Almost...
---
CHU'S POV
"Unnieee?! Gising!" Agad ako napabangon nang bigla akong sigawan ni Jen sa tenga. Para tuloy akong mabibingi.
"A-ano ba yon?!" Inis kong sabi sa pagkakaistorbo nya sakin sa pagtulog.
"Nalimutan mo na ba na gagala tayo ngayon?!" Nakapamewang nyang sabi saka ako tinaasan ng kilay.
"Oo nga pala, pero maaga pa naman. Maya maya ng konti" sabi ko at akmang babalik na sa pagkakahiga nang hilahin nya ako.
"Anong maaga, ala una na kaya" sabi nya saka ako hinila papuntang banyo at tinulak papasok.
"Chu?! Kakagising mo lang? Maligo kana! Ikaw nalang hinihintay namin" singit naman ni Dahyun na bihis na bihis. Hindi ko na sila sinagot at naligo.
Ilang minuto din at lumabas na ako ng banyo, paglabas ko ay may nakahanda nang damit sa kama. At sila Jen mukang nauna na lumabas.
"Anong damit ba to, parang balot na balot" bulong ko nang makita ang skinny jeans, at longsleeve. Kinuha ko yung skinny jeans at pinartneran ko ng fitted na crop top at coat. Mas bagay.
Nang bumaba ako ay nakaupo sila sa couch malapit sa front desk ng hotel. Si Jen at Dahyun ay parang may sakit na nakasuot pa ng mask. Pfft. Napatingin silang lahat sa direksyon ko nang makita ang suot ko na pinartneran ko pa ng itim na shade.
"Chu? San kaba pupunta? Photoshoot?" Natatawang sabi ni Sana habang lahat sila ay nanatiling nakatingin sakin. Sila kasi kala mo nasa bahay lang, nakasuot ng longsleeve or oversized shirt at jeans. Pfft.
"Ano? Magtititigan nalang ba tayo? Tara na" sabi ko at nauna nang maglakad papunta sa parking lot ng hotel. As usual si Chaeng ang nagdrive ng kotse habang kami ay nagdadaldalan lang sa likod habang nagtatawanan.
"Btw? Here's the money for you guys" sabi ni Sana at inabutan kami ng tig iisang envelope na may lamang pera.
"Nagpapalit ka?" Tanong ni Dahyun habang hinahalwat ang laman non.
"Oo, kase kapag dollars ang ginamit natin siguradong mapapamahal tayo" paliwanag nya.
"Saan ba tayo unnie?" Tanong sakin ni Jen habang nakadungaw sa bintana.
"Sa Mall" sagot ko at napatingin naman sakin si Chaeng.
"Nandito na tayo" sabi nya at nagpark, hindi na namin namalayan na nasa mall na pala kami dahil sa pagdadaldalan.
"Omg finally!" Excited na sabi ni Dahyun at nauna pang bumaba, hinila nya agad si Sana papasok sa mall at tatawa tawa nalang kaming sumunod sa kanila.
Nag ikot ikot kami sa department store. Andami din naming nakitang mga branded na damit, at si Dahyun at Sana walang katigilan sa pagkuha ng pics.
"Oh Jen? Bakit?" Tanong ni Chaeng kay Jen na nakatulala sa isang pair ng sapatos. Mukang branded pa yung shoes.
"Bakit? Bibilihin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, may naalala lang ako" sabi nya saka nagpatuloy na sa paglalakad, nagkatinginan pa kami ni Chaeng bago sumunod sa kanya.
There's something wrong with Jen this past few days. Si Kai kaya ang dahilan? Madalas syang tulala at malalim ang iniisip.
"Chaeng? May napapansin kaba kay Jen?" Tanong ko habang mabagal na naglalakad at halos maiwan na nila kami.
"Wala naman, bakit? Ikaw may napapansin kaba?" Sagot nya at napatingin sakin.
BINABASA MO ANG
11:11
FanficThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...