Trap...
---
LISA'S POV
Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakatayo sa tabing dagat at iniisip pa rin ang nangyari kanina. Matapos ang ilang minuto ng pagmumuni ay napagpasyahan ko na ding pumasok sa loob, malamig na din kasi sa labas dahil ala una na ng madaling araw.
Nadaanan ko pa ang iilang bisita na dito na nagpalipas ng gabi since may iba pang cottage na pwedeng magamit dito.
Napadaan ako sa sala at nakita ko ang ilan sa kanila na nagk kwentuhan pa pero mukang di nila ako napansin kaya dumiretso nako sa kwarto.
"J-jen" mahina kong sabi nang makasalubong ko sya na palabas ng kwarto nya.
"P-pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko pa at seryosong nakatingin sa kanya.
"B-balak ko d-din na kausapin ka, may g-gusto sana akong itanong" sagot nya, agad ko naman syang hinila papasok sa kwarto nya dahil siguradong nasa kwarto ko si Nancy.
Naiilang pa syang naupo sa gilid ng kama nya at hindi malaman kung pano magsisimula.
"U-uhmm yung tungkol pala nung i-isang gabi" nahihiya kong sabi nang maalala ang nangyari.
"Kalimutan mo nalang yon" mabilis nyang sabi kaya't napatango tango nalang ako.
"Ano palang sasabihin mo?" Tanong nya pa at seryosong tumingin sakin.
"Ah kanina? May kakaiba bang nangyari sayo?" Panimula ko, agad namang nanlaki ang mata nya.
"A-alam mo? N-nandun ka d-din?" Gulat nyang tanong na mas lalo kong ikinagulat. Ibig sabihin totoo nga yung nangyari kanina, pero bakit?
"Ibig sabihin, nakapasok kana sa 11:11?" Gulat kong tanong.
"11:11?" Tanong nya din.
"I mean, yung paghinto ng oras tuwing 11:11" sagot ko at agad naman syang napaisip.
"Hindi ko maintindihan, bakit humihinto ang oras?" Naguguluhan nyang sabi. Napabuntong hininga pa ako bago nagsalita.
Halos isang oras na ang lumipas nang ikwento ko sa kanya ang tungkol sa 11:11. Maging sya ay nagulat sa kwento ko, dahil naniniwala syang imposibleng nanggaling sya sa pintong yon, na hindi sya nag eexist noon.
"Imposible, baka naman naghahallucinate lang tayo" naguguluhan nyang sabi at napasapo pa sa ulo.
"Mas lalong imposible na maghallucinate tayo ng sabay Jen, at sa parehong oras pa" walang emosyon kong sabi.
"P-pero panong arghh! Bakit pa kasi ako nadamay dito" naiinis nyang sabi.
"Mahirap paniwalaan sa umpisa, pero totoo. Masasanay ka din Jen, papaniwalaan mo din ako" mahina ko pang sabi.
Akmang lalabas nako ng kwarto nya nang marinig kami ng pag uusap mula sa labas.
"Chu? Si Lisa nakita mo?" Rinig kong sabi ni Nancy.
"Hindi ko napansin e" sagot naman ni Chu kaya't natigilan pa ako at nanatiling nakatayo habang pinakikinggan ang pag uusap nila.
"Sige, kapag nakita mo sya pakisabi hinahanap ko"
"Sige" sagot pa ni Chu. Nang biglang may kumatok sa kwarto ni Jen, nagkatinginan pa kaming dalawa at nanlalaki ang mata nyang lumapit sa pinto.
"Pano ako lalabas?" Pabulong kong sabi. Sinenyasan nya pa ako na wag daw mag ingay. Hindi pwedeng makita nila kami na magkasama, maiissue pa kami neto e.

BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...