Clash back...
---
LISA'S POV
"You can now take a break!" Sigaw ko nang makuhaan ko sila Suzy sa huling take ng picture.
Agad naman silang nagsibalikan sa kanya kanya nilang pwesto at hinihintay na bumalik sila Chaeng at Sana na bumili ng pagkain nila.
"Oh Lisa, hindi kaba kakain?" Tanong sakin ni Jungkook at naupo pa sa gilid ko.
"Wala akong gana" walang emosyon kong sagot at nakatulala lang sa camera na hawak ko.
"Sure ka?" Pangungulit nya pa, hindi nalang ako umimik at natahimik naman sya.
"Uy Lisa" agad akong napatingin kay Jen at nag iwas din naman ako agad.
"May tat-" hindi nya na natuloy ang sasabihin nya nang bigla akong naglakad palapit kay Suzy na busy sa phone nya.
"Suzy! Tara samahan moko" sigaw ko nang makalapit ako sa kanya.
"H-huh? Saan? Malapit na bumalik sila Chaeng" taka nyang tanong ng hilahin ko sya palabas ng photography room.
"Wala sige na balik kana" sabi ko ng makalabas ako.
"Para kang sira" natatawa nyang sabi at sumulyap pa sa loob ng kwarto.
"Aah! Si ano lang pala" sabi nya pa at mas lalong natawa nang makita si Jen sa lugar kung saan ako nakapwesto kanina.
"Che! Bumalik kana don!" Sabi ko pa at sumenyas na i zipper ang bunganga.
"Pfft, oo na! Teka di ka sasabay samin kumain?" Tanong nya pa.
"Hindi na, tatawagan ko pa si Nancy" sigaw ko habang naglalakad palayo.
"May bebe kana! May patampo tampo ka pang nalalaman!" Sigaw nya din at tuluyan nang bumalik sa loob.
Dumiretso ako sa opisina ko at naupo sa sofa habang panay ang pagpindot sa phone.
Ringing...
"Hello babe?" Bungad ko sa kanya.
"Hello? Who's this?" Sagot ng isang babae mula sa kabilang linya. Mukang wala si Nancy.
"Hi, I'm Nancy's girlfriend. Nasan sya?" Tanong ko pa.
"Girlfriend ka ni Ma'am Nancy?!" Gulat na sabi ng babae sa kabilang linya. Magsasalita pa dapat ako ng marinig ko ang boses ni Nancy.
"Maxine? Sino yang kausap mo?" Rinig kong sabi ni Nancy.
"A-ah Ma'am, girlfriend mo daw po" sabi ng babae. Maya maya pa ay nagsalita na nga si Nancy.
"Hello babe?" Sabi nya.
"Secretary mo yon?" Tanong ko.
"Yeah, lumabas lang ako dahil may meeting. Bakit nga pala tumawag ka?" Tanong nya.
"Lets have a date later, please?" Sabi ko at nagboses bata pa.
"What time ba?" Tanong nya at mukang may ginagawa pa.
"Uhmm 5? Tapos na work namin non" sagot ko.
"Okay, I'll be there at 5pm"
"Wait? Wala ka bang gagawin non?"
"Wa-" hindi na natapos ang sasabihin nya nang biglang tumunog ang alarm ko at tumigil ang oras. Wuttdaa? 11:11 na.
Napabuntong hininga nalang ako at nang lumitaw ang puting pinto sa harap ko. Well, hindi nako magtataka kung nakasulat na doon ang pangalan ni Kai.
BINABASA MO ANG
11:11
أدب الهواةThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...