Fifty four.

32 0 0
                                    

Sins...

---

JEN'S POV

Hindi ko na alam kung ano pang pwedeng mangyari. Napatikom nalang ako ng kamao at naiiyak na naupo sa harap nya.

Hindi ko inaasahan na yung taong pinagkakatiwalaan ko ang sya pang nanloloko sakin. Yung taong inaakala kong nasa malayo, kasama ko lang pala. Kilala ko pala at niloloko ako ng harap harapan.

Pare pareho kaming natahimik at walang imik. Agad ko pang pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko at kaagad na inayos ang sarili saka walang emosyong umalis sa lugar na yon.

Habang naglalakad pabalik sa cottage ay hindi ko na napigilan pa ang maluha, naloko nanaman ako. Pagpasok ko ay nagtataka pa silang tumingin sakin, maging si Unnie na nakikipagtawanan sa kanila ay agad akong sinalubong ng yakap.

"J-jen? Bat ka umiiyak?"
"Y-yah, a-anong nangyari?"
"Si Dahyun?"
Sunod sunod na tanong nila, hindi nako nakasagot at agad na niyakap si Unnie ng mahigpit.

"U-unnie, s-sorry" naiiyak kong bulong sa kanya.

"A-ano bang nangyari?! Bat ka umiiyak? Nasan si Dahyun?" Sunod sunod nyang tanong habang hinahaplos ang likod ko.

Lalo akong naiiyak sa tuwing naiisip ko ang lahat ng nangyari dahil kay Kai na inakala kong ibang tao. Yung pagsisinungaling ko kay Unnie, panggagamit ko kay Kai, yung panloloko ko sa kanilang lahat, pati na yung tungkol samin ni Lisa.

"Unnie s-sorry.. sorry" paulit ulit kong bulong sa kanya habang hihikbi hikbi.

"A-ano ba-" hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nang biglang dumating si Dahyun.

"Chu, sa labas nalang kayo mag usap" singit ni Dahyun at agad kaming pinalabas. Yakap ako ni Chu habang naglalakad sa tabing dagat at huminto sa lugar kung saan walang gaanong tao.

"Jen, sabihin mo na. Ano ba yon?" Seryoso nyang tanong at diretso pang tumingin sakin.

"U-unnie s-si Kai" utal kong sabi at halos mapatungo nalang.

"Anong meron kay Kai? B-break na kayo? Niloko ka ba nya?" Sunod sunod nya pang tanong at ang tanging iling lang ang nagawa ko.

"N-niloko kita, nagsinungaling ako" mahina kong sagot na nakapagpahinto sa kanya.

"Anong niloko?"

"Unnie, sorry nagsinungaling ako. H-hindi ko boyfriend si Kai, b-babae yung totoong K-kai" naiiyak kong sagot at napayakap ng mahigpit sa kanya. Wala syang imik at hindi man lang yumakap sakin pabalik.

"S-si T-tata, s-siya yung nakilala ko online. Hindi ko alam kung pano nangyari pero sya yung babaeng K-kai" dagdag ko pa at panay ang pag iyak.

"Anong s-si T-tata si Kai?" Naguguluhan nyang tanong.

"U-unnie, n-niloko ako ni Tata. N-nagpanggap syang babae. Sya yung babaeng Kai n-na nakilala ko"

THIRD PERSON'S POV

Sa pag uusap nila Chu at Jen ay bigla naman ang pagsulpot ni Tata. Nakayuko lang sya habang nakatayo sa harap ng dalawa at para silang binalot ng katahimikan sa mga sandaling yon.

"S-sorry C-chu.. Je-" hindi na natuloy pa ni Tata ang sasabihin nya nang makatikim nanaman sya ng sampal, pero sa pagkakataong to magkabilang sampal sa pisngi ang inabot nya kay Chu.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon