Missing you...
---
JEN'S POV
Napatingin pa ako sa harap ng salamin pagtapos suotin ang pantulog na binigay nila. Saktong sakto lang at komportable din, pero bat kase parehas pa ng kay Lisa, tss.
"Jen! Bilisan mo!" Rinig ko ang malakas na bunganga ni Unnie mula sa labas.
"Oo na! Eto na!" Sigaw ko din at inayos pa ang awra ng muka bago tuluyang lumabas.
"Ang tagal mo, nagp picture na sila don" nakasimangot nyang sabi at agad akong hinila palabas ng kwarto. Nasa balcony sila at doon nags selfie.
"Oh ayan na pala yung dalawang pa vip" sabi ni Dahyun nang mapatingin samin. Nagkatinginan pa kami ni Lisa dahil pareho kami ng suot, ano nanaman kaya nasa isip ng babaeng to.
"Ang cute mo Jen HAHAHA" natatawang sabi ni IU.
"Ako?! Cute din naman ako aaah!" Sabi naman ni Chu at nagpakyut pa. Natawa nalang ako sa kanila.
"Oh tara na! Selfie naa!" Pagyayaya naman ni Chaeng at pumwesto na sa gitna.
"1..2..3.." bilang ni Sana nang pindutin ang camera.
"Ghaddd, parang bumalik tuloy sila Sooya" sabi nya pa habang tinititignan ang mga pictures namin.
"Oy! By couple naman! Pipicturan ko kayo" suhestyon pa ni IU. Wuttdaa?!
"Game! Kami muna!" Sabi nila Dahyun at pumwesto na sa gitna.
Nagkatinginan kami ulit ni Lisa, at pakiramdam ko namumula nako, kaya agad akong nag iwas ng tingin. Aishh, nakakahiya na nga tong itsura ko!
"Next!" Sigaw pa ni IU at pumwesto naman agad sila Chaeng at Chu. Ayan naa, susunod na kami!
"Hoy! Kayo na ano pang hinihintay nyo?" Sigaw ni IU.
"K-kahit wag na. Kayo nalang" sabi ni Lisa at napatingin pa sakin.
"Aish! Ang aarte!" Sigaw nila Dahyun at hinila kaming dalawa papunta sa gitna. Pero nagkatinginan lang kami at nakatayo na parang tuod. Aishh.
"Ngumiti naman kayo!" Sigaw pa ni IU. Tumingin nalang ako sa camera at pilit na ngumiti. Sino bang nakaisip netong picture picture na to?!
"Hoy! Ayusin nyo nga yang dalawang yan. Parang poste lang? Uso magdikit" sabi pa ni IU.
"P-pano ba? G-ganto?" Tanong ni Lisa at umisod papalapit sakin at inakbayan ako. Halatang pinagaan nya ang kamay nya, pfft halos wala na nga akong maramdaman.
"Ganto kase!" Sabi ni Chaeng at pinaharap ako sa kanya, nakaharap din naman sya sakin, saka nila pinalupot ang kamay ko sa bewang ni Lisa at ang kamay nya sa batok ko. Wtf?! Anong klaseng picture ba to?!
"Good yan" nakangiting sabi ni IU.
"Teka kulang pa, mas maganda kapag magkatinginan sila" singit naman ni Dahyun at pinagharap ang muka namin saka nagtitigan. Parang gusto ko nalang maglaho dahil sa sobrang tense. The hell! Lagot sila sakin pag uwi.
"Nice! Ang cute nyo, bagay kayo HAHAHA" natatawang sabi ni IU ng matapos ang pagpipicture. Agad naman kaming nagbitaw ni Lisa at naglayo. Panigurado hiyang hiya din sya sa nangyari.

BINABASA MO ANG
11:11
FanficThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...