To and From?...
---
THIRD PERSON'S POV
Miyerkules ng hapon nang magtipon tipon silang lahat sa sala, wala na kasi silang ibang maisip na gawin at isa pa ay niyaya sila ng dalawang ikakasal na mag iinom.
"Nasan na ba yung bumili ng soju, wala pa ba?" Tanong ni IU at mukang naiinip na habang nakaupo sa tabi ni Suzy, nakapalibot kasi sila sa mini table na nasa gitna.
"Wala pa, may dinaanan pa siguro yon" sagot naman ni Irene at naupo pa sa tabi ng fiancé nya.
"So since wala pa naman yung alak, maglaro muna tayo" suhestyon naman ni Seulgi kaya't agad na napatingin sa kanya sila Tata na naglalaro ng online games.
Sila Kai at Jen ay magkatabi at nakaunan pa ang ulo ni Jen sa braso ni Kai, habang si Lisa ay katabi ni Nancy na naglalaro din ng online games habang yakap nya. Habang kanya kanya na ng pwesto ang iba.
"Anong laro naman?" Tanong nila Sana at Chaeng na mukang excited na.
"Madali lang" sagot naman ni Seulgi at tumayo at kumuha ng mga piraso ng papel. Naupo sya sa harapan at pinagpiraso piraso ang papel para magkasya sa kanila.
"Ganto gagawin, pipili kayo ng isa satin na nandito, then susulat nyo kung ano yung gusto nyong sabihin sa kanya tapos wag nyo susulatan ng pangalan nyo para yung tatanggap ang manghuhula. Pero syempre babasahin ko muna isa isa bago ibigay" paliwanag ni Seulgi habang ang iba ay nakikinig sa kanya.
"Game! Maganda yan" singit ni Nancy at binitawan ang phone na kanina nya pang nilalaro.
"Hoy Tata! Mamaya na yan" sigaw din ni Irene kaya't nagbitiw din sa phone nya si Tata.
Isa isa namang binigyan ni Seulgi ng papel ang lahat at kanya kanyang nagsipwesto para hindi makita ang sinusulat nila.
...
Si Lisa ay nakatitig lang kay Jen na busy sa pag iisip ng isusulat nya. Nagdadalawang isip kasi sya sa kung anong ilalagay nya at baka mahalata nila ang handwriting nya.
"Babe, di kapa ba tapos?" Tanong sa kanya ni Nancy at pasimple pang sumulyap sa papel nya na hanggang ngayon ay wala pa ring sulat.
"Hindi pa, wag ka manilip" natatawa nya namang sabi at tumayo pa para hindi makita ang sinusulat nya.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ang lahat sa pagsusulat, isa isa nilang inilagay ang kanya kanyang sulat na nakatupi sa garapon na nilagay ni Seulgi sa gitna.
"Wala na ba?" Tanong nya pa at sinara na ang garapon saka inalog alog.
"Ma'am, eto na po yung pinasabay nyo" bungad ng isang lalaki na mukang sa resort nagt trabaho at inilapag sa lamesa nila ang ilang bote ng soju at pinamiling karne na iihawin para gawing pulutan.
"Sige kuya, salamat" sabi ni Irene at inabutan ng pera ang lalaki bago umalis.
"Babasahin ko na ba?" Tanong ni Seulgi kay Irene na kinuha na ang mga karne para ihawin.
"Mamaya na! Kulang tayo, magluluto pa si Irene" sabi naman ni Chaeng at pumunta rin ng kusina para kumuha ng baso. Si Tata naman ay tumulong na kay Irene sa pag iihaw.
"Sige, hintayin muna natin yung karne" pagsang ayon din naman ni Seulgi.
LISA'S POV
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...