Focus...
---
JEN'S POV
Laking gulat ko ng bigla akong yakapin ni Lisa, kahit gusto kong umalis sa pagkakayakap ay may kung ano sa katawan ko ang pumipigil na gawin yon.
Siguradong namimiss nya lang ng sobra si Jane kaya nya ako niyakap. Pshh, Jendeukie! Wag ka nga mag isip ng kung ano ano. Para akong wala sa sarili na napayakap nalang din sa kanya. Aish! Selp ano bang ginagawa mo?!
"I miss you Jen" bulong nya na sobrang kinagulat ko. Huh?! Jen daw?!
"H-huh?" Taka kong tanong sa kanya, agad naman syang humiwalay ng yakap sakin na para bang natauhan sa ginagawa. Sabog ba sya?!
"N-no I m-mean Jane. S-sorry" kabado nyang sabi at napasapo pa sa noo.
"I-its okay" tipid kong sagot at napatungo nalang din dahil sa hiya nang yakapin ko sya pabalik. Kasalanan to ng kamay ko!
"A-ah? B-baka inaantok kana?" Tanong nya pa.
"Oo tama, matulog na tayo. M-may trabaho pa b-bukas" sagot ko. Hindi pa ako inaantok pero kailangan nang magbawas ng kahihiyan. Baka kung ano nanamang nakakahiya ang magawa ko.
"S-sige, bumalik kana sa k-kwarto mo" sabi nya.
"Sige, goodnight" sabi ko at akmang lalabas na ng kwarto nang magsalita pa sya.
"J-jen, thank you" mahina nyang sabi, tumingin lang ako sa kanya at ngumiti saka tuluyang lumabas ng kwarto. Ewan ko ba pero parang tumatalon sa tuwa ang puso ko. Aaaah?! Ano bang nangyayari saken!
"Oh Jen? San ka galing?" Laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay bumungad sakin si Unnie na mukang kakabangon lang.
"W-wala uminom lang ako ng tubig" tipid kong sagot at nahiga na, hindi na din naman sya umimik at bumalik na sa paghiga, mukang bumangon lang sya para umihi. Pagtapos ng ilang minuto ay nakatulog na din ako.
CHU'S POV
Nang magising ako ay alas otso na ng umaga. T-teka?! Alas otso?! Wuttdaa?!
Dali dali akong lumabas ng kwarto at natatarantang pumunta sa kwarto nila Chaeng at IU pero wala nang tao don, maging sa kwarto nila Dahyun at Sana wala din habang si Jen ay tulog na tulog pa sa kwarto.Mula sa hagdan ay sumilip naman ako sa sala at wala din sila. Nasan na ba sila?! Bakit hindi nila kami ginising!
"Ma'am?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa likod ko. Yung yaya lang pala nila, kala ko kung sino na.
"A-ah? Goodmorning, alam mo ba kung nasan sila?" Tanong ko sa kanya. Natawa pa sya ng mahina bago pa sumagot.
"Nandon po sila sa kusina, nag aagahan na" sagot nya.
"A-ah ganon ba? Sige thank you" sabi ko at tatango tango saka nagmadaling bumaba. Bakit kumakain palang sila?! May pasok sa trabaho ah?
Sa sala palang ay rinig ko na ang pag uusap nila, lalo na ang boses ng chipmunk kong manager.
"Oh Sooya? Este Chu, buti gising kana" bungad ni Tita Bam.
"Goodmorning Tita. B-bakit di pa kayo nagbibihis? May pasok tayo" taka kong tanong nang mapatingin sa kanila na nagtatawanan pa habang kumakain.
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...