Chapter XXXI

5.7K 102 18
                                        

XXXI.


[Felicity's POV]


Ang tagal naman ng dalawang 'yon.


"Wait lang ate Felicity, may tawag lang ako," paalam ni Waffles saka ito pumunta ng kusina.


Ang sabi ni Skye tatawagin niya si Matthew pero kanina pa siya nandoon. Ano na kayang nangyari sa dalawang iyon? Dahil naiinip na rin akong mag-isa sa dining area, minabuti kong umalis muna saka sundan sa taas si Skye.


"Unfair naman 'yon sa kanya kung ikukumpara ko siya sa isang manloloko," narinig kong sabi ni Matthew pagdating ko sa tapat ng kwarto nito. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya kita ko ang nakatalikod na si Skye na kausap naman ni Matthew. Hindi muna ako kumibo dahil ayokong manghimasok sa kanila.

"Matthew, tumigil ka na. I've had enough," sagot naman ni Skye. Sabi ko na nga ba't nag-aaway na naman sila. Wala namang bago do'n eh.

"Bakit? Ano bang dapat kong itawag sa'yo Skye? Sinungaling?"

"Bumaba ka na. Huwag mong idisappoint si Waffles dahil birthday niya ngayon."


Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagkakasama sila ay lagi na lang may nagsisimulang away. Parang 'di sila magkapatid. Dahil lang sa iisang babaeng pareho nilang ginusto at minahal, naging karibal na ang tingin nila sa isa't isa. Hindi ko naman masisisi si Liberty kung minahal siya ni Skye at Matthew.


"No'ng gabing 'yon, no'ng farewell party, kinantahan mo pa siya. Tapos 'yon pala lahat ng 'yon ay isang kasinungalingan." T-Teka, a-ako ba ang tinutukoy ni Matthew? Pero ba't naman niya inuungkat ang nangyari noong farewell party? Dahil sa labis na kuryosidad ay pinakinggan at inabangan ko ang mga susunod na sasabihin ng magkapatid.

"That was Mhira Valderrama, right?" tanong ni Matthew. At bakit nasali dito ang babaeng 'yon? "Siya ang kahalikan mo no'n 'di ba?"


Teka..a-ano? K-Ka-Kahalikan...ni Skye?!


"H-Hindi..imposible..," pabulong ko pang sabi sa sarili ko habang napapailing. Talagang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Matthew tumigil ka na," ang tanging nasabi ni Skye. Skye sabihin mo, hindi 'yon totoo, hindi ba? Ipagtanggol mo naman ang sarili mo, please. Kahit ngayon lang, huwag ka munang maging mabait na kuya. Sabihin mo ang totoo. Sige na...

"Siya 'yon, 'di ba? Ang kahalikan mo no'ng farewell party?" pag-uulit pa ni Matthew. Hindi, alam kong hindi iyon totoo. Imposible.

Kasabay ng pag-atras ko ay ang biglang paglingon ni Skye. "F-Felicity..."


Gulat na gulat siya at kita ko ang pagkakaba niya nang makita niya ako. Matagal kaming nagkatitigan. Nagtatanong ang mga tingin ko pero sa mga tingin ni Skye ay wala akong ibang maramdaman kung hindi pagsisisi. Pagsisisi? Dahil ba totoo ang mga narinig ko ngayon lang? Totoong naghalikan sila ng Mhira na iyon? Gusto kong itanong iyon kay Skye pero sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob na kausapin siya, para makapagsalita.

Tinangka akong lapitan ni Skye pero agad akong tumalikod at tumakbo paalis. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero isa lang ang gusto kong gawin - ang tumakbo at iwan ang lahat ng mga nalaman ko doon sa mansyon. Kahit pa alam kong 'di ko talaga matatakasan ang mga narinig ko kanina, gusto ko iyong takbuhan hangga't kaya ko. Gusto kong tumakbo nang tumakbo palayo at baka sakaling hindi ako masaktan. Alam kong hindi 'to panaginip kaya kahit paulit-ulit ko pang sampalin ang sarili ko, hindi niyon mabubura ang sitwasyong kinalalagyan ko sa ngayon.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alintana kung may mga nakakakita sa'kin o kung saang lugar na ba ako napadpad. Wala akong pakialam kahit nasa'n pa 'ko basta kailangan kong tumakbo.

//


[Matthew's POV]


"Fe--" hahabulin niya sana ito pero agad kong hinarangan ang daan niya.

"Ako nang bahala sa kanya, huwag mo siyang lalapitan," pagkatapos ay tumakbo na ako pababa at lumabas ng bahay. Pero hindi ko na natanaw miski anino ni Felicity. Saan naman kaya posibleng pumunta ang babaeng iyon?


Kahit wala akong tiyak na pupuntahan, tumakbo na lang ako sa isang direksyon. Tumakbo lang ako nang walang tigil. Sinuyod ko ang lahat ng kalsada sa village pero wala siya roon. Wala rin siya sa playground, sa clubhouse. Wala. Kaya sinubukan kong hanapin siya sa labas ng village.

Tss. Bakit mo ba 'ko pinapahirapan panget? Magpakita ka na nga.


Napatigil ako sa park 'di malayo sa village. Pagod na ako kaya saglit muna akong nagpahinga. Nang tatakbo na sana uli ako ay nakarinig ako ng mga pag-iyak, "F-Felicity..."

Nilingon ko ang paligid pero walang tao. Walang sinuman ang nandoon. Patuloy ko pa ring naririnig ang mga iyak na mula sa isang babae. Sigurado akong kay panget galing ang mga 'yon, "Panget? Panget, magpakita ka na nga. Tss. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap at napapagod na 'ko."


Mas lalo namang lumakas ang pag-iyak.


"Oyy panget, lumabas ka na."

"Ayoko," boses iyon ni panget. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko pa rin siya makita. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang malaking puno 'di kalayuan. Nilapitan ko 'yon saka pinakinggan ang pag-iyak niya habang nakatayo ako sa likod ng puno.

"Mas pumapanget ka sa pag-iyak mo."

Pupuntahan ko na sana ito nang magsalita ulit siya, "Huwag mo 'kong lapitan..."

//


[Felicity's POV]


"Huwag mo 'kong lapitan..," pakiusap ko kay Matthew, "'Di ba sabi mo naiinis ka kapag nakikita mo ang panget kong mukha? Kaya dyan ka lang."


Grabe. Ang sakit talaga. Kanina pa ako umiiyak sa likod ng malaking puno na 'to pero bakit gano'n? Bakit 'di pa rin nauubos ang mga luha ko? Hanggang kailan ba iiyak ang mga mata ko? Hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit na 'to? At hanggang kailan ko kayang takbuhan ang totoo?

Ang katotohanang niloko ako ni Skye Chua. Ang katotohanang isa pala akong uto-uto. Dahil madali akong nagpatangay sa kanya.

Ang sakit. Ano bang dapat kong gawin?


"Panget, tumahan ka na," sabi pa ni Matthew, "Gusto mo bang pumanget lalo? Psh. Ayoko ng sobrang panget na tutor, mas lalo akong tatamaring mag-aral kaya tumahan ka na."


Kahit pa ganoon ang paraan ng pagkakasabi ni Matthew, alam kong kahit pa'no, may malasakit siya para sa'kin. Nararamdaman kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko pero sa ngayon gusto ko munang umiyak.

Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Matthew, "Dyan ka lang! Huwag mo muna akong lapitan. Gusto ko munang umiyak, please." saka ibinaon ang mukha ko sa mga tuhod ko. Yakap ang mga binti ko, pinipilit kong kumawala ang mga hikbi ko dahil ayokong mas mag-alala si Matthew.

"Sige, umiyak ka hanggang gusto mo at maubas 'yang mga luha mo. Nandito lang ako sa likod ng puno at papakinggan lang kitang umiyak hanggang ikaw na mismo ang mapagod sa pag-iyak. Hindi ako aalis dito at hihintayin lang kita," sa sinabing iyon ni Matthew, mas lalo naman akong napaluha. Tama siya, iiyak ako hanggang sumuko na ang mga mata ko.

//


[Waffles' POV]


Kakalabas ko lang ng kusina dahil kinausap ko si Nathan sa phone pero nagtaka ako nang makitang nagmamadaling bumaba ng hagdan si kuya Skye.


"Kuya, what happened?" curious kong tanong. Hindi sana ako papansinin ni kuya pero hinarangan ko siya pagbaba niya ng hagdan, "Kuya, ano bang nangyayari? Where are you going?"

"Waffles, saka ko na lang sasabihin," akmang lalakad na si kuya pero 'di ko siya tinantanan, "Waffles, get out of my way."

"Tell me, what happened? Alam na ba ni ate?" tanong ko. Tinignan lang ko ni kuya Skye. I knew it. Hindi matatago nang matagal ni kuya ang bagay na 'yon, "Alam ko namang malalaman niya rin 'yon so I think it's better na mas maaga pa lang, alam na niya."

"Yes, she know. She heard us. But tht doesn't mean that she knows everything. I need to tell her the truth."

"Anong 'truth' pa ba ang kailangang malaman ni ate? Sapat naman na siguro ang mga narinig niya, 'di ba? 'Wag mo nang dagdagan ang burden niya kuya. Huwag mo na siyang saktan lalo," pagmamatigas ko. Hindi ko maaatim na hayaan siyang saktan niya pa si ate Felicity. Tama na na nalaman ni ate ang pagsisinungaling at panloloko sa kanya ni kuya, huwag na sana niyang subukang dagdagan pa ang mga kasinungalingan niya para lang hindi siya magmukhang masama at para pagtakpan ang nauna niyang mga kasinungalingan.

"Kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko," git pa ni kuya, "Niloko ko siya noong una pero..."

"Pero ano kuya?"

"Mahal ko siya. Mahal ko si Felicity."

//


[Felicity's POV]


Iyon nga ang ginawa ko.

Umiyak lang ako nang umiyak at umiyak hanggang hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.

Samantalang si Matthew ay tahimik lang na nakikinig sa bawat pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya ngayon pero mas gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong nakabantay siya sa'kin.


"Gusto mo si Skye?"

"Huwag mo siyang gugustuhin. 'Wag na 'wag."

"Si Skye? Ang manlolokong 'yon? Tch. Manloloko ang lalaking 'yon."

"Lagi mo namang pinagpipilitan ang sarili mo sa mokong na 'yon."


Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niyang gustuhin ko ang kapatid niya. Dahil siguradong masasaktan lang ako sa dulo. Pero iyon din ba ang dahilan ni Matthew kaya hindi niya sinabi sa'kin noon pa na alam na niya ang tungkol kina Mhira at Skye? Dahil ba ayaw niya akong masaktan sa oras na malaman ko? Pero hindi ba niya naisip na mas masasaktan lang ako dahil habang tumatagal, mas lalo akong nagmumukhang tanga at habang tumatagal, mas lalo lang nahuhulog ang loob ko kay Skye. At kapag dumating ang pagkakataong tuluyan na akong nahulog sa kanya, hindi ko na alam kung ano pang pwedeng mangyari sa'kin kapag saka ko na nalaman ang bagay na ito.. Baka maisipan ko pang tumalon sa bangin o 'di kaya baka mabaliw pa ako.


"Mahigit isang oras ka nang umiiyak, 'di ka pa rin tapos? Magiging kamukha mo na talaga si PoPo kapag hindi ka pa tumigil sa kakaiyak."

"Matthew..," mahinang sabi ko. Pagod na akong umiyak. Tuyo na rin ang mga luha ko.

"Tapos ka nang umiyak? tanong naman niya.

"Mm," tugon ko, "Maraming salamat. Salamat."

Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Namalayan ko na lang na nakatayo na siya sa harapan ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ang nakalahad niyang kamay, "Tara na."

She's Ugly (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon