Finale.

57 1 0
                                    

Turn...

---

JEN'S POV

Tonight is our last night here in Thailand, dahil bukas aalis na kami at babalik na sa Seoul. Napapangiti nalang ako kapag naaalala kong ikakasal na bukas sila Lisa.

"Jen, nakapag impake ka na ba?" bungad ni Unnie nang sumulpot mula sa likuran at akbayan ako nang maupo sa tabi ko.

"Yeah? Nakaready na" tipid kong sagot at itinuon ang ulo sa balikat nya.

"Bukas na ikakasal si Lisa, hindi mo ba sya babatiin?" tanong nya na nakapagpahinto sakin.

"Aah iiwanan ko nalang sya ng message"

"Hindi mo man lang ba tututulan yung kasal?" tanong nya na ikinagulat ko, kunot noo akong napatingin sa kanya dahil sa tanong nya.

"H-huh?" pagmamaang maangan ko na kunwari ay hindi alam ang ibig nyang sabihin.

"You love her, aren't you?" prangkang tanong nya.

"U-unn-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang magsalita pa sya.

"She loves you Jen"

"Hindi unnie, we're playing" pagtutol ko at akmang tatayo na nang hilahin nya ako pauwi.

"Bakit ka nasasaktan kung naglalaro lang pala kayo?.. And besides sigurado naman akong hindi magagawang magcheat ni Lisa kay Nancy para sayo kung wala lang, right?" paliwanag nya kaya't buntong hininga nalang akong napatingin sa kanya.

"Btw, unnie yung letter na natanggap mo noon sa game, its mine" pag iiba ko ng usapan. Ayoko na kasing marinig ang mga bagay tungkol kay Lisa, all I have to do now is to move on.

"I have a surprise for you tomorrow, so don't be sad mandu" nakangiti nyang sabi at hinalikan pa ako sa noo bago kami tuluyang bumalik sa cottage.

LISA'S POV

Habang nakahiga at nakatingala sa kisame ay panay lang ang pagtulo ng luha ko. Ikakasal nako, kay Nancy. Yung babaeng nakilala ko online.

Hindi ko talaga mapigilan ang pag iyak lalo na kapag naaalala kong hindi si Jen ang papakasalan ko. Ilang oras nalang at magsisimula na ang kasal.

"Ms. Manoban!" sigaw ng babae mula sa labas kaya't agad akong napabangon at pinunasan pa ang luha ko.

"Yes, come in" sigaw ko at kaagad din naman syang pumasok. Laking gulat ko nang makita ko si Claire na iniluwa ng pinto, ang dati kong secretary. Nagtataka akong tumingin sa kanya at ngumiti lang naman sya.

"Make up artist na trabaho mo ngayon?" taka kong tanong pero natawa lang naman sya.

"Miss, magbihis kana po" paalala nya at kaagad naman akong tumayo para magbihis. Nagsuot ako ng puting gown na si Nancy mismo ang pumili para sakin. Saglit pa akong napatulala nang makita ko ang sarili ko sa salamin at nabalik din sa wisyo nang tawagin ako ni Claire para make up-an.

"Bagay na bagay po talaga kayo ni Ms. Nancy" nakangiting puna nya sakin at napangiti lang naman ako ng peke.

"Ang swerte nyo po sa isa't isa, pero mukang mas maswerte ka" natatawa nya pang sabi.

"Yeah, oo nga" pagsang ayon ko.

"Btw, I can't even imagine na ikaw pa ang magiging make up artist sa kasal ko. Bakit ka nagresign sa pagiging secretary ko at nagswitch sa pagm make up? Sobra bang mahirap maging secretary ko?" sunod sunod kong tanong at buntong hininga lang syang napatingin sakin.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon