Forty three.

32 1 0
                                    

Request...

---

CHU'S POV

"Unnie, hindi kaba sasama?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jen habang seryosong nakatingin sakin.

"Bakit? Papayag ka bang hindi?" Pilosopo kong sagot at bigla nya nalang ako hinila palabas ng kwarto.

"Para ka nanamang baliw. Siguradong miss ka na non ni Chaeng, choosy kapa. Alam mo kung nag away kayo, uso magbati para kay-" napahinto na sya sa pagsasalita nang takpan ko ang bibig nya. Ang daming sinasabi e.

"Tara na! Naghihintay na sila sa baba" bungad ni Dahyun at nauna nang maglakad.

Susunduin na kase namin si Chaeng at Suzy since nahuli na ng mga pulis yung stalker nya. Pero may part sakin na sinasabing wag na kong sumama, na hindi pako handang makaharap sya.

Napasapo nalang ako sa noo nang maalala ko ang lahat ng nangyari, nung umamin sya. Ayaw ko nga ba talaga sa kanya? O takot lang akong madamay?

"Btw Jen, hindi ba tayo dadaan kay Tito?" Tanong ni Sana kay Jen na panay ang pagcheck sa phone nya.

"Wala pang message si Lisa" tipid nyang sagot at napabuntong hininga nang nilagay ang phone sa bag.

Nang makarating kami sa lugar ay bumungad samin ang ilang pulis na abala sa harap ng bahay nila. Sinalubong pa kami ng isa sa kanila at tinanong.

Nang pumasok kami sa bahay ay naupo kami isa isa sa sofa na nasa sala. Mukang busy yung dalawa sa pag aayos ng gamit. Kinakabahan ako kapag naaalala kong malapit ko nang makaharap ulit si Chaeng, pero ano pa nga ba. Kahit naman ayaw ko e kailangan dahil sya din ang manager ko.

"HAHAHAHA bat kasi ako inuna mo dapat yung mga maleta"

Lahat kami ay napatingin sa direksyon nilang dalawa na pababa ng hagdan at pasan pasan pa ni Suzy si Chaeng habang parehas silang tatawa tawa. Muka pang hindi nila kami napapansin kaya panay ang pagtawa nila.

"Teka! Dahan dahan lang sa pagbaba baka bumagsak ak-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Chaeng nang mapaharap samin at pareho nga silang natumba sa sahig.

"Aaa-ack!" Reklamo nya nang masaktan sa pagkabagsak. Natataranta naman syang tinulungan ni Suzy na tumayo habang kami ay walang emosyon na nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"G-guys, k-kanina pa b-ba kayo?" Gulat na tanong ni Chaeng at iika ikang naupo sa isang sofa doon.

"Oo, ginagawa nyo? Naglalaro kayo?" Tanong ni Jen na nakataas ang kilay.

"Excuse muna, kunin ko lang yung maleta namin" paalam ni Suzy at kaagad na bumalik sa taas.

Napayuko nalang ako at halos di makatingin sa direksyon nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, parang may kung anong kumikirot sa loob ko.

"Pfft, hindi!" Natatawa nyang sagot.

"O-oh, J-jen. Nandito pala kayo?" Agad akong napatingin sa lalaking pinanggalingan ng boses. Si Jin, nandito sya.

"J-jin? Anong ginagawa mo dito?" Taka nilang tanong.

Akmang sasagot na sya nang unahan sya ni Chaeng.

"Sya yung tumulong para mahuli yung stalker ko" nakangiting sagot ni Chaeng, sandali akong napasulyap sa kanya at ganon din sya sakin pero mabilis ding nag iwas.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon