Fourteen.

21 2 0
                                    

Insanity...

---

JEN'S POV

Kanina ko pa iniisip kung pano ko sosorpresahin ang gf ko. Malapit na ang 1st anniversary namin at hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.

Nakatanaw lang ako sa bintana at malalim ang iniisip habang tahimik ang lahat na nakasakay sa kotse. Pano ba naman kasi, ang lakas ng trip nila Lisa at IU, problemado na nga ako kung anong gagawin ko tapos dadagdag pa nila yung biro nilang hindi naman nakakatawa.

Malayo kami sa isa't isa, pano kami magc celebrate? Aaughh! Wala talaga akong maisip na ideya.

"Jen? Ano nanaman bang iniisip mo. Uso sher" pagbasag ni Chaeng sa katahimikan at nakangising tumingin sakin.

"Kase malapit na 1st Anniv namin ni K-kai" walang emosyon kong sabi.

"Wait, what?! Anniversary nyo na?!" Gulat na tanong nilang lahat.

"Oo nga, kailangan pang ulit ulitin?" Seryoso kong sabi.

"Omgg, congratss" bati nila Sana at IU.

"Anong balak mo?" Tanong naman ni Chu at nakangiting tumingin sakin.

"Balak ko? Gusto ko sana sya puntahan" sagot ko at huminga ng malalim.

"Pupuntahan mo sya? Hindi mo nga alam kung saan yon nakatira" singit pa ni Dahyun. Balak pa yata akong ibuko, ang alam nila sa States nakatira si Kai. Pero hindi ko talaga alam kung saan nakatira yung gf ko.

"Hindi alam? E sa States yon nakatira" sabat naman ni Chu.

"Wag nyo nalang pansinin yan si Dahyun, kinulang lang yan sa pagkain kanina" natatawa kong sabi para hindi nila ako mahalata. Mabilis din namang napawi ang tawang yon nang magkatitigan kami ni Lisa, ewan ko ba pero parang nakikipag usap sa akin yung mga mata nya.

"There you go, I messaged Kai to come here in Thailand. Pero di nya pa nababasa" nabigla ako sa sinabi ni Chu. The hell she did. Kai doesn't have any idea about it.

"Unnie?!" Gulat kong sabi at inagaw sa kanya ang phone na hawak nya.

"Hey bro, don't you have any plans on coming here in Thailand? I bet you wanna celebrate your anniversary with Jen" message nya. Aish, ghadd unnie.

"Why?" Natatawa nyang tanong.

"Bakit mo pinapunta?!" Nakakunot ang noo kong sabi.

"And what's the matter with that?!" Tanong nya pa.

"Abnormal ka talaga Chu, mas excited kapa e balak nga ni Jen na sorpresahin si Kai" singit ni Dahyun at sumenyas pa sakin.

"Aish, unnie. You always ruin my plans" pagpapanggap ko.

"Pfft, HAHAHAHA di kapa nasanay" natatawang sabi ni Chaeng at agad naman na binatukan ni Chu.

Dali dali kong kinuha ang phone ko at hindi malaman kung anong itatype para sabihan si Kai. Anong sasabihin ko?! Wrong send? Wag nyang pansinin? Sabihin nya busy sya?! Aish.

"Ano Jen?" Bulong ni Dahyun mula sa likuran ko at seryosong nakatingin sakin.

"Anong gagawin ko?! Si unnie kase" bulong ko din sa kanya. Sya nalang ang tanging makakatulong sakin, dahil sya lang ang nakakaalam sa totoong Kai na gf ko.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon