naghihintay sina Matthew at Waffles. Agad ko naman silang nilapitan at sinalubong naman ako nang nakangiti ni Waffles.



" Hi ate Felicity! " masayang bati nito.


" Hi. Ahehe. " Wala namang kibo si Matthew.


" Tara na. " aya na ni Waffles at kinuha pa nito ang kamay ko at hinila ako. Mabilis itong maglakad, sinusubukan ko namang sabayan ang lakad niya. Masyado yata siyang excited. Ahehe. Kasunod lang namin si Matthew.



Namasyal namin kami sa isang mall malapit lang sa university. Dumiretso agad kami ng TimeZone gaya ng plano ni Waffles. Hindi ko namang first time pumunta dito pero sobrang tagal na mula nung huli akong makapunta sa ganito. At saka isa pa, hindi naman ako mahilig maglaro sa mga ganito, ignorante ako pagdating sa mga ganito. Matapos naman maloadan ang card ni Waffles, hinila niya ako sa isa sa mga laro dun. Ewan ko kung anong tawag dun, Japanese kasi 'yung nakalagay dun sa machine kaya 'di ko maintindihan. Nasa likod lang namin si Matthew.



" Ate Felicity, laruin natin 'to, favorite ko 'to eh. " nakangiting sabi sa'kin ni Waffles.


" Ha? Pa'no ba 'yan? " tanong ko.


" Pipindutin mo lang 'yung mga bilog na dadaan. Basta, madali lang 'yan ate. Heh. " paliwanag pa niya.


" Okay. " sagot ko na lang. Mukha namang madali eh.


" Basta ate Felicity, sabay mo sa beat nung kanta ah? " bilin pa niya.


" Okay sige. "


Nilingon naman niya si Matthew na nasa likod namin. " Sama ka kuya? Para mas madali manalo at marami tayong makuhang tickets. "


" Ayoko. " sagot ni Matthew.


" KJ. "

=====================================

Para mawala ang kaba niyo. Parteeeeeyy~ Ayos ba? :3 - Waffles♥

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon