Forty one.

24 1 0
                                    

Perfect...

---

CHU'S POV

..fastforwarded...

Isang buwan na din ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi ko pa ulit nakakausap ng ayos si Chaeng. Pero sigurado naman akong okay lang sya ngayon, lalo na't kasama nya naman si Suzy.

"Unnie?! Ano pang hinihintay mo! Tara na, male late nanaman tayo" bulyaw sakin ni Jen nang pumasok sya ng kwarto at makita akong nakatulala lang sa harap ng salamin.

"Oo na! Napakaexcited mo naman masyado" sagot ko at napatingin pa sa wrist watch ko. Its already 7pm at 8 pa naman mag i start yung party.

"Pshh, alam mo namang may special event ngayon tas ngayon kapa magbabagal" reklamo nya at nauna nang sumakay ng kotse.

"Kung makasaway ka saken, parang mas matanda ka ah"

"Tama na yan! Sumakay kana" singit ni Seulgi na nakaupo sa front seat katabi si Irene.

Tinarayan ko nalang sya at sumakay na ng kotse.

Halos boses na ni Jen ang naririnig naming lahat sa loob ng kotse, dahil may kung sino nanamang kausap sa phone. Agang aga nagchichikahan nanaman. Sinubukan ko pang dumikit sa kanya para marinig ang  boses ng kausap nya. Who knows? Baka si Chaeng pala yon?

"Oo, malapit na kami. Yeah, sige see you. Oo, sa harap kami dadaan" sabi ni Jen sa kausap. Nakakunot ang noo ko syang tinignan nang ibaba nya na ang tawag.

"Sino nanaman bang kausap mo?" Tanong ko.

Buntong hininga syang napatingin sakin bago sumagot.

"Si Lisayah" tipid nyang sagot at napasandal pa sa kinauupuan.

"Jen, pansin ko sobrang close nyo na ni Lisa ah. Parang hindi mo na sya boss" singit naman ni Dahyun.

"Oo nga!" Singit din ni Sana at pareho pa silang natawa.

"Ano namang masama don? And besides, matagal na tayong magkakatrabaho kaya normal lang na parang mag bestfriend na turingan namin" nakangiti nyang sagot at dumungaw pa sa bintana.

"Ginagalingan nya talaga ha?" Buntong hininga kong bulong nang maalala ang pinag usapan namin ni Lisa noon sa beach.

"Btw, si Kai pala? Bat di nyo pinasama?" Tanong ni Irene na mukang kanina pa nakikinig sa usapan.

"Wala naman syang ganap don, at isa pa baka magkaaw-" hindi nya na naituloy ang sasabihin nang akala mo ay biglang natauhan.

"Magkaaw?" Nakataas ang kilay kong tanong. Maging sila Dahyun ay napatingin sa kanya.

"Nevermind unnie" nakangiti nyang sagot at kumindat pa sakin.

Nang makarating kami sa MNN ay bumungad samin ang napakaraming reporter at photographer na nakapalibot sa mga sikat na taong pumapasok sa kompanya.

May paparty kase si Mr. Manoban dahil dumating mula sa ibang bansa ang mga business partners at investors nya. And ininvite kami ni Lisayah na sumama, so dapat wala talaga kaming lakad ngayon.

Nang pumasok kami ay panay ang pagkuha nila samin ng litrato. Sa sobrang dami ng flash, sumakit pa mata ko.

"Chu!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Nancy na mag isang nakaupo sa isang 8 seated table habang kumakaway sakin.

"Guys, dun tayo" tawag ko kila Seul na uupo na dapat sa nakita nilang table. Hindi naman na sila tumanggi nang makita si Nancy at sumunod nalang din.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon