Nineteen.

26 2 0
                                    

Likes anyone else but you...

---

JEN'S POV

8pm na at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakauwi. Tapos na lahat lahat ang shoot at nakapagbihis na din kami, pero ayaw pa kaming paalisin dahil daw may sasabihin pa si Lisa na ngayon ay may kausap sa labas.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Nakabusangot kong sabi at panay ang tingin sa wrist watch ko.

"Ang tagal ni Lisa e, uwing uwi na din ako" sabi naman ni Sana na nakasandal na ang ulo kay Dahyun.

Maya maya pa ay pumasok na nga ulit ng kwarto si Lisa.

"Oh Lisayah? Ano bang sasabihin mo?" Tanong sa kanya ni Chu na nakasimangot na dahil mukang gutom na.

"Yayayain ko sana kayo ng dinner, sa bahay" panimula nya. Agad namang bumalik ang sigla nila nang marinig ang 'dinner'.

"Sa inyo?" Takang tanong ni Sana.

"Oo, actually si Mommy nagi invite sa inyo. Nagpaluto sya ng dinner ngayon, just to meet you guys. Ano game kayo?" dagdag nya pa.

"Game na game!"
"Dinner lang pala e, no problem"
"Tara na! Ano pang hinihintay nyo"
Natatawa nilang sagot saka agad na naglabasan. Tss, wala pang isang segundo nakasagot na kaagad, mga mukang pagkanaglabasan

"Jen? Tara na?" Tanong nya pa at nakangiting tumingin sakin. Tumango lang ako at lumabas na din.

Nakasunod lang kami sa kotse ni Lisa dahil hindi nya daw pwedeng iwan ang kotse nya.

"Oh? San pupunta yon?" Takang tanong ni Chaeng at inihinto ang sasakyan. Pati kami ay napatingin sa direksyon ni Lisa na bumaba ng kotse sa tapat ng isang convenience store.

"Wuttda?! Si Nancy yon diba?!" Sigaw ni Sana nang makita pa namin si Nancy na kasama na ni Lisa at pinagbuksan nya pa ng pinto ng kotse.

"Syempre invited din yon, jowa nya yon e" sabi naman ni Dahyun.

Ewan ko ba pero nag iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko si Nancy, lalo na kapag magkasama sila ni Lisa at naglalandian pa sa harap ko. Maya maya pa ay nagdrive na ulit si Chaeng.

"Hala?! Nasan na sila?!" Gulat na sigaw ni Chaeng nang hindi nya malaman kung saan lumiko sila Lisa.

Sandali kaming nahinto sa gilid at ilang ulit na tinawagan si Lisa pero mukang nakapatay ang phone nya. Wala naman kaming number ni Nancy.

"Kung wala, umuwi nalang tayo" walang emosyon kong sabi.

"Chaeng, diba may sinend naman sayong address?" Tanong ni Sana.

"Oo nga! Magwaze ka nalang" suhestyon naman ni Chu. Ayaw talagang palampasin ang pagkain.

"Oo nga pala" sagot naman ni Chaeng at inayos ang phone nya saka nagdrive ulit.

Nang makarating kami sa subdivision ay agad din naman naming nahanap ang bahay ni Lisa. Nasa labas palang at kitang kita na ang laki ng bahay.

"Teka? Wala pa yata sila Lisa?" Takang tanong ni Dahyun nang magpark kami sa labas ng gate nila at nakasilip lang.

"Sino magd doorbell?" Tanong pa ni Chu. Hindi nako nagsalita pa at agad na bumaba ng kotse. Siguradong magt turuan pa yung apat na yon.

Pagdoorbell ko ay may lumabas na maid at sinalubong ako.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon