Thirty eight.

28 1 0
                                    

Creep...

---

CHAENG'S POV

Nang makapasok kami ng mall ay agad na nagsitakbo sila Sana at Dahyun sa isang book store. As usual kala mo mga inosente.

"Tignan mo yung dalawang yon, pag sila nadumog ng mga tao bahala sila jan" natatawang sabi ni Chu habang nagtitingin tingin sa mga nadadaanan.

"Kala mo naman ikaw, ni hindi ka nga nagmask" natatawa kong sabi sa kanya.

"Atleast may shade ako" pagdedepensa nya pa.

Hindi nalang ako umimik at hinila sya sa arcades. Madaming batang naglalaro at ang iba ay mga couples pa.

"Chu, laro tayo" excited kong sabi habang sya ay nakasimangot na tumingin sakin at napatingin din sa lugar.

"Dito?" Nakakunot ang noo nyang sabi kaya't tumango tango ako.

"Sure, basta libre mo" mabilis nyang sagot at nag iba kaagad ang ekspresyon ng muka. Aish pati ba naman dito nagpapalibre pa din.

"Oo na, basta ikaw sa pagkain mamaya" sagot ko saka sya hinila sa counter para magpapalit ng tokens.

Halos lahat ng games don ay nilaro na namin, nakakuha pa kami ng ilang stuff toys sa claw machine. Well, mukang kabisadong kabisado ni Chu ang mga tricks don.

"Teka, nasan na ba sila Dahyun?" Tanong nya nang matapos kami sa kakalaro at maubos na ang tokens namin. Pinapalit nya pa ang tickets na nakuha nya ng pikachu na stuff toy.

"Ewan ko, message mo nalang" sagot ko dahil ako ba naman ang pinagbitbit nya ng mga stuffed toys na nakuha nya.

Maya maya pa ay dumating na nga sila Dahyun at Sana na may bitbit na ilang paper bags.

"Ano nanaman yan?" Nakakunot ang noo kong tanong nang mapalapit sila sa amin.

"Libro, si Dahyun kase nagpabili ng nagpabili. As if namang babasahin nya lahat" nakasimangot na sagot ni Sana kaya't natawa kaming tatlo sa kanya.

Pagtapos ng pamamasyal sa mall ay napagpasyahan din naming kumain. Gutom nanaman kase kami, syempre.

Habang kumakain ay panay ang pagkuha nila ng picture, hindi tuloy maiiwasang mapatingin ang ibang kumakain samin.

"Hoy tama na nga yan, pinagtitinginan na kayo" bulong ko sa kanila.

"Teka, ima myday ko lang" sagot naman ni Chu na busy sa pagpindot ng phone.

"Ma'am, here's your order po" napatingin kami sa waitress na lumapit sa amin bitbit ang isang plato ng mukang mamahalin na pagkain.

"I'm sorry miss, I think its a wrong table" mahinang sabi ni Sana dahil kumpleto na ang inorder namin kanina.

"Ma'am, this is a special order. Pinapabigay po" sabi nya at inilapag ang pagkain.

"H-huh? For whom?" Takang tanong nila Chu.

"For you Ma'am" sagot nya at itinuro pako saka ngumiti. Nagpalinga linga pa ako para hanapin kung sino ang nagpapabigay sakin.

"Btw, sino palang nagpabigay?" Tanong ko pa.

"Sorry ma'am pero wag ko daw pong sasabihin kung sino" nakangiti nya pang sabi kaya't tumango tango nalang ako saka sya umalis.

"Ghadd Chaeng, may fans ka din pala" natatawang sabi nila Dahyun.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon