Twenty eight.

26 1 0
                                    

Suspicious...

---

LISA'S POV

Sumama sakin sa company si Nancy since wala na daw syang appointments. Magkatabi kaming nakaupo at nag uusap sa isang sulok at hinihintay na dumating ang iba pang model, pati na sila Jen.

"Btw, gusto mo sa bahay kana matulog mamaya" sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Sa i-inyo? Nakakahiya naman kay Tita" nag aalinlangan nyang sagot at napatingin din sakin.

"Hindi yan, ako bahala" tipid ko pang sabi at hinawi ang buhok sa muka nya. Parehas pa kaming napatingin nang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa non sila Jen. Nagkatinginan pa kami at agad ko ding binalik ang atensyon kay Nancy. Mukang mainit ang ulo ng pusa ngayon.

"E san naman ako matutulog?" Tanong nya pa.

"Sa kwarto ko" tipid kong sagot at ngumisi.

"Yuck! Ayoko don, mamaya kung ano pang gawin mo" natatawa nyang sabi. Napasapo naman ako sa muka ko dahil sa sinabi nya. Kung ano ano iniisip netong babaeng to.

"Ikaw, kung ano ano iniisip mo" natatawa ko pang sabi at pinanggigilan ang pisngi nya.

"Jen!" Napatingin kami sa lalaking sumigaw mula sa pinto. The hell here he is. Ang asungot na garapata, ang sarap tirisin. Kala nya ba nalilimutan ko nung sinapak nya ako, kahit sa panaginip lang yon di ko yon malilimutan.

"Sino yon?" Takang tanong ni Nancy at nakatingin kay Jen na lumapit kay Kai.

"Bf nya" tipid kong sagot.

"May bf na pala si Jen?" Taka nya pang tanong habang nakatingin lang ako sa kanila na nag uusap. Tss. Sino ba nagpapasok sa lalaking yan dito.

"Btw, anong oras na?" Tanong ko kay Nancy at hindi inaalis ang tingin kay Jen at Kai.

"8:02, start nyo na" sagot naman ni Nancy kaya agad kong dinampot ang camera na nasa ibabaw ng lamesa.

"Lisa, start na tayo?" Tanong pa ni Dahyun at akmang pupwesto na aa gitna ng sabihan ko syang hindi sya ang mauuna.

"Ano na! Jen magsisimula na!" Nakakunot ang noo kong sigaw, napatingin pa sakin si Kai at nagkatinginan pa kaming dalawa.

Maya maya pa ay umalis na nga si Kai at si Jen ay kaagad na pumwesto sa gitna, habang kinukuhaan ko sya ng picture ay hindi ko mapigilang mainis, kaya sinadya kong pahirapan sya.

...

Ala siete na ng hapon at hanggang ngayon ay nandito parin kaming tatlo nila Jen at Nancy. Umuwi na sila Chu dahil gusto na magpahinga kaya mag isa sya ngayon na kinukuhaan ko sa harap para sa ads ng MNN.

"Ulit!" Sigaw ko sa pang labingwalong beses. Kanina ko pa kasi sya pinapaulit ulit sa harap, parusa nya yan. Tss.

"Babe? Di pa ba kayo tapos? Maggagabi na" sabi ni Nancy na nakatayo sa gilid ko at mukang naiinip na.

"Maya maya, wag ka munang magulo" walang emosyon kong sabi, hindi naman na sya umimik at maya maya pa ay lumabas na ng photography room.

"Ulit pa!" Sigaw ko ulit, sobra nang nakasimangot ang muka ni Jen at alam kong inis na inis na sya sakin pero pinipilit ngumiti sa video.

Knock.. knock..

"Tuloy!" Sigaw ko habang nakafocus lang sa pagkuha kay Jen.

"Hija, hindi pa kayo tapos?" Natigilan ako sa ginagawa nang malaman kong si Daddy pala ang pumasok.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon